You are on page 1of 2

PAKSA:TEKNOLOHIYA SA PANAHON NG PANDEMYA SA MAG AARAL

Teknolohiya ang isang mabisang paraan at solusyon upang magpatuloy ang paghahanap buhay ng mga
tao at pag-aaral ng mga estudyate sa gitna ng pandemya. Sa pamamagitan ng radyo at telebisyon ay
mabilis na naibabalita o nabibigyan ng impormasyon ang mga mamamayan tungkol sa mga pangyayari
sa ating kapaligiran. Dahil sa pag-iwas sa face-to-face at pagtupad sa social distancing ng mga tao, sa
pamamagitan ng internet, kompyuter o maging cellphone man ay ligtas at malayang nakakapag-usap
ang mga tao. Sila rin ay nakakapag-oonline sa pagtitinda ng mga produkto, miting o webinar para sa
mga empleyado at online distance learning para sa mga estudyante.

RASYUNAL
Ayon sa isang pag-aaral noong 2018 ng Programme for International Student
Assessment (PISA), nasa huling ranggo sa pagbasa mula sa pitumpu’t siyam (79) na bansa ang mga
Pilipino na nasa edad labinlimang (15) taong gulang. Lumalabas na pang pitumpu’t walo (78) rin tayo sa
agham at matematika. Nagpapahiwatig na ang limitadong kaalaman sa kadahilanang wala silang sapat
na kakayahan na makabili ng
gadget at malakas na internet koneksyon na higit na nakakatutulong sa malawak na pagkatuto sa iba’t
ibang aralin ng mga mag-aaral kung kaya’t ang krisis ay nakasalalay rin sa katotohanang maraming
Pilipino ang hindi marunong magbasa o gumawa ng
simpleng matematika.

LAYUNIN
Ang layunin ng pananaliksik na ito ay mapag aralan at alamin ang teknolohiya sa panahon ng pandemya
sa mag aaral
•MGA SULIRANIN SA KASALUKUYANG SISTEMA NG EDUKASYON

METODOLOHIYA
Mas lalo pang nadagdagan ang isyu ng edukasyon sa Pilipinas nang umusbong
ang malawakang pandemya. Maraming kabataan ang hindi nakasasabay sa pag-aaral sapagkat hindi
lahat ay kayang bumili ng gadget at lalong hindi lahat ay may malakas na koneksyon sa internet.
Bagaman may umiiral nang mga alternatibong solusyon upang makasabay ang mga estudyante gaya na
lamang ng modular learning approach at blending learning na pinasimulan noong Oktubre 2020, hindi
pa rin ito sapat dahil kinakailangan pa rin ng gadget at internet sa mga kumplikadong takdang-aralin.
Samakatuwid, ang teknolohiya ay nakaapekto sa pag-aaral ng maraming estudyante.

Bilang pagsasaalang-alang sa dibisyon na ito, ang DepEd tulad ng karamihan sa


mga bansa tulad ng Thailand, India, Europe, North America, at iba pa ay hinalaw ang mga programang
nakabatay sa telebisyon at radyo upang ipatupad ang distance education para sa mga walang daan sa
teknolohiya, lalo na ang mga maralita sa pamamagitan ng pagbibigay ng pre-recorded na video kung
saan maaaring magamit
kahit walang koneksyon sa internet. Bagaman maganda ang naisip ng DepEd na paraan sa alternatibong
edukasyon ay hindi maikakaila na hindi magdudulot ng kalidad na
edukasyon dahil aalisin nito ang pagkakataon ng mga mag-aaral na makapagtanong at pumuna sa mga
hindi nila maintindihang parte ng aralin.

RESULTA
Bilang pagsasaalang-alang sa dibisyon na ito, ang DepEd tulad ng karamihan sa
mga bansa tulad ng Thailand, India, Europe, North America, at iba pa ay hinalaw ang mga programang
nakabatay sa telebisyon at radyo upang ipatupad ang distance education para sa mga walang daan sa
teknolohiya, lalo na ang mga maralita sa pamamagitan ng pagbibigay ng pre-recorded na video kung
saan maaaring magamit kahit walang koneksyon sa internet. Bagaman maganda ang naisip ng DepEd na
paraan sa alternatibong edukasyon ay hindi maikakaila na hindi magdudulot ng kalidad na edukasyon
dahil aalisin nito ang pagkakataon ng mga mag-aaral na makapagtanong at pumuna sa mga hindi nila
maintindihang parte ng aralin

You might also like