You are on page 1of 21

Nazareth School of National University

272 Sta. Teresita Street, Sampaloc, Manila

“Ligo na U, Lapit na Me” : Feministikong pagsusuri


sa katauhan ni Jenny

Bilang Pagtupad sa Kahingian ng Asignaturang Pagbasa at Pagsusuri

ng Iba’t ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik

Lozano, Mary Joyce


Bandola, Mac Arvin
Briones, Allan Paul
Tolentino, Jivee
De Leon, Bea Bianca
Dela Cruz, Reign Angela
Guevarra, Princess
Jarabe, Joslyn Adelind
Limjoco, Kathyrine
Mejia, Pauline
Panti, Faye
Zafe, Hazel

Marso 2019
Introduksyon

Ang pagsusuri na ito ay tungkol sa isang babaeng natutong tumayo sa kanyang

sariling mga paa. Maraming kababaihan ang nabubuhay mag-isa na walang katuwang na

mga magulang. Mahirap para sa isang babae na lumaki mag-isa dahil magkakaroon ito ng

malaking epekto sa kanyang buhay bilang babae. Ang pagsusuri ay hango sa tooong

buhay kung saan makikita ang kalakasan ng kababaihan. Ang “Ligo na U, Lapit na Me”

ay isinulat ni Eros S. Atalia, patungkol ito sa kung paano nagkakilala si Intoy at Jenny at

minumulat din ng nobelang ito ang mga pangyayari sa Maynila. At ang mga masasamang

bisyo katulad ng pag-inom ng alak at paninigarilyo, narito rin ang kung papaano nakikita

at nakakakuha ng mga babaeng bayaran. Sa pagsusuring ito, kapansin pansin ang pang

uuyam sa lahat ng kaniyang mga akda. Madalas niyang ipakita ang mga nangyayari sa

lipunan na malimit makita ng karamihan. Mayroong pinaniniwalaang konsepto ng Maria

Clara ang mga Pilipino, kung saan ang depiksyon sa mga babae ay konserbatibo.

Sa kwento, may isang ordinaryo ngunit madiskarteng binata na nagngangalang

Karl Vladimir Lennon J. Villalobos o mas kilala sa tawag na Intoy ang may sikretong

pagtingin sa kaniyang kaibigang si Jenny. Si Jenny ang tinuturing na pinakamaganda,

mayaman at may dating na estudyante sa kanilang eskwelahan. Maituturing na torpe at

nakikiuso si Intoy sa ugali ng mga kabataan sa kanilang henerasyon. Nagkaroon din sila

ng kakaibang pagkakaibigan ni Jenny. Binigyan ni Jenny si Intoy ng pribilehiyong

makasiping siya kahit kailan nito gustuhin sa kondisyong hindi sila magkakagusto sa isa’t

isa. Bago sila magtapos sa kolehiyo, nagdesisyon si Intoy na basagin na ang kaniyang ka-

astigan at ipagtapat na kay Jenny ang tunay niyang nararamdaman ngunit nadismaya siya

sa kinalabasan. Sinabi ni Jenny na siya ay buntis at hindi si Intoy ang ama. Ang kwento

2
ay pagsubok at eksaminasyon ng makabagong ideya ng pagmamahal at

pakikipagrelasyon. Dito mapapagtanto kung paano harapin ng kasalukuyang henerasyon

ang problema sa pag-ibig maging ang kanilang takot.

Ang pagsusuring ito ay bumubuhay ng kilusang tumatangkilik ng mga karapatan

ng mga kababaihan. Dahil araw pa man, umaasa na ang lipunan sa mabuting

impluwensya ng kababaihan. Bagama’t totoong hindi lang ito ang nakaiimpluwensya

nang mabuti sa lipunan, ang pundasyon ng kabutihang laan ng kababaihan ay

napatunayang kapaki-pakinabang sa kapakanan ng lahat. Marahil, dahil lagi naman itong

naririyan, ang mabuting impluwensya ng kababaihan ay hindi gaanong napapahalagahan.

Walang ibang lugar kung saan higit na nadarama o higit na napapakinabangan ang

mabuting impluwensya ng babae kaysa tahanan. Ang pinakamainam na lugar sa

pagpapalaki ng bagong henerasyon ay sa tradisyunal na pamilya, may ama at ina na

nagtataguyod, nagtuturo, at nangangalaga sa kanilang mga anak. Sa mga lugar na walang

ganitong huwaran, pinipilit gayahin ng mga tao ang mga pakinabang nito hangga’t kaya

nila sa kani-kanilang sitwasyon.

