You are on page 1of 2

DALUYONG

KABANATA 1

May Bagong Umaga

Ang unang kabanatang ito ay pumapaloob kay Lino. Nakikipagtalo si Lino sa kaniyang
sarili habang nakatanaw sa kaniyang malawak na lupaing pinagkaloob ng butihing si Paring
Amando, ni Miss Sanchez na pamangkin ni Paring Amndo at ni Koronel Roda. Nag-iisip siya ng
paraan kung paano niya masusuklian ang kabutihan ng tatlo, hanggang humantong siya sa
planong paiibigin niya si Miss Sanchez kay Koronel Roda sapagkat alam ni Lino na may pagtingin
ito sa dalaga, at tiyak na masisiyahan din si Paring Amando at si Ginang Basilia na ina ni Miss.
Sanchez sappagkat sila ay may malaking pagtingin at pagpapahalaga sa nasabing koronel. Iyon
ang naisip na paraan ni Lino upang makabayad siya sa utang-na-loob niya sa tatlong
mabubuting nilalang.

KABANATA 2

Ilang Alaala

Ang pangalawang kabanata ay tungkol sa kaniyang anak na si Ernesto at matalik na


kaibignag si Bidong. Muling nagkita ang mag-amang Lino at Ernesto ng payagan itong dumalaw
sa kaniyang ama, kasabay ng pagdalaw ay ang sari-saring padala nina Paring Amando at ni Miss.
Sanchez. Agad naisip ni Lino na nadagdagan na naman ang kaniyang utang na loob sa pamilya.
Agad na nagtungo sina Lino at Ernesto sa kubong kaniyang pinapalagian at ibinida kay Ernesto
ang lupang bigay ni Paring Amando habang ipinapasok ni Bidong ang mga dalang gamit.
Matapos ng kanilang ginagawa ayagad nagyaya ng tanghalian si Bidong na tinanggihan nito
sapagkat dadalawin niya daw ang dalagang napupusoan nito na si Huli. Nais niyang tulungan
ang dalaga sapagkat ito na lang mag-isa ang kumakayod sa pamilya dahil sa maysakit ang ama
nito. Pinadalhan ni Lino si Bidong ng bigas at sardinas upang madala sa dalaga at umalis na ito.
Agad bumalik si Lino sa kubo at inaayang kumain si Ernesto habang ikinikwento nito kung paano
sila nagkakakilala ni Bidong, pagkatapos nilang kumain at agad ibinida ni Ernesto ang mga
padala nina Paring Amando at ni Miss. Sanchez.Naalala ni Lino na kailangan pa pala nitong
pakainin ang mga alaga, pinagligpit na niya si Ernesto at pinagpahinga na ito. Nakablik na si
Bidong galing kina Huli at pinakain na ito, at habang pinapakain ang mga alaga ay binabagabag
siya ng kaniyang isipan kung sino ba talaga at kung anong dahilan ng pagtulong nina Paring
Amando at Miss. Sanchez sa kaniya.
KABANATA 3

Bigong Kawanggawa

Ang kabanaang ito ay tungkol sa matalik na kaibigan ni Lino na si Bidong. Habang


nagpapakain ng alaga si Lino ay biglang dumating ang ina ni Huli at ibinalik ang bigay nitong
pagkain. Agad umalis ang matanda matapos nilang mag-usap. Napagdesisyunan din ni Lino na
kausapin si Bidong tungkol sa kaniyang pag-ibig kay Huli. At napatunayan naman ni Bidong na
tapat siya sa kaniyang damdamin sa dalaga, na hinangaan din ni Lino. Habang inilulusob nila sa
tubig ang alaga nila ay nakita nila si Huli na magsasalok ng tubig, napansin nilang tila mugto ang
mata nito atpinipilit ng dalaga na huwag Makita ang kaniyang mukha. Agad naman na pinansin
ni Lino ang pangangatawan ni Huli at nasabi nitong maganda ang hubog, sukat at tindig ni Huli.
Tinanong niya si Bidong kung wala ba siyang ibang kaagaw sa dalaga at nasabi na lamang ni
Bidong na marami at pinag-usapa nila ang tungkol sa ayaw ni Bidong na makisama sa
matatapang ngunit duwag, iyong lumalaban lamang sa mga walang laban. Pagkatapos ng
usapan nila ay agad napagdesiyunan nilang bumalik na at may naisip si Lino na ideya, at iyon ay
ang pumunta sa kanayunan upang mag-aliw-aliw at magkaroon ng bagong makikilala.

You might also like