You are on page 1of 6

PANITIKAN AT LIPUNAN

Jacinto, Sharmaine Rae P.


BSTM-1A

Dungis sa Puting Papel


ni Dr. Victor C. Ramos

Manipulasyon ng Wika

1. Dungis sa puting papel


- ang sinasabing dungis sa isang puting papel ay kumakatawan sa kasalanan
na nakasira sa pagiging malinis ng isang puting papel na kumakatawan
naman sa isang karakter o pagkatao na tila ba walang kahit na anong bahid
ng pagkakamali at kasalanan.

2. Alumpihit sa upuan
-Ang salitang “alumpihit” ay nangangahulugang “hindi mapakali o malikot”.
Ang ekspresyong alumpihit sa upuan ay nangangahulugang ang isang tao ay
hindi palagay at hindi mapakali sa kanyang kinauupuan. Maaring ito ay dala
ng kaba, takot o kung anumang bagay na nagdudulot sa taong ito ng hindi
kapalagayan.

3. Naaasiwa sa lugar
-Ito ay nangangahulugan na ang isang tao ay hindi panatag o hindi
komportable ang kalagayan sa isang lugar. Ang halimbawa nito ay ang
pagpunta ni Propesor Sandoval sa isang beer house kung saan ay hindi siya
sanay dahil hindi naman siya madalas mapunta roon, ang pagpunta niya sa
nasabing beer house ay nagsanhi sakanya ng pagiging asiwa o hindi
pagiging komportable sa lugar kung nasaan siya.

4. Walang bahid-dungis
-Sa literal pagpapakahulugan ito ay nangangahulugan na walang kahit na
anong dumi o dungis ang makikita sa isang bagay na tinuturan nito. Sa mas
malalim na pagpapakahulugan naman, ito ay tumutukoy sa isang pagkatao o
reputasyon na lubhang malinis at busilak na walang kahit katiting na bahid
ng kasalanan o kamalian kang makikita.

This study source was downloaded by 100000834372504 from CourseHero.com on 06-06-2022 01:21:15 GMT -05:00

https://www.coursehero.com/file/51925711/PAL-dungis-sa-puting-papel-finisheddocx/
5. Butihing kabiyak
-Ito ay tumutukoy sa isang mabuting asawa halimbawa nalang ang asawa ng
pangunahing karakter sa kwento na si Elsie na lubhang nagmamahal sa
kanyang pamilya at asawa na buong pusong tinanggap at inunawa ang
naging sitwasyon ng kanyang asawa noong ito’y humaharap sa mga
pagsubok ng buhay.

6. Palinga-liga sa paligid
-Ito ay nangangahulugan ng pagmamasid-masid o palagiang pagtingin-tingin
sa paligid upang masumpungan o makita ang isang bagay na inaabangan o
kaya naman ay iniiwasan. Ginagawa rin ito upang maging alerto at
pagmasdan ang paligid sa kung anuman ang nagaganap dito.

7. Nais lumubog sa pagkakatulos


-Ito ay nangangahulugan na nais lumubog sa kanyang kinatatayuan ang
isang tao. Ang ekspresyon na ito ay marahil dahil sa kahihiyan ng isang tao
kaya nais niyang mawala sa isang eksena o sitwasyon dahilan ng pagnanais
niyang lumubog nalang kung saan man siya nakatayo.

8. Pagpapahalaga sa sariling dangal


-Ito ay ang pag-iingat at pangangalaga sa sariling karakter, katauhan at
katayuan sa buhay ng isang tao. Sa kanyang pagpapahalaga sa kanyang
dangal, hindi siya gagawa ng kahit na anong bagay na makasisira at
makakadungis ditto.

9. May halong kaba


-Ang ekspresyon na ito ay nangangahulugan na ang isang tao o aksiyon ay
mayroong bahid ng pagkabahala at pagiging hindi palagay. Ang bawat
aksiyon na gagawin ng isang tao ng may halong kaba ay maaring sanhi ng
mga bagay na nagdudulot sakanya ng pagiging alanganin.

