You are on page 1of 1

Ang Aking Hanapbuhay

Pangalan: Belmalyn B. Perez


Edad: 32

Hanapbuhay: Guro

The Karrussian Academy of Lipa City, Inc.


Pangalan ng Lugar ng Hanapbuhay
( Kung Angkop lamang)

1. Bakit po ito ang napili ninyong hanapbuhay?


Sagot: Napili ko ang hanapbuhay na ito na pagiging isang guro dahil ito ay
hindi lamang isang propesyon kundi isang misyon na nagbibigay sa akin ng
kaligayahan at pagiging kuntento sa buhay. Ang hanapbuhay na ito ang
nagiging tulay sa mga bata na maabot nila ang kanilang mga pangarap.
2. Ano-ano po ang mga tungkulin ninyo sa inyong trabaho o lugar ng
hanapbuhay?
Sagot: Ang mga tungkulin ko sa aking trabaho ay magturo sa aking mga
estudyante kung paano sumulat, bumasa at bumilang. Tinuturuan ko din sila na
magkaroon ng mabuting asal at positibong pananaw sa buhay.
3. Bakit po mahalaga sa inyo ang inyong trabaho?
Sagot: Mahalaga ang aking trabaho dahil bukod sa nagbibigay ito ng panustos
sa aking pang-araw-araw na gastusin, nagbibigay din ito ng kasayahan sa akin
dahil nakikita ko ang aking mga estudyante na natututo.
4. Bakit po mahalaga ang inyong trabaho para sa komunidad?
Sagot: Mahalaga ang aking trabaho para sa komunidad dahil ang aking
propesyon ang nagsisimula ng lahat ng propesyon/trabaho sa komunidad.
Lahat ng tao sa mundo ay nagsimula muna bilang isang mag-aaral bago nila
naabot ang kanilang propesyon ngayon.

You might also like