Layunin ng Pag-aaral

May mga ideyang makabuluhang tingnan o suriin sa hinaharap o kinabukasan nito.

Ngunit sa pagtukoy at pagsusuri dito ay kailangan ang paglalahad ng layunin sa

kasaysayan nito, ang paksa ng pagsusuri na ito ay naghahamon sa mga tinatanggap at

ipinapalagay na totoong ideya at siyang interes ngayon ng mga mananaliksik.

3
Ang layunin ng pagsusuring ito ay ang matuklasan ang mga sumusunod:

1. Maipakita na ang kababaihan ay may pambihirang taglay na kahit anong hirap ng

problemang kinakaharap Ay nananatiling matatag.


2. Matuklasan ang pagkakaiba ni Jenny sa kababaihan sa panahon ngayon.
3. Matuklasan ang sinisimbolo ng karakter ni Jenny sa modernong kababaihan.

Paglalahad ng suliranin

Sa pagsasalaysay ng layunin sa pananaliksik na ito, ninanais ng mga mananaliksik

na masagot ang mga sumusunod na katanungan:

1. Paano naipapakita ang pagiging malakas ni Jenny sa kabila ng samu’t saring

problema?
2. Ano ang pagkakaiba ni Jenny sa modernong kababaihan?
3. Ano ang sinisimbolo ni Jenny sa modernong kababaihan?

Saklaw at Limitasyon

Saklaw ng Pag-aaral Ang pagsusuri na ito ay nakatuon sa paglalahad ng mga positibo at

negatibong epekto ng pangunahing tauhan na si Jenny mula sa akdang 'Ligo na U, lapit

na me' sa kababaihan ng kasalukuyan. Ito ay mayroong paksang femenismo.

Ang pagsusuring ito ay nakatuon lamang sa pagsagisag ng pangunahing tauhan na si

Jenny sa Femenismo, sa kadahilanang hindi angkop sa mga mambabasa. Maaari ito

maka-sanhi ng pagiging hindi komportable sa mga babasa dahil sa mga maselang

kaganapan sa akdang 'Ligo na U, Lapit na me'.

Kahalagahan ng Pag-aaral

4
Ang pananaliksik na ito ay magsisilbing gabay at makatutulong sa mga

sumusunod:

Sa kababaihang nasasaklaw ng pagsusuri. Matutulungan na palawakin ang pag-

unawa tungkol sa kalakasan at kahinaan ng kababaihan. Malaman ang katayuan sa

lipunan bilang isang babae.

Sa kalalakihan. Makakatulong ang pagsusuring ito upang mabigyang-linaw ang

kalagayan ng kababaihan sa kanilang paligid. Mabigyan ng sapat na impormasyon ang

hindi pantay na pagtrato ng kababaihan sa kanilang sarili. Mas makakatulong ang pag-

aaral na ito upang mas lumalim ang pag-iintindi ng kalalakihan sa dinaranas ng

kababaihan.

Sa mga mag-aaral. Matutulungan ang mga mag-aaral na malaman o maintindihan

kung ano ang epekto ng pamumuhay mag-isa ng isang babaeng tulad ni Jenny. Inaasahan

na ang pag-aaral na ito ay makatutulong nang malaki para sa epektibong pagpapahalaga

sa kababaihan.

Sa mga magulang. Makatutulong ito upang mahikayat na huwag hayaan ang

kanilang mga anak na mabuhay nang hindi nakakaranas ng pagmamahal at pag-aaruga ng

isang magulang. Ang mga magulang bilang unang guro ng kanilang mga anak ay maaring

makapagisip-isip ng mga bagay na maipapayo at maitutulong sa kanilang mga anak.

Sa mga guro. Makakatulong ang pagsusuring ito sa mga guro na mabigyan ng

kalinawan ang kanilang perspektibo sa pagkakaroon ng estudyanteng tulad ni Jenny.

Malinawan ang kanilang pag-iisip na hindi lahat ng kanilang estudyante ay may pantay

na pagmamahal na natatanggap sa kanilang mga magulang.

5
Depinisyon ng mga katawagan
Ang mga termino na mababanggit ay mapapaloob sa sulating pagsusuri.

Makatutulong ito sa mga mambabasa upang mas maunawaan at mapalawak ang kanilang

talasalitaan

Aspekto. Sangay or isang partikular na bahagi o katangian ng isang bagay.

