You are on page 1of 1

Ashley paular (Senior High) - Lalawigan ng Antipolo

Eileen Lopez (Mama) - Tondo


Kim Lizada (Kamag-aral) - Bilang estudyante
Jullin Apolonio (Kamag-aral) - Bilang bahagi ng pamilya
John Rovic Delacruz (Kaibigan) - Bilang bahagi ng lipunan

Nagpanayam ako ng limang tao na kalilala ko at minsan o madalas kong nakakausap at


nakakakuwentuhan. Tinanong ko sila tungkol sa kanilang paraan ng pamumuhay at mga kaganapan na sa
kanilang buhay. Binigyan ko sila ng tiyak na pagbabatayan upang makabuo ako ng isang malawak at
maayos na tekstong naglalarawan.

Mula sa pinakaunang institusyong nabuo na tinawag na pamilya sa isang lipunan hanggang sa isang
malawak na bansa, makikita mo na nahuhubog ang isang tao batay sa kung papaano siya nagsimula at
kung saan siya nagmula. Iba't-ibang pamamaraan ang buhay ng tao marahil mahirap ito at madalas
komplikado makikita na may sarili silang paraan at stratehiya upang mabuhay, depende sa kanilang
kinalakihan.

Tulad na lamang ng pamumuhay ni Ashley sa lalawigan ng Antipolo at ang pamumuhay ni mama sa


Tondo na mismong aking nasasaksihan. Nasabi ni Ashley sa'kin na ang buhay daw roon ay parang isang
laro na kung saan iba't ibang tao at problema ang makakasalubong mo, masaya raw ngunit sa isang
banda ay napapatanong siya kung may pag-asa pa bang umulad dito. Normal naman daw ang pamimili
roon lalo na pag usapang mangga, kasoy, at suman, patok daw ang mga ito dahil sa tinataglay nitong
abilidad na malasahan ang simoy ng Antipolo. Dito sa Tondo sinabi sakin ni mama at alam ko naman, na
ang Tondo raw ay sadyang magulo ngunit dito mo matatagpuan ang mga ngiting minsan mo lang
mararanasan, puno ng masasayang tao at sumasabay hanggang ngayon sa mga kultura tulad ng fiesta,
alay-lakad at iba pa. Iba ang Tondo kaysa sa lahat dahil sa sarili nitong istorya at kasaysayan.

Bilang estudyante, bilang bahagi ng pamilya at ng lipunan, ang pinakailangan natin sa lahat ay
pagmamahal at respeto. Simula bata ay nangarap na tayong singtaas ng mga butuin sa langit, at
hanggang ngayon ay nais natin maabot, napatanong ako sa aking sarili; maaabot ko ba 'to ng mag-isa? Sa
buhay natin kailangan natin ng katunggali at kasangga; Katunggali, upang matutunan natin ang
kahalagahan ng pagkasawi at pagkatalo, upang matuto pa tayo. Kasangga, upang malaman natin na hindi
tayo nag-iisa at mayroon tayong kakampi sa anumang laban. Lahat ng ating makakasalamuha ay isang
aral, nararapat natin respetuhin ang bawat isa maski ang sarili kahit na minsan ay hindi ito para sa atin.
Bilang bahagi ng bawat aspekto, batay sa aking pagkakaintindi, na ang pagmamahal ang isa sa
pinakaimportante dahil ito ang magtutungo sa atin sa mas tamang daan. Hindi man natin maabot ang
tunay na kahalagahan at kagandahan ng buhay, darating ang panahon na magkakasundo rin ang lahat at
matutunan ang kahulugan ng buhay.

You might also like