You are on page 1of 1

K-12 Curriculum: Pagpapa-unlad ng Kakayahan at Kaalaman ng Bawat Pilipinong Mag-

aaral

Maraming proseso ang gagawin, mahaba ang panahon na gugogulin upang makamit ang
ating mga ninanais at layunin, maraming pamamaraaan ang puwedeng makatulong dito na
nakatutulong sa mga mag-aaral para sa kanilang personal na pag-unlad na maaring
malaki ang maiambag sa kanilang hinaharap.

Ayon sa Kagawaran ng Edukasyon (DepEd), ang K-12 program ay naglalayong paunlarin


at hasain ang mga kakayahan at kaalaman ng bawat isang Pilipinong mag-aaral sa
iba't ibang larangan; mapaakademiko, teknikal-bokasyonal, sining at disenyo, at
sports. Binibigyan nito ng sapat na panahon ang mga mag-aaral na tuklasin at alamin
kung ano nga ba ang daang gusto nilang tahakin. Malaki ang maiaambag ng curriculum
na ito para sa kinabukasan ng bawat isang mag-aaral at sa bansang kanilang
kinabibilangan.

Nakapanayam ko ang isang senior high school student mula sa Calamba Integrated
School at akin siyang tinanong kung siya ba ay sumasangayon sa pagrerebisang
gagawin sa K-12 curriculum ng DepEd. Ani niya "Ako kasi, personally, ayoko talagang
pumasok ng Senior High School. Gugugol ka kasi ng dalawang taon d'yan e. at
syempre, it's such a waste of time!" Dagdag pa niya "Pero wala naman akong
magagawa. Tumuloy pa rin ako. Pumasok ulit ako sa eskwela. Nagustuhan ko rin naman,
mahirap pero kakayanin. Kalaunan napagtanto ko rin kung ano ba talaga ang halaga ng
pagpapatupad ng K-12 curriculum. Kaya for me, tutol ako sa pagre-revise nito."

Hindi ko rin makuha kung bakit nga ba tila maraming Pilipino ang tutol at ayaw na
muling ipagpatuloy ang pagpasok sa senior high school. Mahirap kasi at kulang na
kulang na ang perang kanilang mailalaan para sa pagpapa-aral ng kanilang mga anak.
Ngunit may mga pampublikong eskwelahan namang maari nilang pasukan, may mga
pampribadong eskwelahan din ang nago-offer ng voucher para sa mga estudyanteng
galing sa public schools na kung saan maganda naman ang kalidad ng edukasyon.
Maraming pamamaraan at maraming pagpipilian kung gugustuhin mo lang talagang mag-
aral.

Hindi dapat maging hadlang ang kahirapan o kakulangang pinansyal upang matamo ang
magandang kinabukasan. Maraming puwedeng paraan upang makapag-aral. Mas buksan
natin ang ating mga isipan sa mga bagay-bagay na hindi natin alam kung ano nga ba
ang tunay na layunin at benipisyo sa ating buhay. Balang araw, mapapagtanto rin
ninyo kung ano nga ba ang kahalagahan ng mga ganitong bagay na sa atin ay inilaan
upang magkaroon ng magandang kinabukasan.

You might also like