Isang araw sa isang bayan na nasa bundok na tinawag na Tumo ay may
isang taong nagngangalang Juan na nagnanais na makipagpalitan ng produkto sa kabilang bayan na tinatawag na Shito. Pero may pagkalayuan ito kaya walang makapunta ditto galing sa kaniyang bayan. Biglaang may nagpakitang matandang pulube na nagaalok ng isang agimat kapalit ng limang tinapay at sampung bote ng tubig at malugod na tinanggap ni Juan ang alok ng matanda. Ang angimat na ito ay nagbibigay ng kapangyarihang nanaisin ng may ari wika ng matanda at mabilis na naintindihan ni Juan. Dinala ni Juan ang mga gamit na ipapagpalit niya sa bayan ng Shito. Lumipag si Juan papunta sa bayan ng Shito at nagsimulang makipagpalit ng produkto. Pagkatapos ni Juan maipalit ang lahat na dinala niya galing sa kaniyang nang napansin siya ng dilag ay nagpakilala silang dalawa sa isat isa at nalaman niya ang pangalan ng babe ay Mari. Lumipas ang isang taon at napalapit ang dalawa sa isat isa hanggang may nakatuklas nito na nagngangalang Bonse. Si Bonse ay ang isa pang tao na umiibig kay Mari at nang nalaman niya ito ay nagalit siya at hnintay si Juan na dumating at hinamon ng laban hanggang kamatayan. Nagsimula ang labanan atake dito atake doon, hndi mapigilan ni Mary ang paglalaban ng dalawa araw at gabi silang hindi nagpapahinga hanggang namatay si Bonse. May nagpakitang Bathala at binuhay si Bonse. Tigil! wika ng bathala bago atakihin ni Bonse si Juan Juan, si Bonse ang iyong nawawalang kapatid wika ng bathala at nang malaman ng dalawa ang katotohanan ay tumigil na sila sa paglalaban, pinagsalamatan ang bathala at umuwi na sa baying ng Tumo kasama si Bonse. Dito nagpkasal sina Juan at Mari at nabuhay sila ng masaya kasama si Bonse habang buhay.