Depiksiyon. Ito po ay binubuo ng mga katotohanang mga pangyayari sa buhay.

Epekto. maaaring magkaroon ng maraming kasingkahulugan ang ilan sa mga ito

ay ang mga sumusunod na salita: kasama, kapareha, katulong, o karelasyon.

Hango. Pinanggalingan ng mga bagay.

Ideya. Anumang kuro-kuro na umiiral sa isip bilang resulta ng pag-unawa sa

kaisipan, kamalayan, o aktibidad.

Inilahad. Ito ang akto kung saan ang isang isinekretong bagay o pangyayari ay

inilabas o may pinagsabihan na.

Kamalayan. pagiging gising, alisto, at tumutugon sa kapaligiran.

Katuwang. Maaaring magkaroon ng maraming kasingkahulugan ang ilan sa mga

ito ay ang mga sumusunod na salita: kasama, kapareha, katulong, o karelasyon.

Matugunan. Masustentuhan o nasuportahan at masapatan ang pangangailangan.

Pagkakakilanlan. Nangangahulugan ng katangian. Maaari itong gamitin sa isang

bagay, tao, hayop, lugar, pangyayari, at iba pa.

Pagsusuri. Ang pag-aanalisa o pag-oobserba upang mapag-aralan at mabigyang

kasagutan ang problema.

6
Torpe. Isang salitang balbal sa wikang Filipino na nangangahulugan na mahiyain

ang isang lalaki o babae sa kanilang mga gusto o nililigawan na mga indibidwal.

Rebyu ng Kaugnay na Literatura

7
Ang feminismo ay teoryang makababae. Maraming mga manunulat na may mga

akda na feminista, tulad ng Medusa na isinulat ni Gomez, A. noong 2015, Paghabol sa

dyip at haranang walang buwan. Marami ring mga kritikong feminista na sumisiyasat sa

mga akdang tulad nito. Madalas, ipinapakita ng lipunan na mahina ang mga babae.

Makikita sa iba’t ibang babasahin, palabas at kung ano-ano pa. Pinapakita na mas

malakas pa rin ang mga lalaki sa kahit anong aspekto ng pagkatao – pisikal man o

emosyonal. Ito ang pinakadepinisyon ng patriyarkiya.

Ayon kay Aquino sa news article ni Butch Quiejada (2013), “Kapag ang mga nanay

at kababaihan sa isang komunidad ay nagkakaroon ng pagkakataong kumita at umasenso,

umaangat ang kalidad ng buhay ng mga pamilya’t komunidad. Nakapag-aral ang mga

bata, nakapag-impok ang pamilya at minsan din ay nakapaglalaan para sa negosyo”.

Ipinapahiwatig dito na ang pagbibigay ng oportunidad sa kababaihan ay nakalalago sa

ekonomiya ng isang bansa. Buhat sa pahayag na ito, masasabing ang pag-unlad ng isang

bansa ay hindi lang lamang nakasalalaysa kamay ng mga kalalakihan. Malaki ang papel

ng lahat ng tao sa isang komunidad sa pagpapaunlad nito kaya marapat lang na pantay-

pantay ang karapatan ng bawat isa dahil ang bawat isa ay instrumento ng kaunlaran ng

bansa.

Ayon sa pag-aaral ni Vernaldo L. Talamayan (2013) patungkol sa pagsuri ng

National Economic Protectionism Association o NEPA at mga materyales

pangkalinangan nito noong dekada ng 1930. Gamit ang struktura ng samahan attekstong

media nito, ipakikita kung papaano nila isinakatawan ang gampanin ng kababaihan noong

1934 hanggang 1941. Gagaygayin ang pagsalin ng mga pagsasakatawang ito sa kanila

mismong ginanapan at maaaring tinanggap na identidad. Ipaliliwanag din kung bakit sa

8
panahon ng pag-usbong ng aktibismo sa hanayng kababaihan, tila may ilang yumakap at

tumanggap sa naturang pagsasakatawan sa kanila. Mula sa pag-aaral na ito ay masasabi

na nakikiisa ang kababaihan sa pagtanggap ng pagbabago na nangyayari sa isang lipunan.

