You are on page 1of 1

Samantha Kyle E.

Pedrigoza Nobyembre 10, 2022


12-STEM (Diamond) BB. Michelle layson

KILALA SA LARANGAN NG

AGHAM AT TEKNOLOHIYA
Diosdado Banatao
Si Diosdado P. Banatao Jr. o mas kilala bilang "Dado", ay isang
inhinyero, imbentor, at negosyante na nanggaling sa Iguig, Cagayan Valley.
Siya ay nakapagtapos ng Electrical Engineering sa Mapua Institute of
Technology sa Maynila. Ang kaniyang pagkabata ay dumaan sa matinding
paghihirap na umabot sa paglalakad papuntang eskwelahan nang walang sapin sa
paa. Sa kabila nito, siya ay nagpursigi pa rin sa pag-aaral at ipinagpatuloy ang

sekondaryang edukasyon sa Jesuit-run Ateneo de Tuguegarao. Tinuloy niya naman ang kaniyang kolehiyo

sa Mapua Institute of Technology kung saan siya ay nakapagtapos at kumamit ng cum laude.

Si Banatao ay kilala sa kaniyang pagtuklas ng pinakaunang single-chip set na nakapagpapabilis

sa mga kompyuter at makikita sa bawat personal na kompyutuer ngayon na kaniya namang

dinesenyo sa mga kompanya ng Pambansang Semiconductor, Intersil, at Commodore International.

Noong 1981, binuo niya ang unang 10-Mbit Ethernet ang CMOS na may kontrol ng data-link ng

silicon coupler at transceiver chip habang nagtatrabaho sa Teknolohiya ng Seeq. Siya rin ang

nakilala at nabigyan karangalan para sa unang nagtakda ng system chip chip para sa IBM 's PC-

XT; ang konsepto ng lokal na bus. Gamit ang kaniyang mga karanasan sa iba't ibang kompanyang

kaniyang pinasukan, siya rin ay nakagawa na ng tatlong kompanyang kaniyang pamamay-ari. Ito

ay ang Mostron noong 1984, Chips & Technologies noong 1985, at S3 noong 1989. Siya rin ang

nagtatag ng Philippine Development Foundation, Dado Banatao Educational Foundation, at

Banatao Filipino-American Fund pati na rin ang tagapagtatag at kasosyo sa pamamahala ng

matagumpay na kompanyang nakabase sa Silicon Valley na Tallwood Venture Capital.

Sa kaniyang mga imbensyon at tulong sa pagpapaunlad sa larangan ng agham at teknolohiya,

siya ay mayroon nang maipagmamalaki na kredibilidad at pagiging propesyonalismo kaya naman

si Banatao ay pinarangalan at ginawaran para sa kanyang makabuluhang kontribusyon sa

teknolohiya na kinabibilangan ng Asian Leadership Award noong 1993, Pamana Ng Filipino Award

at Master Entrepreneur of the Year Award noong 1997 at marami pang iba. Palagi niyang

binibigyang-diin ang pagbibigay ng mas mahusay na sistema ng edukasyon sa mga kabataan

kung saan siya mismo ay kasama sa paggawa ng charity work sa Pilipinas sa pamamagitan ng

paggawad ng limang iskolar pang-edukasyon sa matatalinong Pilipinong estudyante para sa

kanilang magandang kinabukasan sa engineering at teknolohiya sa pamamagitan ng kanyang

Dado Banatao Educational Foundation. Hinihimok niya ang mga kaisipang Pilipino na magsikap

para sa isang magandang kinabukasan nang hindi nakakalimutang parangalan ang kanilang
pinagmulan.
SANGGUNIAN:
https://brainprick.com/diosdado-p-banatao-the-story-of-inspiration/
https://ewikitl.top/wiki/Dado_Banatao
https://www.xu.edu.ph/xavier-news/140-2018-2019/3943-profile-engr-diosdado-dado-banatao-jr-2019-

doctor-of-science-honoris-causa

You might also like