You are on page 1of 3

BP-PRIA Form 1 (Sipi ng Mag-aaral)

FILIPINO
Grade 8 – PANIMULA

Minsan May Isang Lola


Sa isang bayang sakop ng Palawan, naninirahan ang isang labing
limang taong si Rosario na ngayon ay Charry kasama ng kanyang
lolang si Maria na walumpo’t dalawang taon na’t mahilig ngumuya ng
nganga (buyo).

Maituturing mang uhaw sa pagmamahal at kalinga ng kanyang


magulang ay lumaking magalang at masunurin si Charry sa kanyang
lola - ang nag-iisang taong malapit sa kanyang puso mula nang
maghiwalay ang kaniyang mga magulang at abandonahin siya ng
kanyang inang may iba ng pamilya sa Singapore.

Hindi nagkulang si lola Maria sa kanyang apo sa pagtuturo ng


kagandahang-asal. Nais niyang lumaki si Charry tulad niya na pinalaki
sa sinaunang paniniwala, tradisyon at kultura. Subalit kinse anyos pa
lamang si Charry kaya naman kahit anong higpit ni lola Maria sa kanya
ay nanaig pa rin ang pagiging milenyal niya. Niyakap niya ang
modernong panahon at sinusuway na niya ang kanyang lola na
kalaunan ay hindi na niya pinahahalagahan at binibigyang-pansin.

“Charry! Charry! CP mo nag-riring,” tawag sa kanya ng kanyang


kaklase sabay abot ng cellphone sa kanya. Kapitbahay niya ang
tumawag. Pagkalipas ng ilang minutong pakikipag-usap bigla siyang
hinimatay.

Kaya nang mailibing si Lola Maria, isang malungkot na


katotohanan ang pumukaw sa diwang nakalimot ni Charry. Wala na
ang isang taong gumabay at nagmahal sa kanya nang totoo - ang
kanyang Lola. Ganunpaman ipinagpatuloy niya ang mabuhay taglay
ang mga natutunan sa mga nangyari sa kanyang buhay.

BP-PRIA Form 1 (Sipi ng Guro)


FILIPINO
Grade 8 – Panimula
Pangalan ng Mag-aaral _____________________________________
Seksyon: ______________
Petsa ng Pagsasagawa: __________________
Pagganyak: Si Charry ay may lola, alamin nga natin kung sino siya at ano ang kanyang
papel sa buhay ni Charry.

Minsan May Isang Lola

Sa isang bayang sakop ng Palawan, naninirahan ang isang labing limang


taong si Rosario na ngayon ay Charry kasama ng kanyang lolang si Maria na
walumpo’t dalawang taon na’t mahilig ngumuya ng nganga (buyo).

Maituturing mang uhaw sa pagmamahal at kalinga ng kanyang magulang


ay lumaking magalang at masunurin si Charry sa kanyang lola - ang nag-iisang
taong malapit sa kanyang puso mula nang maghiwalay ang kaniyang mga
magulang at abandonahin siya ng kanyang inang may iba ng pamilya sa Singapore.

Hindi nagkulang si lola Maria sa kanyang apo sa pagtuturo ng


kagandahang-asal. Nais niyang lumaki si Charry tulad niya na pinalaki sa
sinaunang paniniwala, tradisyon at kultura. Subalit kinse anyos pa lamang si
Charry kaya naman kahit anong higpit ni lola Maria sa kanya ay nanaig pa rin ang
pagiging milenyal niya. Niyakap niya ang modernong panahon at sinusuway na
niya ang kanyang lola na kalaunan ay hindi na niya pinahahalagahan at
binibigyang-pansin.

“Charry! Charry! CP mo nag-riring,” tawag sa kanya ng kanyang kaklase


sabay abot ng cellphone sa kanya. Kapitbahay niya ang tumawag. Pagkalipas ng
ilang minutong pakikipag-usap bigla siyang hinimatay.

Kaya nang mailibing si Lola Maria, isang malungkot na katotohanan ang


pumukaw sa diwang nakalimot ni Charry. Wala na ang isang taong gumabay at
nagmahal sa kanya nang totoo - ang kanyang Lola. Ganunpaman ipinagpatuloy
niya ang mabuhay taglay ang mga natutunan sa mga nangyari sa kanyang buhay.

Bilang ng
Salita: 230

Mga Tanong

LITERAL
1. Sino ang tanging kasama ni Charry sa kanilang bahay?
Sagot: Si Lola Maria
2. Ano ang kadalasang ginagawa ni lola Maria sa unang talata ng kwento?
Sagot: Ang kadalasang ginagawa ni lola Maria ay gumunguya ng nganga

SANHI AT BUNGA
3. Bakit inabandona si Charry ng kanyang mga magulang?
Sagot: Dahil may iba ng pamilya ang kanyang ina

4. Ano ang naidulot ng modernisasyon sa pagkatao ni Charry?


Sagot: Ang naidulot ng modernisasyon kay Charry ay sinusuway na niya ang
kanyang lola at hindi na niya ito pinahahalagahan.

HINUHA
5. Bakit maituturing na uhaw si Charry sa pagmamahal at kalinga ng kanyang
magulang?
Sagot: Maituturing na uhaw si Charry sa pagmamahal at kalinga ng kanyang
magulang dahil wala sa kanyang piling ang mga magulang.
(maaaring tanggapin ang iba pang kasagutan kaugnay nito)

PAGPAKAHULUGAN SA TEKSTO
6. Ano ang mahihinuhang sinabi ng kausap ni Charry sa Cellphone dahilan kung
bakit nawalan siya ng malay?
Sagot: Mahihinuhang ang sinabi ng kausap ni Charry sa kanya ay patay na ang
kanyang lola.
(maaaring tanggapin ang iba pang kasagutan kaugnay nito)

7. Ano ang maaaring dahilan ng pagkamatay ni Lola Maria?


Sagot: Bunga ng katandaan
(maaaring tanggapin ang iba pang kasagutan kaugnay nito)

TALASALITAAN
8. Anong katawagan sa kwento ang nagpapakita na si Charry ay kabataan sa
modernong panahon?
Sagot: Milenyal
9. Anong salita sa teksto ang kasingkahulugan ng salitang gumising?
Sagot: Pumukaw

PAGTATAYA
10. Nararapat bang tularan ang pagtalikod ni Charry sa lumang paniniwala at
tradisyon? Bakit?
Maaring Sagot: Hindi dahil ang mga mabubuting paniniwala at tradisyon ay
magagamit natin upang mapabuti ang ating buhay.
(maaaring tanggapin ang iba pang kasagutan kaugnay nito)

11. Nararapat bang isantabi na lamang ang paggalang sa mga nakatatanda bunsod ng
pagbabago ng panahon? Bakit?
Maaring sagot: Hindi dahil sila ang ugat ng kung bakit tayo nasa daigdig.
(maaaring tanggapin ang iba pang kasagutan kaugnay nito)

You might also like