10. Naudlot na tinig


-Ito ay nangangahulugan na hindi natuloy ang pagsasalita ng isang tao. Ang
pagkakaudlot ng tinig ng isang tao ay nagsasanhi ng hindi niya pagkakatuloy
sa pagsasabi ng mga salitang nais niyang sabihin. Ang pagkakaudlot ay
nangangahulugang pagkakahinto at ang tinig naman ay nangangahulugan
boses. Ang pagkakaudlot ng tinig ay maaaring sanhi ng pagkabigla,
pagkatakot o pagkabahala.

This study source was downloaded by 100000834372504 from CourseHero.com on 06-06-2022 01:21:15 GMT -05:00

https://www.coursehero.com/file/51925711/PAL-dungis-sa-puting-papel-finisheddocx/
Ehersisyong Mental

1. Angkop ba ang napiling pamagat para sa kwento ng manunulat?


-Para sa akin, lubhang angkop ang pamagat na ginamit ng manunulat sa
kwento. Makikita kung paano nito sinalamin ang isang pangyayaring inikutan
ng buong kwento. Ang pamagat nito ay naglalarawan kung paanong ang
isang pagkakamali ay nakasira at nakadungis sa isang malinis at walang
bahid ng kamalian at kasalanan na katauhan ng pangunahing karakter sa
kwento.

2. Sino ang mga tauhan sa kwento? Ilarawan ang kani-kanilang


katangian at kahinaang pisikal, sosyolohikal at sikolohikal.
 Propesor Reynante Sandoval
– Siya ay isang kagalang galang na propesor at ama. Ang pangunahing
tauhan ay iniidolo at hinahangaan ng lahat dahil sa kanyang prinsipyo,
disiplina at kabutihan ng pag uugali. Ang kanyang pisikal na kahinaan
ay ang kahinaan sa pag inom ng alak sapagkat hindi naman niya ito
madalas gawin kung kaya’t mabilis siya malasing. Ang kahinaan
naman niya sa aspeto na sosyolohikal at sikolohikal mabilis humina
ang kanyang loob at mababakas sa kanya ang pagkabalisa at hindi
pagkapalagay kapag nagkakaroon siya ng problema lalo na kapag
maaapektuhan ang kanyang reputsayon at dangal.

 Elsie
– Siya ang mapagmahal at maunawaing kabiyak ng propesor. Siya ay
mapagmahal sa kaniyang asawa at sa kanilang mga anak. Siya ay
maasahan ng propesor sa mga oras na siya ay mahina at
kinakailangan ng masasandalan. Siya din ay mabuting ina na hindi nag
kukulang na pangaralan ang kanilang mga anak na tularan ang
kabutihan ng kanilang ama.

 Gina
– Siya ang panganay na anak ng mag asawang sina Reynante at Elsie
na lubhang umiidolo sa kanilang ama.

 Ben
–Siya naman ang pangalawang anak ng mag asawang Reynante at
Elsie na sumunod kay Gina na kagaya nito ay umiidolo din sa kanilang
ama.

This study source was downloaded by 100000834372504 from CourseHero.com on 06-06-2022 01:21:15 GMT -05:00

https://www.coursehero.com/file/51925711/PAL-dungis-sa-puting-papel-finisheddocx/
 Elmer
– Siya ang bunso sa pamilya at siya bibo at maliksi at kagaya ng
kaniyang mga nakatatandang kapatid, lubos din niyang iniidolo ang
kanilang ama.

 Atty. Rene Robles


–Siya ay isang abogadong kaibigan ng propesor na umuwi galing sa
Amerika upang makita ang propesor at makasama ito na
maipagdiwang ang kaarawan niya. Ang abogado ay gusting bumawi sa
kaibigan sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanya ng good time sa
isang beerhouse sa Maynila.

 Teresita “Tess” Sanchez


–Siya ay dating estudyante ni Propesor Sandoval na sa kasamaang
palad ay bumagsak sa kanyang asignatura. Si Tess ay maganda at may
magandang katawan. Siya ay pinahinto sa pag aaral at nauwi sa
pagiging isang prostitute. Ang kaniyang kahinaang sikolohikal ay
masyado siyang nagpadala sa galit niya sa propesor at ninais niyang
gumanti. Ang isa pa ay ang pagpili niyang maging isang prostitute
nalang at hindi magsikap upang makabalik ulit sa pag-aaral. Ang
kaniyang kahinaang sosyolohikal naman ay mababang uri ang tingin
sakanya ng lipunan dahil sa trabahong pinasok niya.

