You are on page 1of 1

Suriin ang akdang binasa. Gawing batayan sa pagsusuri ang sumusunod na katanungan.

1. Ilahad ang konsepto ni Sarah sa OFW? Sa iyong palagay, paano niya nabuo ang gayong
pagpapakahulugan sa OFW?
Sinasabing ang OFW ay napakahirap lalong lalo na samay pamilya na mahihiwalay sa kanyang
pamilya. Ang isa sa mga pinaka apektado ay ang mga anak., napakalungkot. Minsan parang may
problema pero kahit ganoon naiintindihan niya ang sitwasyon na kailangan magsakripisyo para sa
pangangailangan nila pang araw araw at sa kanilang pagaaral. Nabuo niya ang pagkakahulogan ng may
isang OFW na pamilya dahil siya rin ay nakaranas na ito.
2. Ano ang konsepto ni Sarah sa pamilya? Ilahad ang mga gawaing nakaatang sa bawat isang myembro
ng pamilya ayon kay Sarah.
Para kay sarah ang konsepto ng isang pamilya ay sama sama, nagtutulungan at nagkakasundo
para sakanya. Ang tatay ang naghahanap buhay, nagdadala ng pamilya, at ang nanay naman ay ang
nagaalaga, ang ate naman ang dapat sinusunodng mga kapatid niya, at ang bunso ay masunurin.
3. Ilarawan ang pamumuhay ng pamilya ni Sarah bago magtungo ang kanyang ina sa Saudi Arabia upang
magtrabaho doon.
Ang pamumuhay ni sarahbago magtungo ang kanyang ina sa Saudi arabia upang magtrabaho
doon ay maayos at masaya naman kahit nagkukulang sa mga gastusin.
4. Ano-ano ang iba’t ibang salik na nagtulak sa ina ni Sarah upang magtrabaho sa Saudi Arabia? Ano-ano
naman ang dahilan ng mga OFW na iyong kakilala o nababasa sa mga pag-aaral?
Dahil gusto ng ina ni sarah na makapag aral ang kanyang anak at ang pagiging OFW ang naisip
niyang paraan upang makapagtapos ito ng pagaaral. Base sa aking kakilala, ang dahilan ng mga OFW ay
upang gumanda kahit papaano ang kanilang pamumuhay at upang maibigay ang mga gusto ng kanilang
anak at makapag tapos ito sa pagaaral.

You might also like