Ayon kay Miguel J.D. (2013) kung saan lumabas sa pag-aaral na ang kababaihan ay

tunay na nakararanas ng matinding kahirapan. Sila ay hindi ganap na malaya sa

kadahilanang hindi nila nakakamit nang sapat ang mga pangunahing pangangailangan at

serbisyo ng estado. Napag-alaman din sa pag-aaral na mayroong pangkaraniwang pag-

uugali at katangian ang kababaihan na sumasalamin sa patuloy na pagdanas nila ng

kahirapan. Ngunit ayon din sa pagsusuri, mayroon din namang mga pagtatangka na

kalabanin hindi lamang ang mga tradisyonal na papel na tinakda ng lipunan sa

kababaihan kundi pati ang mapang-aping sistemang patriyarkal na sumusupil sa

kababaihan. Malaki ang tulong ng pag-aaral niyang ito sa pagpapatunay na kusang

nagsisikap at naghahanap ng mga paraan ang kababaihan para maituwid ang baluktot na

pananaw ng tradisyunal na tao ukol sa papel ng kababaihan sa lipunan. Mapupuna din na

mula sa pag-aaral, ang mga kahirapang nararanasan ng kababaihan ay dulot sa

kakulangan ng pagbibigay atensyon ng estado sa pangangailangang pantao lalo na ang

pangangailangang pangkababaihan.

Sa artikulo ni Hunt (1996) paungkol sa “Declaration of the Rights of Woman and

the Female Citizens” ni Olympe de Gouges (1971) na nagsasaad ng mga karapatan ng

mga kababaihan sa iba’t ibang larangan sa lipunan. Isinaad dito ang mga karapatan ng

mga kababaihan na nagmulat at nagpasimula sa pagkakaroon ng kalayaan. Mapapansing

buhat sa deklarasyon ay unti-unting namumulat ang isipan ng mga babae na gawin ang

9
mga bagay na maaaring makapaunlad hidi lang para sa kanilang sarili pati na rin sa

kapwa at sa kanyang bansa.

Ayon sa inilahad ng Philippine Revolution, isang malaking pwersa ang kababaihan

sa lipunang Pilipino. Sila ang bumubuo sa humigit-kumulang kalahati ng 80 milyong

Pilipino (NCSO, 2000). Ang kababaihan sa lipunang Pilipino ay nagmumula sa iba’t

ibang uri.

Ayon sa isinaad ni Carlos (2012), isinalaysay niya ang sinulat nina G. at Gng.

Garcia sa kanilang libro tungkol sa mga dapat taglayin na katangian ng mga ina o asawa.

Ilan sa mga ito ay ang mga magulang ang nararapat na maging halimbawa ng mga anak

sa kapakumbabaan, sila ang pinakamatigas ang ulo sa pamilya ibig sabihin dapat may

paninindigan sila sa kanilang mga pasya, pinakamatatag ang dibdib/ loob,

pinakamahabang pasensya, pinakamatinding magmahal, pinakamataimtim magdasal at

iba pang mga katangian.

Ayon sa isinaad ni Googy (2014) patungkol sa akda ni Guerrero. Nakpil na “ The

Filipino Women”, inilarawan niya ang kalagayan ng mga kababaihan sa lipunan na unti-

unting nagbabago dahil sa ipinapakita na nila ang kanilang lakas bilang isang babae.

Winika ni D1 na ipinapakita niya ang kanyang lakas “Through action and words.”

Samantalang kay D2 “Desiyon para sa ako ug para sa among tanan. Mao ra.” Ibig

sabihin kapwa sila nakiki-isa sa pagbuo ng desisyon para sa ikauunlad ng pamilya.

Sintesis

10
Masasabi sa pagsusuri na ito ang kababaihan ay may karapatang magawa ang

kanilang kagustuhan sa kanilang buhay. Masasabi rin dito na bilang babae dapat ay

iniingatan ang kalusugan at pangalan bilang babae. Isinasaad din dito ang mga karapatan

ng mga babae sa lipunan at kontribusyon sa lipunan. Naipapakita din dito sa pagsusuri na

ang kababaihan bilang ina at asawa, ang magiging halimbawa sa kanilang anak dahil

malaki ang epekto nila sa pagkatao ng kanilang anak. Isinasaad din na ang mga ina o

kababaihan ang may karapatan na magdesisyon para sa kanilang pamilya. Bawat asenso

ng mga kababaihan sa kanilang buhay ay nakakalago sa ating ekonomiya ng isang bansa.

Sa panahon ng pag-usbong ng aktibismo ay may mga yumakap at tumanggap sa kanila na

ang kahulugan ay marami ang nakikiisa. Mapupuna din dito na ang mga kahirapang

nararanasan ng kababaihan sa lipunan ay dulot ito ng kakulangan ng atensyon ng estado

sa mga pangangailangan ng kababaihan.