3. Isalaysay ang kwento ayon sa pagkakasunod nito. Paano


nasangkot si Prop. Sandoval sa isang sex scandal? Paano niya dinala
ang kanyang problema? Ano ang naging epekto ng problemang
kanyang kinasangkutan sa kanyang sarili at sa kanyang pamilya?
Paano nagkaroon ng kalutasan ang kanyang suliranin?

-Nagsimula ang kwento sa tagpo kung saan si Propesor Sandoval ay


nagdiriwang ng kanyang kaarawan. Sa loob ng kanilang bahay, naghahanda
sa kanilang selebrasyon ang kanyang kabiyak na si Elsie at ang kanyang
mga anak. Sa kanilang paghahanda, may dumating na kartero at nag abot
ng sulat. Nang mabasa nila ang sulat, natuwa at nagbunyi sila sapagkat
napili si Prop. Sandoval bilang “Metrobank Outstanding Teacher Awardee”.
Ikinatuwa nila ang karangalan sapagkat hindi lang ito isang natatanging
parangal, ito rin ay magkakaloob kay Prop. Sandoval ng P150,000 at plake ng
pagkilala. Habang hinihintay ng mag-iina si Prop. Sandoval, lumipas ng
lumipas ang oras at hindi pa rin ito umuuwi. Ang dahilan pala ng pagkahuli

This study source was downloaded by 100000834372504 from CourseHero.com on 06-06-2022 01:21:15 GMT -05:00

https://www.coursehero.com/file/51925711/PAL-dungis-sa-puting-papel-finisheddocx/
sa pag uwi ni Prop. Sandoval ay dahil umuwi ang kaibigan niyang si Atty.
Rene Robles at inaya niya ito sa isang beer house para mag-good time.
Nakaramdam ng pagkaasiwa si Prop. Sandoval sa lugar na iyon ngunit dahil
hindi niya mahindian ang kanyang kaibigan, tuloy tuloy pa rin ang kanyang
pag inom hanggang siya ay mawalan ng malay sa kalasingan. Nang siya ay
magising, naaninag niya ang isang hindi pamilyar na silid at ang babaeng
kanyang katabi. Dali dali siyang nagbihis at ng aktong aalis na siya, tinawag
siya ng babae at kinutya kutya nito ang dangal ng kapitapitagang propesor.
Nang makilala niya ang babae, naalala niyang ito ay si Teresita Sanchez o
Tess kung tawagin, ito ay dati niyang estudyante at sa kasamaang palad ay
bumagsak ito sa kanyang subject. Nagmakaawa ang propesor na wag ilabas
ni Tess kung anuman ang nangyari sakanila noong gabi na iyon ngunit sa
kagustuhang makabawi ni Tess sa pambabagsak niya, nagpasiya itong
gumanti at sirain ang propesor.

Hinatid ng kanyang abogadong kaibigan ang propesor at ng


makauwi ito sa bahay hanggang kanyang pagpasok sa trabaho, mababakas
sakanya ang pagkabalisa. Napansin ng kanyang asawa, mga mag-aaral at
mga katrabaho ang kanyang pananamlay at pagiging balisa. Mas tumindi pa
ang kanyang pagkabalisa ng mapag usapan ng kanyang mga katrabaho ang
Presidente ng St. Lawrence University na nanghalay di umano ng isang
estudyante. Pumasok ang kung ano-anong kaisipan sakanya patungkol sa
kahihinatnan ng kanyang pamilya at ng kanyang sariling reputasyon sa oras
na totohanin ni Tess ang banta nito sakanya. Ang mga komento at mga sabi-
sabi sa Presidente ay tila ba tumatama sakanya hanggang sa tuluyan na
siyang nilamon ng kanyang mga iniisip at nawalan siya ng malay at dinala
siya sa clinic.

