You are on page 1of 6

Pagsuri sa Ugnayan ng Akdang Sangdaang Damit Ni Fanny Garcia sa Buhay ng Limang

Dating Mag-aaral ng Don Jose Ynares Sr. Memorial National High School
Kabanata 1

Suliranin At Kaligiran Nito

A. Panimula

Buod

Ang "Sandaang Damit" ay sulat ni Fanny Garcia. Ito ay tungkol sa isang batang babae na
kapos sa buhay. Siya ay nakaranas ng panunukso, pangungutya at kapansin-pansin ang kaniyang
pagiging walang-imik at naging mapag-isa dahil sa ang kanyang mga kaklase sa paaralan ay mga
mayayaman. Mag salita man ito ay mahina at paanas pa. Sa sulok ng kaniyang mata ay
masusulyapan niya ang mga pagkaing naka displey sa ibabaw ng pupitre ng mga kaklase:
mansanas, sandwiches, kending may iba-ibang hugis at kulay na pambalot na palara. At ang
kanyang damit na palagi niyang suot ay luma na at ang baon lamang nito ay katiting na tinapay
lamang. At ito ang mga bagay na naging dahilan kung bakit siya palaging kinukutya ng kanyang
mga kaklase ngunit kahit na ganon pa man ang trato sa kanya ng mga kaklase niya ay hindi niya
ito pinapansin at iniintindi na lamang ang mga sitwasyon. Hanggang sa tumindi ang
pambubuska at panlalait ng kanyang mga kaklase dumating ang araw na natutong lumaban ang
bata sa paraang hindi maganda. Nagsinungaling siya. Sinabi niya sa kanyang mga kaklase na siya
ay may isandaang damit sa kanilang bahay. Ikinuwento niya sa kanila ang bawat detalye ng
kanyang damit, iba't ibang damit depende sa okasyon. May pamasok sa eskwelahan,
pangsimba, pandalo sa pagtitipon at pantulog. At simula noon ay naging malapit na siya sa
kanyang mga kaklase.

Ngunit ng magsimulang lumiban ang bata sa klase ay nagtaka ang kanyang mga kaeskwela pati
na ang guro kaya naman napagdesisyunan nilang puntahan na lamang ang bata sa kanilang
bahay upang malaman kung ano na ang nangyari dito. At ng makarating na sila sa bahay ng bata
nadatnan nila ang sira sirang bahay ng bata, ngunit hindi ang bata ang kaagad nilang hinanap
kundi ang isandaang damit na sinasabi ng bata, at nakita nilang naka display sa teheras ang
isandaang damit na pawing mga drowing lamang.
B. TEORETIKAL NA BALANGKAS

Bawat isa sa atin ay nilalang ng ating Panginoon na iba-iba ang kaanyuan at kalagayan sa
buhay.Ngunit sa paningin ng ating Panginoon ay pantay pantay tayong lahat. Mayaman man o
mahirap ang katayuan ng isang tao sa lipunan wala tayong karapatan na husgahan ang isang
tao.Purket mahirap lamang ang isang tao ay kinukutya na ito at pinipintasan ng mga taong
walang man lamang mabuting puso.