11
Metodolohiya
Inilahad sa panunuri na ito ang mga kalakasan at katayuan ng kababaihan.

Matatagpuan dito ang disenyo ng pananaliksik at ang teoryang ginamit sa pangunahing

akda. Upang maisagawa ang pag-aaral na ito, ang mga manunuri ay kumalap ng datos

mula sa akda ni Eros A. Atalia na pinamagatang “Ligo na u, Lapit na me”.

Disenyo ng Pananaliksik

Pinili ng mga manunuri ang Penomenolohiya bilang disenyo ng pananaliksik dahil

ito ay tumatalakay sa karansan ng isang tao. Ito ang disensyo na makatutulong upang

matugunan ng sagot ang mga suliranin. Kung saan dito ay binubuo ng mga bagay at mga

pangyayari ang katotohanan. Ipinapalagay rin na batay sa karanasan at pang-unawa ng

kamalayan bilang tao ang katotohanan at walang katotohanan kung hindi ito nakaugnay

sa kamalayan. Ito ay isang uri ng pananaliksik na nakatuon sa buhay na karanasan ng

mga kalahok sa pananaliksik ukol sa isang penomenon. Layunin ng pananaliksik na ito na

direktang imbestigahan at isalaysay ang isang penomenon na malay na naranasan ng tao.

Sa pamamagitan ng paggamit ng pamamaraan na ito mas mapapadali ang pagkalap ng

impormasyong makasasagot sa suliranin.

Metodo

Sa pagsasagawa ng panunuri na ito, ang Panunuring Pampanitikan ang ginamit ng mga

manunuri bilang metodo dahil gamit ang Panunuring Pampanitikan malalaman kung ang

tipo o uri ng tauhan, motibasyon ng bida o kontrabida, instensyon ng may akda ,

ideolohiya ng teksto o akda, reaksyon ng mambabasa, kritikal na pagbasa. Makatutulong

din ang metodo na ito upang mas mapalutang at makilala ang karakter ni Jenny na

12
makasasagot sa mga suliraning nakapaloob sa pagsusuring ito.

Ang Panunuring Pampanitikan ay isang malalim na paghimay sa mga akdang

pampanitikan sa pamamagitan ng paglalapat ng ibat’t ibang dulog ng kritisismo para sa

mabisang pag-unawa sa mga malikhaing manunulat at katha. Ito ay nagbibigay ng

kakayahan upang makita ang mas malalim na kahulugan sa nilalaman ng akda at kung

paano ito ay lahat nagiging isang buong ideya. Tumutulong ito na pahalagahan ang lalim

ng kuwento at ang mensahe na binabanggit ng may-akda. Isang kapaki-pakinabang na

ehersisyo bilang pagkakakilanlan ng isang makabuluhang tema, at ang pagsisiyasat ng

mga pampanitikang kasangkapan (pananalita, matalinghagang paglalarawan, simbolismo)

na ginamit ng may-akda upang ipakita ang temang iyon.

Teoryang Pampanitikan

Ang teoryang pampanitikan na aangkop sa pag-aaral na ito ay ang Teoryang

Feminismo. Ang Teoryang Feminismo ay may layuning ipakita ang kalakasan, kakayahan

ng mga kababaihan at iangat ang tingin sa kanila ng kababaihan. Ginamit ng manunuri

ang teoryang ito sa kadahilanang maipapakita dito ang pagiging malakas ni Jenny sa

kabila ng samu’t saring problema. Ang Teoryang Feminismo ay ang pagsusuri ng sa kung

ano ang imahe ng mga babaeng karakter sa isang akda, pinapakita dito kung paano

nanatiling matatag. Ito rin ay tumutukoy sa prinsipiyo o paniniwala na dapat maging

pantay ang mga babae at lalaki sa karapatang sosyal, ekonomiko, at politikal. Bilang

isang teoryang pampanitikan, ito ay naglalayon na maunawaan ang di pagkakapantay-

pantay ng mga lalaki at mga babae sa lipunan.

Sa pagsusuring panitikan ang teoryang feminismo ay ginagamit sa pagsusuri ng panitikan

at awtor sa punto de vista ng isang babae kung isasalin sa Ingles ay Point of View, ito ay

13
kung ano ang pagkakaintindi o ano ang mga opinyon nga mga mababasa sa isang akdang

nabasa, ngunit sa teoryang feminismo, ito ay naka pokus sa punto ng kakabaihan sa isang

akda. Sa pagsusuri nito ay binigyang tugon ang mga kadalasang imahe at papel ng mga

babae sa isang akda, ang papel na ginagampanan ng mga babaeng karakter at kung ano

ang mga temang ikinakabit sa kanila.

