You are on page 1of 4

GRADE 1 to 12 Paaralan AGUINALDO ELEMENTARY SCHOOL Baitang Lima

DAILY LESSON LOG


Guro EDGARDO M. CAMUNGOL Learning Area EPP 5 ICT

Petsa April 2, 2024 Makahan / Linggo / Araw Ika-apat/ Una/ MARTES

I. LAYUNIN
A. Pamantayang Pangnilalaman Naipamamalas ang kaalaman at kasanayan upang maging matagumpay na
entrepreneur
B. Pamantayan sa Pagganap Mapahusay ang isang produkto upang maging iba sa iba
C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto Naipaliliwanag ang kahulugan at pagkakaiba ng produkto at serbisyo
Isulat ang bawat code ng kasanayan (EPP5IE0a-2)
II. NILALAMAN PRODUKTO AT SERBISYO

KAGAMITANG PANTURO
A. Sanggunian
1. Mga pahina sa Gabay ng Guro
2. Mga pahina sa Kagamitang
Pang-mag-aaral
3. Mga pahina sa Teksbuk Pahuna 1-8
4. Karagdagang Kagamitan mula sa . ICT and Entrepreneurship – Modyul 1: “Produkto O Serbisyo?!”
portal ng Learning Resource
B. Iba pang Kagamitang Panturo Teacher made PowerPoint Presentation, laptop, SLMs/Learning Activity
Sheets, bolpen, lapis, kuwaderno

III. PAMAMARAAN
A. Balik-Aral sa nakaraang aralin Panuto: May alam ka bang mga oportunidad na maaring mapagkakitaan sa
at/o pagsisimula ng bagong tahanan at pamayanan? Ano-ano ito? Gaano kahalaga ang mga kabuhayang
aralin. ito sa mga tao?

B. Paghahabi sa layunin ng aralin


Ikaw ba ay pabor sa mga nagtitinda sa gilid ng kalsada tulad ng nasa larawan?

C. Pag-uugnay ng mga halimbawa Sa panahon ng makabagong teknolohiya, nagbabago ang lahat ng mga bagay
sa bagong aralin at marami ang mga pwedeng mapagkakitaan ng mga tao. Ang ilan ay
maaaring makapagnegosyo gamit ang mga produktong karaniwang gawa sa
kamay o makina. Ang iba naman ay maaaring magtagumpay sa buhay gamit
ang kanilang serbisyo sa paglilingkod ayon sa uri ng kaalaman at kasanayan
sa iba’t-ibang sector sa lipunan

D. Pagtalakay ng bagong konsepto Bilang isang entrepreneur na nagnanais na magtayo ng negosyong


at paglalahad ng bagong pantahanan o pamayanan. Mahalaga na malaman ang pagkakaiba ng
kasanayan #1 produkto at serbisyo upang mabigyan ng tama at maayos na paghahanda
kung alin sa dalawa ang maaaring ialok sa mamimili batay sa kanilang
pangangailangan at kagustuhan.
E. Pagtalakay ng bagong konsepto MGA SERBISYO
at paglalahad ng bagong Ang serbisyo ay isang uri ng paglilingkod o pagsisilbi gamit ang mga kaalaman
kasanayan #2 at kasanayan sa lipunan at tumutugon sa mga pangangailangan ng mga tao
sa pamayanan. Ito ay nahahati sa iba’t-ibang sector gaya ng propesyonal,
teknikal at mga kasanayan. May mga serbisyo na kailangan muna
makapagtapos ng kurso at makakuha ng board o bar exam upang makakuha
ng lisensiya para makapagtrabaho sa professional service sector.
Mga Uri ng Serbisyo:

• Propesyonal – kailangan nakapagtapos ng kurso at nakakuha ng board o bar


exam upang makakuha ng lisensiya para makapagtrabaho.

Halimbawa: guro, engineer, doctor, abogado, nars, pulis, accountant at iba pa.

• Teknikal – Ito ay uri ng serbisyo na nangangailangan ng mga kaalaman sa


paggawa ng mga bagay o pagkukumpuni gamit ang iyong kaalamang
technical.

Halimbawa: auto mechanic, computer programmer, electrician, computer


technician, aircraft mechanic at marami pang iba.

• Kasanayan – serbisyong nangangailangan ng mga kasanayan sa paggawa.

Halimbawa: masahista, mananahi, karpintero, pintor, barbero at marami pang


iba

F. . Paglinang sa Kabihasaan (Tungo Panuto: Kilalanin ang mga


sa Formative Assessment sumusunod na mga salita.
Sagutin kung Produkto o
Serbisyo. Isulat ang iyong
sagot sa kwaderno.
1. silya at mesa
______________________
2. pagmamaneho
______________________
3. buko pie
______________________
4. pagmamasahe
______________________
5. pagtuturo
______________________
G. Paglalapat ng aralin sa pang- Paano nakaapekto sa produkto at serbisyo ng mga mamamayang Pilipino ang
araw-araw na buhay pagkakaroon natin ng tinatawag na pandemya?

H. Paglalahat ng Aralin Ano ang pagkakaiba ng produkto at serbisyo?

I. Pagtataya ng Aralin Panuto: Isulat ang Tama kung wasto ang isinasaad ng pangungusap at Mali
kung hindi. Isulat ang iyong sagot sa kwaderno.
__________ 1. Ang serbisyo ay mga uri ng paglilingkod na kalimitang
tumutugon sa mga pangangailangan ng mga tao.
__________ 2. Ang produkto ay ang mga bagay na ginagawa ng mga
negosyante para tugunan ang mga pangangailangan ng mga tao.
__________ 3. Ang mga tao ay walang karapatang magsilbi o magtrabaho
para sa mga pangunahing pangangailangan sa pamayanan.
__________ 4. Ang pagbibigay ng serbisyo ay nababatay sa kakayahan ng
isang tao at sa kung ano ang kanyang kursong natapos.
__________ 5. Hindi pinapayagan ang isang negosyante na mamili ng
produktong maaaring ilabas sa merkado.
J. Karagdagang Gawain para sa Gumupit ng larawan ng tig-3 larawan na nagpapakita ng produkto na durable at non-
takdang-aralin at remediation durable
IV. Mga Tala
V. PAGNINILAY
A. Bilang ng mag-aaral na nakakuha
ng 80% sa pagtataya.
B. Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng iba pang
gawain para sa remediation.
C. Nakatulong ba ang remedial?
Bilang ng mag-aaral na nakaunawa
sa aralin.
D. Bilang ng mga mag-aaral na
magpapatuloy sa remediation.
E. Alin sa mga istratehiyang pagtuturo
nakatulong ng lubos? Paano ito
nakatulong?
F. Anong suliranin ang aking naranasan
na solusyunan sa tulong ng aking
punungguro at superbisor?
G. Anong kagamitang panturo ang aking
nadibuho na nais kong ibahagi sa mga
kapwa ko guro?

Magbigay ng halimbawa ng hayop at


tukuyin ang kung ano ang
kabutihang dulot nito. (baboy)
----------------------------- _________________________________ _____________________________
Magbigay ng halimbawa ng hayop at
tukuyin ang kung ano ang
kabutihang dulot nito. (baka)
maaaaa
----------------------------- _________________________________ _____________________________

Ano-ano ang mga paraan upang


maipakita ang kahalagahan ng mga
hayop na may pakpak? ibon Tweet
----------------------------- _________________________________ _____________________________

Ano-ano ang mga paraan upang


maipakita ang kahalagahan ng mga
isda? shhhhhhhh

You might also like