You are on page 1of 5

LEARNING ACTIVITY SHEET - WEEK 1

Pangalan:_________________________________________Baitang/Seksyon:__________Petsa: ________

I. PANIMULANG KONSEPTO

Ang pagiging isang entrepreneur ay maaring matutuhan ng bawat tao subalit


ito ay nangangailangan ng masusing pag-unawa sa entrepreneurship upang maging
matagumpay. Una na rito ay mahalagang taglayin ang mga mahahalagang katangian ng
isnag tao na makatutulong upang maging matagumpay sa larangang ito.

Ang produkto ay ang mga bagay na maaaring iniaalok sa merkado na nakapagbibigay ng kasiyahan
sa pangunahing pangangailangan o kagustuhan ng isang mamimili. Ito ay karaniwang likha ng mga kamay o
makina. Mayroon din namang likha ng isipan.

Mga Produktong Likha ng Kamay

Basket Hinabi Bag Ice Candy

Mga Produktong Likha ng Makina

Computer Gulong Ballpen


1
Mga Produktong Likha ng Isipan

Paggawa ng Computer Program Pagsusulat ng Libro o Nobela

Serbisyo ito ay ang paglilingkod, pagtatrabaho o pag-aalay ng mga gawain na may kabayaran ayon sa
ibat-ibang kasanayan at pangangailangan sa pamayanan. Ang sari-saring serbisyo ay nahahati sa ibat-ibang
sektor ayon sa uri ng kaalaman at kasanayang ipinamamahagi sa iba. Ilan sa mga sektor na ito ay ang
propesyonal, teknikal at may kasanayan.

Propesyonal (Professional) - Ito ay kailangang makatapos ng kurso sa kolehiyo at makapasa sa board tulad
ng guro o bar examination gaya ng mga bogado upang makakuha lisensiya para makapaglingkod sa
professional service sector.

Teacher Nurse Engineer

Doctor Police

2
Teknikal (Technical)

Electrician Computer Technician

May Kasanayan (Skilled)

Karpentero Manikurista Mananahi Barbero

Teknikal at may Kasanayan. Ito ay pinag-aaralan sa mas maikling panahon lamang. Gayundin, ito ay
kailangan na may sapat na kaalaman at kasanayan upang makapaglingkod sa sektor na teknikal at may
kasanayan.

II. LEARNING COMPETENCIES


 Naipaliliwanag ang kahulugan at pagkakaiba ng produkto at serbisyo (TLEIE6-0a-2)

III. MGA GAWAIN

A. GAWIN ITO.
Panuto: Tukuyin ang mga larawan kung ito ay produkto o serbisyo.

1. ________________ 4. _____________

2. ________________ 5. _____________

3. __________________

3
B. PAGLALAHAT

Ang produkto ay ang mga bagay na maaaring iniaalok sa merkado na nakapagbibigay


ng kasiyahan sa pangunahing pangangailangan o kagustuhan ng isang mamimili. Ito ay
karaniwang likha ng mga kamay o makina. Mayroon din namang likha ng isipan
samantalang ang serbisyo ay ang paglilingkod, pagtatrabaho o pag-aalay ng mga gawain
na may kabayaran ayon sa ibat-ibang kasanayan at pangangailangan sa pamayanan. Ang
sari-saring serbisyo ay nahahati sa ibat-ibang sektor ayon sa uri ng kaalaman at kasanayang
ipinamamahagi sa iba. Ilan sa mga sektor na ito ay ang propesyonal, teknikal at may kasanayan.

C. PAGTATAYA
Panuto. Kumpletuhin ang tsart sa pamamagitan ng pagtatala ng mga produkto at serbisyong makikita
sa inyong barangay.

Comments/Suggestions:
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________

V. SUSI SA PAGWAWASTO
A. GAWIN ITO.
1. Serbisyo 3. Serbisyo 5. Produkto
2. Produkto 4. Serbisyo

C. PAGTATAYA
Maaring magkaiba- iba ang sagot depende sa mga produkto at serbisyong mayroon ang kanilang
lugar/barangay.

VI. SANGGUNIAN
Kaalaman at Kasanayan Tungo sa Kaunlaran, Gloria A. Peralta, EdD, et.al
EPP5 MODYUL 1
LEARNING MATERIAL (EPP- ENTREPRENUERSHIP AT ICT), Marvin R. Leano, et.al

4
Isinulat ni:

MARY JOY M. FULO


Teacher III

QA TEAM:

Members:

ROSALINDA G. QUIÑONES JEANNA D. ESCALANTE


Master Teacher I ESP- I

Chairman:

LIZA DY SALONGA
ESP-I/ OIC- PSDS

You might also like