14
Pagtalakay ng Resulta

Sa pagsusuring ito, makikita kung paano ang pamumuhay ni Jenny sa mundong

kanyang ginagalawan. Sa kultura ng bansang Pilipinas, ang lalaki ang nanliligaw sa

babae ngunit sa "Ligo na u, Lapit na me" iba ang ipinakitang pag-uugali ni Jenny, dahil

sya ang gumagawa ng paraan para maangkin ang isang lalaki. Ang mga hindi inaasahang

gawain ng isang babae ay gawain ni Jenny, ang paggawa ng mga masasamang bisyo

katulad ng alak, pagsisigarilyo at iba pang masamang gawain. Dito mapapatunayan kung

gaano katapang ang isang babae at paano niya haharapin ang mga pagsubok sa buhay.

Paano naipapakita ang pagiging malakas ni Jenny sa kabila ng samu’t saring

problema?

Ang pagiging matapang ni Jenny sa kabila ng kanyang mga problema sa buhay

ay nakakahanga ngunit nakakaawa dahil sa kanyang kagagawan sa sarili, katulad ng

pakikipagtalik niya sa iba't ibang mga lalaki at pagtapak sa kanya lalo na sa kanyang

pagkatao. Walang takot at alinlangan ang pagharap nito sa mga bisyo niya at pagharap sa

mga kalalabasan ng kanyang mga hindi karapat-dapat gawin dahil ipinapakita niya ang

pagpapanagutan niya sa kanyang mga kasalanan at ang pagiging indibiduwal niya sa

buhay.

Ano ang pagkakaiba ni Jenny sa mga modernong kababaihan?

Ang kaibahan ni Jenny sa ibang kababaihan ay nakikipagtalik siya sa iba't ibang

lalaki samantalang ang iba ay nagmimistulang Maria Clara pa rin kung kumilos kahit

nasa modenong panahon, pinagiisipan ang mga ginagawa para maprotektahan lamang

ang kanilang pagkatao. Hindi binibigyang pansin ni Jenny ang mga ginagawa niyang

15
kamalian, hindi niya alam natatapakan na ang pagkababae niya, pero dahil doon sya

masaya, mas pinili niya ang magkaroon ng miserableng buhay. Ngunit kahit iba baluktot

ang direksyon ng buhay ni Jenny, natuto siyang tumayo sa sarili nyang mga paa, sa kabila

ng pagiging mag-isa sa buhay ay nagtataguyod sa kanyang sarili. Ang ibang babae ay

may kumpletong pamilya at may masayang pamilya kaya hindi nila naiisipan ang mag

rebelde at gumawa ng masama, hindi kagaya ni Jenny na walang katuwang sa buhay at

hindi kumpleto ang pamilya, kaya niya nagagawa ang mga bagay na ito dahil kulang ito

sa atensyon ng mga magulang o kaibigan.

Ano ang sinisimbolo ni Jenny sa modernong kababaihan?

Sumisimbolo ang pagkatao ni Jenny sa armas dahil ipinapakita nya ang

katapangan nya sa pakikipaglaban nya sa kanyang mga problema katulad ng mga tingin

sa kanya ng ibang tao, kahit hinuhusgahan siya ay patuloy pa rin siya sa kanyang buhay

at matapang na hinaharap ang mga pagsubok na dumadating sa kanyang buhay.

Iilang eksena ang nakapukaw ng atensyon sa istoryang ‘’Ligo na Ü, Lapit na Me”. Isa na

rito ang unang eksena na kung saan si Jenny pa ang nag simulang mag-aya kay Intoy na

gawin ang kanilang nakasanayang gawain. Kitang-kita sa mga galaw at itsura ni Intoy na

siya’y inosente at walang karanasan sa ganoong bagay. Ngunit si Jenny ang siyang

namimilit kay Intoy. Siya rin ang may karanasan sa kung anong ginagawa nila. Gaya ng

nangyayari sa kasalukuyan, madami ring kababaihan ang nagsisimulang magbigay

motibo pag dating sa ganyang bagay, para lamang maibigay ang kanilang kasiyahan at

kagustuhan. Isa pang eksena ang nakakuha ng atensyon ng mambabasa ay nang nabuntis

si Jenny dahil sa kanyang mga ginagawa. Hindi alam ni Intoy kung sino ang tunay na

ama ng idinadala ni Jenny. Wala siyang ideya dahil bigla nalang nawala si Jenny na para

16
bang bula. Maihahalintulad ito sa ng nangyayari sa panahon ngayon, maraming babae na

ang wala pa sa tamang edad ang nabubuntis nang dahil sa pagiging mapusok at maagang

pagiging mulat sa bagay na hindi pa naman dapat.

