You are on page 1of 5

BABASAHIN

ANG KULTURANG PILIPINO

1.1. KAHULUGAN NG KULTURA

Ang salitang kultura ay may katumbas na salitang “kalinangan” na may salitang-ugat


na linang (culture) at linangin (to develop/ to cultivate). Kung kaya, ang kultura o kalinangan
ay siyang lumilinang at humuhubog sa pag-iisip, pag-uugali at gawain ng tao ( Timbreza,
2008).

Sang-ayon kay Edward Burnett Tyloy na tinaguriang Ama ng Antropolohiya, ang


kultura ay isang kabuuang kompleks na may malawak na saklaw sapagkat kabilang dito, ang
kaalaman, paniniwala, sining.

Ipinahayag ni Leslie A. White, ang kultura ay isang organisasyong phenomenal na


sumasaklaw sa aksyon at iba pang mga kasangkapan, ideya, kilos at valyu.

Iba pang kahulugan ng kultura ayon sa iba’t ibang awtor ;

a.Hudson (1980) - binigyang kahulugan ang kultura bilang socially achieved knowledge.

b.Ward Goodenough (2006) - Ayon sa kanya, ang kultura ay naituturing na patterns of


behaviour (way of life) at patterns for behavior (designed for that life).

c.Timbreza (2008) - Ang kultura ay kabuuan ng mga natamong gawain, mga natutuhang
huwaran ng pag-uugali at mga paraan ng pamumuhay sa isang takdang panahon ng isang lahi
o mga tao
MGA KATUTUBONG PANGKAT

 Sa Cotabato nakatira ang mga


T’Boli. Gumagawa sila ng tela
para sa mga damit mula sa
T’Nalak na hinabi mula sa hibla
ng abaka. Maaaring magasawa
ng marami ang mga lalaki,
nagpapalagay ng tatu o hakang
ang mga babae. Ang kanilang
ikinabubuhay ay pangangaso,
Ang mga Maranao o
pangingisda, at pangunguha ng
Meranaw ay nakatira sila sa
mga prutas sa kagubatan.
paligid ng lawa ng Lanao. Ang
kahulugan ng “ranao” ay lawa
kung saan hinango ang kanilang
Larawan ng isang T’boli sa Cotabato pangalan. Ang Marawi ang
tinaguriang lungsod ng mga
dugong bughaw ng Maranao.
Buo pa rin at hindi nai-
impluwensiyahan ang kanilang
kultura katulad ng disenyo ng
damit, banig at sa kanilang mga
kagamitang tanso.
 Ang mga Tausug na nakatira
malapit sa dagat ay mga
mangingisda, at magsasaka
naman ang mga nasa loobang
bahagi. Naninisid ng perlas na
kanilang ipinangpapalit ng
tanso at bakal sa mga taga
Borneo at ng pagkain sa mga
magsasaka. Ang kalakalang ito
ang nagdala ng Islam sa Sulu.
 

 
Ang mga Sama-Badjao ay
naninirahan sa Sulu. Sama ang
kanilang wika. Nakaira sila sa
bangkang-bahay na may iisang
pamilya na binubuo ng dalawa
hanggang tatlongpu.
Pangingisda ang pangunahin
nilang hanapbuhay. Gumagawa
din sila ng mga Vinta at mga
gamit sa pangingisda tulad ng
lambat at bitag. Karamihan sa
mga Badjao ay mga Muslim.
 
Ang mga Subanen ay
matatagpuan sa kabundukan ng
Zamboanga del Norte at
Zamboanga del Sur.
Kayumanggi ang kanilang
kulay at may makapal at maitim
na buhok. Naniniwala sila na sa
iisang ninuno lang sila
nagmula.

 
Ang mga Bagobo ay
matatagpuan sa mga baybaying
golpo ng Davao. Maputi ang
kutis at kulay mais ang
kanilang buhok na may natural
na kulot. Napapangkat sa tatlo
ang tradisyunal na lipunan ng
mga Bagobo. Ang Bayani, ang
Mandirigma, at ang pinuno ng
mga ito ang Datu na
tumatayong huwes, nag-aayos
ng gulo at tagapagtanggol ng
tribo.
Ayon sa mga Yakan ng Basilan, noong
1970’s sa panahon ng Batas Militar,
karamihan sa mga Yakan ay
naninirahan sa mga malalayong bundok
upang makaiwas sa mga kaguluhang
nagaganap sa mga kabayanan. Dahil
dito, sila’y tinatawag noong mga
“Yakan Puntukan” na

 
Ang mga Mangyan ay nakatira
sila sa liblib na pook ng
Mindoro. Kumukuha sila ng
ikinabubuhay sa kagubatan,
pangisdaan at kalakal sa
Mindoro. Sinaunang alpabeto
ang gamit sa pagsulat ng mga
pagpapantig. Ang ambahan ang
kanilang panitikan na napanatili
sa pamamagitan ng pag-ukit
nito ng kutsilyo, mga
kagamitan at sa mga lalagyan
ng nganga.

You might also like