Ang Pakikipagkapwa at ang G o l d e n R u l e


Makakamit ng tao ang kaniyang kaganapan sa pamamagitan ng makabuluhan at
mabuting pakikipagkapwa. Sa buong mundo, kinikilala ang kahalagahan ng mabuting
pakikitungo sa kapwa.
Golden Rule. Marami sa mga relihiyon sa buong mundo ang naniniwala sa kahalagahan ng
mabuting pagtrato at pakikitungo sa kapwa “Huwag mong gawin sa kapwa mo ang ayaw mong
gawin sa iyo”; “Mahalin mo ang kapwa mo gaya ng pagmamahal mo sa iyong sarili”; Makitungo
sa kapwa sa paraang gusto mong ring pakitunguhan ka.”
Ayon sa Webster’s Dictionary, ang pagkakaibigan ay nangangahulugan ng
pagkakaroon ng ugnayan sa isang tao dahil sa pagmamahal (affection) o pagpapahalaga
(esteem).
Ayon kay Aristotle (deTorre, 1980), natural na hangarin ng isang tao na
makipagkaibigan sa kaniyangkapwa. Likas itong dumadaloy sa isang tao dahil likas sa kaniya ang
magmahal.Walang sinuman ang pipiliin ang mabuhay na walang kaibigan kahit pa nasa
kaniyana ang lahat ng mabubuting bagay.
Ayon naman kay Emerson, “Ang biyayang mabuting pagkakaibigan ay hindi lamang
makakamit sa ngiti at saya ng isangpangkat ng magkakaibigan o ng tulong at pabor na
maibibigay nila. Kundi, ito’y mararamdaman sa inspirasyong nagmumula sa taong naniniwala at
nagtitiwala sa atin.” Mas higit pa sa halakhak ang sayang maibibigay na makatagpo ng
isang taongnaniniwala at nagtitiwala sa iyo.

May ibat-ibang uri ng pagsisinungaling ang ginawa ng batang babae ay Self


Enhancement Lying kung saan siya ay nagsisinungaling upang maisalba ang sarili sa kahihiyan.
C. Konseptuwal na Balangkas

INPUT PROCESS OUTPUT

Mag-aaral Pagkalap ng Mga pangyayaring


impormasyon mula sa nangyari sa sandaang
kanila tungkol sa akdang damit na naganap din sa
Guro isang damit. tunay na buhay

Magulang
Pagsasagawa ng
interbyu.

D. Ang Paglalahad ng Suliranin/Problema

Ang pagsusuri na ito ay bibigyang kasagutan kung ano ang nagiging


kaugnayan ng akdang Sandaang Damit sa buhay ng limang piling dating mag
aaral ng Don Jose Ynares Senior Memorial National High School.

Ang mga sumusunod na katanungan ay inaasahang sagutin para sa pagsusuring ito.


1. Satingin mo paano mo maiuugnay ang tekstong ito sa kung anong klaseng pamumuhay
ang meron kayo?

2. Anong satingin mo ang dahilan kung bakit isinulat ang kwentong ito?

3. Paano naka-apekto sa iyo ang kwento matapos mo itong basahin?

E. Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang pananaliksik na ito ay makatutulong sa mga sumusunod:

Guro. Mas maging malinaw para sa kanila kung paano nakaka apekto ang mga akdang
pampanitikan sa mga kaugalian ng mga estudyante.

Institusyon. Mas mapag-inam pa nila ang kanilang mga panuntunan kaugnay sa


paghubog ng kabutihang asal.

Mag-aaral. Magbigay-aral sa mga estudyante na wag kutya ng kutya ano man ang
katayuan o estado nito sa buhay. Maging pantay ang pagtingin ng estudyante sa lahat ng
kanyang kamag-aral

Magulang. Maipaalam sa kanilang mga anak kung gaano kahalaga ang pagkakaroon ng
mabuting asal.

F. Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral

Ang pagsususuri na ito ay saklaw lamang ang limang dating mag-aaral ng Don Jose
Ynares Sr. Memorial National High School na ang Sandaang Damit ay Teoryang Realismo kung
saan pinapakita ang mga nasaksihan ng may akda sa lipunan at karanasan hango sa toong
buhay.

G. Depinisyon ng Termino

Paanas- pagsasalita na halos paanas.

Pambubuska- walang katapusang panunukso at pambibwisit.


Pupitre- ang sulatan.

Terehas- teheras ay isang daanan sa gilid ng kalsada at kalimitang tinutulugan ng mga pulubi.
Para rin itong higaan o kama.

Walang-imik- nangangahulugan hindi kumikibo o hindi nagsasalita.

You might also like