Konklusyon

Ang akdang “Ligo na u Lapit na me” ni Eros A. Atalia ay isang malaking tulong

upang maipakita ang kalakasan ng mga kababaihan sa pamamagitan ng karakter na si

Jenny. Ang Teoryang Feminismo ay isa sa mga naging daan upang mas lalong maiangat

ang kakayahan ng mga kababaihan sa lipunang kinabibilangan. Isa rin ito sa mga

nakatulong upang masagot ang mga suliranin na nakapaloob sa pananaliksik na

isinagawa.

Ang karakter ni Jenny ay isang magandang repleksyon ng kababaihan ngayon.

Malaki man ang pagkakaiba ni Jenny sa kababaihan sa ngayon, napapanatili parin niya

ang pagiging matatag sa kabila ng samu’t saring problema at pagiging mag-isa sa buhay.

Kung ihahalintulad man si Jenny, sumisimbolo ang kanyang karakter sa isang armas. Ang

karakter na si Jenny ay maihahalintulad sa isang armas dahil, ipinapakita niya ang

kanyang katapangan sa pakikipaglaban sa kanyang samu’t-saring problema at matapang

na tinatahak ang mga pagsubok na kinakaharap niya sa buhay.

Mayroong iilang eksena sa istoryang ‘’Ligo na u, Lapit na me” na nagpapakita

kung ano ang mga nangyayari sa mga kakabaihan sa kasalukuyang panahon. Tulad na

lamang ng maagang pagdadalang tao ni Jenny ng walang ama, marami sa lipunan sa

ngayon ang mga kababaihan lalo na kabataan ang nabubuntis ng maaga dahil sa

kapusukan at sa kabila ng maagang pagdadalaang tao ng mga kababaihan ito ay may

17
kaakibat na mga dahilan. Una ang kakulangan ng gabay ng mga magulang, na tulad ng

karakter na si Jenny, siya ay walang mga magulang na gagabay at magtuturo sa kanya

kung ano ang kahalagahan ng kanyang pagkababae. Pangalawa, kakulangan ng

pagmamahal dahil hinahanap nila ang pagmamahal na hindi nila makuha sa kanilang

pamilya kaya’t hinahanap nila ito sa ibang tao na mararamdaman nilang mapupunan ang

lahat ng pagkukulang kanilang nararamdaman. At huli, pagmamahal at pagpapahalaga sa

sarili, dahil ang karakter na si Jenny ay walang pagmamahal at pagpapahalaga sa kaya’t

hinayaan niya nalang na bumaba ang tingin sa kanya ng ibang tao. Ngunit sa kabila ng

lahat ng mga samu’t saring suliranin na kanyang tinataglay napapanatili niya pa rin

maging matatag at kinakayang mabuhay mag-isa sa kabila ng mga pagbusok na kanyang

dinanas.

Rekomendasyon

Mula sa pagsusuri na ito, napag-alaman na ang mga bababe ay may natututong

tumayo sa kanyang sariling mga paa kahit na siya ay mag-isa lamang. Inilahad sa

pagsusuri na ang mga babae ay nagpapakita ng kanilang lakas sa pamamagitan ng

pagkakaroon ng kakayahan na buhayin ang pamilya, sa pamamagitan ng pagkakaroon ng

matibay na paninindigan, sa pamamagitan ng pagiging isang ina at ama, sa pamamagitan

ng pagiging masipag at mabuting tao. Inirerekomenda sa pagsusuri na ito na ang mga

dalaga ay dapat hikayating bumuo ng sariling pagpapasya para sa kanilang pamilya at sa

kanilang sarili upang magkaroon ng magandang kinabukasan. Dapat iwaksi ng mga

dalaga ang pagiging makasarili pagdating sa pagkakaroon ng mga karapatan. Paminsan-

minsan dapat ding alalahanin ng mga ina ang kanilang kapakanan bilang isang tao.