Kinabukasan, hindi makatulog ang propesor at tinanong siya ng


kanyang asawa kung ano ang sanhi ng kanyang pagkabalisa. Sa
paninigurado na tutulungan at uunawain siya ng kanyang asawa, ibinuhos
niyang lahat ang luha niya at sinabi sa asawa ang nangyari. Pagkatapos ay
napaiyak na din si Elsie at niyakap ang kanyang asawa. Naisip niyang mag
resign nalang sa trabaho at tanggihan ang parangal na ibibigay sa kanya.
Nang siya ay papasok na sa unibersidad, nakita niya si Tess na palapit
sakanya at hindi napansin ang sasakyan na patungo sa kanyang direksiyon
dahilan ng pag tilapon ng katawan nito kasabay ng envelope na naglalaman
ng kanilang mga litrato. Dali dali itong kinuha ng propesor at ibinalik sa loob
ng envelope. Sa mga sandaling iyon, bahagya siyang natuwa dahil kung
mamatay si Tess, mawawala na ang kanyang problema subalit dahil sa likas

This study source was downloaded by 100000834372504 from CourseHero.com on 06-06-2022 01:21:15 GMT -05:00

https://www.coursehero.com/file/51925711/PAL-dungis-sa-puting-papel-finisheddocx/
niyang kabutihan, tinulungan niya si Tess at isinugod sa ospital. Nakaligtas si
Tess at nagpasalamat sa kabutihang ginawa ng propesor sa kabila ng lahat.
Nagpasya silang dalawa na nagkapatawaran na at magpatuloy sa kanilang
mga buhay.

4. Ano ang mga pagpapahalagang pangkatauhan na natutunan mo


sa kwentong ito?
-Ang pagpapahalagang natutunan ko sa kwento ay ang pagiging
mapagpatawad kagaya ng nangyari sa dulo ng kwento, maging maunawain
kagaya ng asawa ng propesor na si Elsie at pagiging bukas na magsimula ulit
sa buhay at bumangon mula sa mga mapapait na karanasan na pinagdaanan
ng mga tauhan.

Mga karagdagang katanungan


1. Anong pampanitikang teorya ang ginamit sa kwento?
-Ang mga teoryang ginamit sa akda ay ang teoryang naturalismo na makikita
natin sa pag gamit ng iba’t ibang klase ng mga salita na mas nagbibigay diin
sa bawat tagpo at pangyayari sa kwento. Mababakas din ang pag gamit ng
teoryang ito sa pagpapakita ng paghihirap na sinapit ni Tess at kung
paanong ang mga paghihirap na ito ay ginamit niyang dahilan para gumanti
sa propesor. Ang isa pa ay ang teoryang moralismo na mababakas sa aral na
nais iparating ng kwento. Ang aral nito ay nagpapahayag ng unibersal o
pangkalahatang katotohanan na hindi tahasang sinabi sa kwento ngunit
matatanto mo habang iyong binabasa at iniintindi ang akda.

2. Ano ang aral ng kwento?


- Para sa akin, ang aral ng kwento ay tayo bilang tao may kanya kanya
tayong kahinaan at dungis kahit gaano pa kalinis ang tingin natin o tingin ng
ibang tao sa ating mga sarili. Tayo rin bilang tao, normal sa atin ang
magkaroon ng pag nanais gumanti o bumawi sa mga nag sanhi sa atin ng
sakit at paghihirap. Sa kabila ng mga ito, tayo bilang tao na may kakayahang
mag isip ng tama at mali, marapat lang nating piliin ang ikabubuti ng lahat.
Matuto tayong umunawa, magpatawad at magsimula ulit. Ang kabutihang
ating ipinagkakaloob sa ating kapwa ay tiyak na babalik din sa atin. Lagi
nating tatandaan na kahit gaano ka man sinusubok ng mundo na maging
masama at sukuan ang kabutihan, piliin mo pa ring maging mabuti at kalian
man hindi ka mapapahamak.

This study source was downloaded by 100000834372504 from CourseHero.com on 06-06-2022 01:21:15 GMT -05:00

https://www.coursehero.com/file/51925711/PAL-dungis-sa-puting-papel-finisheddocx/
Powered by TCPDF (www.tcpdf.org)

You might also like