You are on page 1of 4

GROUP 2

Pangalan: Pama, Rubelyn O.


Abellanosa, Joshua T. Quines, Aila Jay G.
Anilao, Nica Mae Vargas, Rommel
Bangot, Jan Marie B.
TASK PERFORMANCE - PAGSUSURI NG AKDANG PAMPANITIKAN (PORTFOLIO)

Nica

Sandaang Damit

I. Introduksyon ng grupo (Ano ang pagsusuri? Bakit mahalaga ito?)

Ang pagsusuri ay nagkakaroon din ng importansya sa buhay ng bawat tao. Tayong lahat ang
halos nabubuhay sa kung ano lang ang alam natin ngunit nakakatulog din satin ang opinyon ng iba na
kung saan mas mapapabuti pa nating ang ating mga abilidad na makakatulong sa ating pang araw-araw.

Kagaya din ng pagsusuri sa kwento, mas magiging aktibo din hindi lamang para sa may-akda,
kundi para din sa mga mambabasa sa pamamagitan ng pag-intindi ng bawat kwento na kanilang
binabasa. Dahil dito, nagkakaroon din ng interaksyon ang mambabasa sa kwento at hindi lamang ito
binabalewala na parang wala din silbi ang pagbasa ng kwento. Nagkakaroon ng kritikal na pag-iisip ang
mambabasa at magkakaroon ng pagkakataon na makapaglahad ng opinyon sa kwento na makakatulong
din sa kaisipan ng ibang mambabasa.

Jan marie

II. Mga may-akda o awtor ng maikling kwento na naibigay

(Talambuhay ng may-akda at mga halimbawa ng iba nya pang mga nagawa)

Si Fanny Garcia, isang guro na manunulat, mananaliksik, editor, at tagapagsalin na nakasulat ng


kwentong Sandaang Damit. Siya ay nagwagi ng National Book Award noong 2005 para sa Autography ng
Manila Critics Circle na talaga namang nararapat dahil sa angkin nyang galing sa pagsusulat.
Nakapagsulat din siya ng ibang libro kagaya ng Erick Slumbook at mayroon siyang labindalawa na librong
naisulat.

Ang gurong manunulat na si Fanny Garcia ay nagtuturo sa De La Salle University-Manila at sa


University of the Philippines-Diliman. Habang siya ay patuloy na ginagagawa ang pagsusulat,
nakapagturo din siya noon sa Philippine Science High School.
GROUP 2
Pangalan: Pama, Rubelyn O.
Abellanosa, Joshua T. Quines, Aila Jay G.
Anilao, Nica Mae Vargas, Rommel
Bangot, Jan Marie B.

Rommel

III. Mga Maikling kwento

Group 2: Sandaang Damit

Para sa pagsusuri :

1. Mga Tauhan

( Description and alamin kung sya ay tauhang bilog/lapad at kung Antagonista/Protagonista sya at
BAKIT)

Tauhan: batang babae

Mga kaklase

Ina ng at ama ng batang babae

Bida: batang babae sapagkat sa kanya nakatutok ang storya ng isang daan damit.

Kontra bida: mga kaklase sapagkat lagi nilang tintukso ang bata dahil sa kahirapan. Dahil sa luma na
damit at baon na pagkain.

2. Tagpuan

Ang tagpuan ng kwento ay halos nasa paaralan lamang dahil ang mga tauhan naman ay ang mga
studyante at mag-aaral.

Aila

3. Banghay - ilahad ang mga pangyayari ( Panimula , Saglit na Kasiglahan, Suliranin, Kasukdulan ,
Kakalasan, Wakas)

May isang batang mahirap na nag aaral sa isang paaralan. Dahil sa kahirapan ay laging luma na
damit ang kanyang sinusuot.

Mahiyain siya sapagkat lagi siyang tintukso ng kanyang mga kaklase na mahirap. Luma ang damit
at isang piraso lamang ang tinapay na baon. Sinabi niya ito sa kanyang ina ngunit walang parin itong
nagawa dahil mahirap lamang sila.
GROUP 2
Pangalan: Pama, Rubelyn O.
Abellanosa, Joshua T. Quines, Aila Jay G.
Anilao, Nica Mae Vargas, Rommel
Bangot, Jan Marie B.
Isang araw habang tintukso uli siya ng kanyang mga kaklase ay nagkaroon siya ng tinig upang
ipagtanggol ang kanyang sarili. Sinabi niya na mayroon siyang isandaang damit ngunit ito ay nasa bahay
niya lamang.

Dahil dito naging interesado ang kanyang kaklase at di na naging mahiyain ang batang babae
sapagkat kinukuwento niya sa kanyang mga kaklase ang mga desenyu ng kanyang sandaang damit. Dahil
doon naging kaibigan niya ang kanyang mga kaklase at binibigyan niya rin siya ng baon ng mga ito.

Ngunit isang araw di pumasok sa paaralan ang batang babae. Nagpatuloy ito hanggang sa
umabut sa isang linggo ang kanyang pag absent.

Pumunta ang buong klase sa bahay ng batang babae. Ang naabutan nila ay isang maliit na bahay
na salat sa kahit ano mang karangyaan. Pinapasok sila ng nanay ng bata at doon nila nakita ang isang
lumang teheras at doon nakapatay ang katawan ng bata na patay na. Dahil sa kanyang sakit siya ay
namatay. Ngunit nakaagaw pansin sa kanila ang mga papel na maayos na nakahanay na nakadikit sa
dingding. Doon nila nakita ang isandaang damit na kinukuwento sa kanila ng batang babae. Isang daang
damit na pawang guhit lamang.

Rubelyn

4. Tema o Paksa

Ang kwentong isandaang damit ay patungkol sa lipunan na dapat hindi mapanghusga sa


panlabas na anyo lalong lalo na sa paaralan dahil dapat doon natuturuan ang mga kabataan na tumingin
sa kapwa mag-aaral ng tama. Dahil din sa kwentong ito ay dapat naiisip din natin na huwag dapat gawin
sa kapwa ang mga bagay na hindi mo gustong gawin din saiyo ng iba.

5. Paningin

Dapat ang mga estudyante ay magiging matatag sa bawat hamon ng buhay. Araw-araw ay
magkakaroon ang lahat ng paghihirap na mararanasan ngunit kayang-kaya yan ng ating kakayahan.
Dapat din sa paaralan ay matuturuan ng tamang disiplina ang mga estudyante at unahing ituro and
respeto bago ang talino.

6. Mga Pagdulog na ginamit sa akda

Ang mga pagdulog na ginamit sa kwentong Sandaang Damit ay ang Pagdulog Sosyolohikal,
Pagdulog Romantisismo, at Pagdulog Realismo. Hindi naman natin maitatanggi na ang mga bagay na
nangyari sa kwento ay talagang nangyayari sa lipunan ng bansa. Hindi nawawala mga masasamang ugali
at nakakasira kagaya na lamang ng pambu-bully.
GROUP 2
Pangalan: Pama, Rubelyn O.
Abellanosa, Joshua T. Quines, Aila Jay G.
Anilao, Nica Mae Vargas, Rommel
Bangot, Jan Marie B.
7. Ipaliwanag ang pamagat

Ang pamagat ay isandaang damit na kung saan ito ay ang mga damit na ginuhit lamang ng batang babae
dahil di niya kayang bilhin sapagkat sila ay mahirap lamang. Ang isandaang damit na ginuhit niya ay
nagsilbing pag asa niya sa kaunting panahon. Naging kanyang inspirasyon upang tapangan at itigil na
niya ang panunukso sa kaniya ng mga kaklase.

You might also like