18
1. Ang mga nagsusuri ay nagrerekomenda na gumawa ng seminar patungkol sa usapang

pakikipagtalik upang malaman ng mga tao ang dapat at di dapat nilang gawin.

Tatalakayin din kung pano gumawa ng isang mabuting desisyon at kung paano magiging

responsable sa mga ginagawa.

2. Ang nagsusuri ay nagrerekomenda sa mga magulang na hindi lang dapat puro

pagbabawal sa kasiyahan ng kanilang anak, bigyan pansin ang bawat kilos ng mga bata at

turuan sila ng mga mabuting asal at ipaalam kung ano ang tama at maling gawain.

3. Ang nagsusuri ay nagrerekomenda sa mga guro na hindi lamang sa akademya ang ituro

kungdi ituro rin ang mga nararapat gawin sa pakikipagtalik sa karelasyon, upang maging

mulat ang kababaihan at kalalakihan sa kanilang ginagawa at maging mapayapa ang

pamumuhay ng bawat isa.

Daloy ng pag-aaral

Ang daloy ng pag-aaral ay ang pagkakaayos o pagkasunod-sunod ng mga bahagi at

paghahati ng pananaliksik ayon sa panimulang pagtalakay nito tungo sa konklusyon o

katapusan ng pag-aaral. Ipinapakita nito ang isang lohikal at masinop na

pagkakabalangkas nito ayon sa pinatutunayang suliranin o usapin. Kakikitaan ito ng

progresyon mula sa pinakapayak tungo sa pinaka komplikado, mula sa espesipiko

tungong pangkalahatan. Dahil sa lawak ng sakop ng pananaliksik sa paksang “Ligo na u,

Lapit na Me”, hindi maiiwasang magsimula sa pangkalahatang isyu bago ito mapunta sa

mas payak na paglalahad, at naiisip namin na epektibo ito upang maipakita kung ano

talaga ang binibigyan ng diin sa kalakasan ng kababaihan. Kabit-kabit ang isyu katulad

19
ng nabanggit na, subalit ang daloy ng pag-aaral ay isesentro parin sa epekto nito sa

kababaihan at ang kanilang kalakasan.

Sa unang bahagi tinalakay ang pambihirang taglay ng kababaihan, matuklasan ang

kaibahan at pagkakatulad ni Jenny sa mga modernong kababaihan, at matuklasan ang

sinisimbolo ng karakter na si Jenny. Nais patunayan ng pag-aaral na ito ang kalakasan ng

kababaihan sa mga hamon ng buhay. Ang pag-aaral na ito ay may saklaw patungkol sa

paglalahad ng mga epekto ng pangunahing tauhan na si Jenny sa kababaihan ng

kasalukuyan. Ang paksa ay patungkol sa kalakasan ng kababaihan o femenismo.

Ang kahalagahan ng akdang 'Ligo na U, Lapit na me' ay isang halimbawa ng

akdang may paksang femenismo. Naturan itong femenismo dahil ang pangunahing

karakter na si Jenny ay isang babaeng maraming karanasan sa pagsubok at ang mga

pagsubok na dinanas niya ay hindi biro ayon sa istorya. Ang akdang ito ay naglalahad din

ng iba’t-ibang aral para sa mga bagong henerasyon ng kababaihan. Ang akda ay umiikot

sa istorya ng bidang lalaki na si Intoy ngunit kung titignan sa ibang anggulo, ang akda ay

tinatatalakay din ang mga kinakaharap na problema ng kababaihan. Mga pagsubok na

hindi maisatinig dahil sa tanging sarili lamang ang maaaring sandalan at tanging sarili

lamang din ang makakalutas.

Ang karakter ni Jenny ay na-aprubahan na isang magandang halimbawa ng

femenismo. Isinaad dito na napatunayan ng manunuri ang estoryang “Ligo na U, Lapit

na Me” ay nagbigay ng malaking epekto sa pagpapatunay ng mga kalakasan ng mga

kababaihan sa pamamagitan ng karakter na si Jenny. Ang kahalagahan ng Femenismo

mula sa akda ay matibay na napatunayan ang kahalagahan sa lipunan. Ang femenismo ay

may malawak na saklaw hindi lamang nakasentro sa kalakasan ng kababaihan kundi pati

20
na rin sa kakayanang taglay. Malaki ang ambag nito sa lahat ng aspeto sa kadahilanang

ang kababaihan ay nabibigyan ng pagkakataon na gamitin ang kakayanang taglay sa para

sa mas mapaunlad ang lipunan.

21

You might also like