You are on page 1of 15

Modyul # 1 Teksto: MGA TALA TUNGKOL SA BUHAY-FILIPINO Ma.

Stella Valdez Naging ugali ko na ang mag-obserba ng mga tao maaaring dahil sa aking meyjor (antropolohiya at sikolohiya), o dahil marami talagang oportunidad para mapansin ang interesting at kakaiba nating personalidad bilang isang lahi, bilang isang bayan. Naging espesyal kong interes ang pagsusuri kung bakit magkakaiba ang paraan ng pagtanaw o pagtanggap ng mga grupo ng tao sa iisang penomena, gayong pareho ang bayolojikal meyk-ap ng ating mga pandama. Marahil, dito nga pumapasok ang impluwensya ng tinatawag natingk u l t u r a, na sa isang simpleng paliwanag ay ang paraang napili ng isang grupo ng tao para mag-organisa at maunawaan ang bawat bagay o penomena na nakapaloob sa kanilang realidad. Kumbaga, nagkakaiba ang mga tao dahil sa kulturang kinabibilangan nila, at nagkakaroon ng afiniti ang mga taong pareho ang kultura, dahil inaafirm ng pagkakatulad na ito ang kanilang identidad bilang myembro ng iisang grupo. Dahil nga sosyal ang kalikasan ng tao, mas magaan para sa kanya ang makibaka sa kanyang realidad nang may kasama, kaysa nag-iisa. Nagiging kumplikado, pero mas interesting, ang senaryo kung tatanggapin natin na sa lob mismo ng isang lipunang may iisang kultura ay makikita rin natin ang mga ramipikasyon ng kulturang ito, ayon sa halimbawa sa edad, panlipunang estado, relihiyon, o gender ng mga tao. At dahil madalas at intensiv ang interaksyon nating mga Filipino sa ibang taong myembro ng ibang kultura, makikita rin natin ang penomena ng pagtatagisan ng mga kultura. Sa bawat interaksyon natin sa ibang kultura, napipilitan tayong mag-explor ng mga teritoryong kapwa pamilyar sa atin at sa kanya na isang banyaga, para maging matagumpay ang negosasyon, para mareyalays ang orihinal na layunin ng ating pakikipag-ugnayan.

Ayon kay Robinson (1981), ang mga paraan ng ating pakikipag-ugnayan sa ibang tao na nagpapakita ng ating identidad o marka ng ating kultura ay maaaring pangkatin sa tatlong sistema: (1) ang verbal, (2) ang extra-verbal, at (3) ang di-verbal. Makikita sa ating pagsasalita, sa paraan ng ating pagsasalita at sa paggamit ng ating katawan ang ating pagiging distinct bilang isang myembro ng isang kultura, ani Robinson. Dahil ang bawat isa sa atin ay awtentikong myembro ng ating kultura, at kung gayon ay isa ring awtoridad sa kulturang ating ginagalawan, maaari nating gawing ispringbord ang mga susunod na diskusyon para patunayan, tanggihan o imodifay ang aking mga isasaad na obserbasyon. SISTEMANG VERBAL Mahirap talakayin ang sistemang ito, dahil kasalukuyang magbabago pa ang ating wikang kinikilalang pambansa, at dahil na rin ang maraming kulturang nakapaloob sa ating bansa ay aydentifayd sa wikang umiiral sa rehiyon ng bawat kultura. Malaki agad 1 ang aking limitasyon, dahil ang magiging basehan lang ng aking obserbasyon ay ang aking pagiging Tagalog. Dahil laki ako sa Maynila, isang babaeng tatlumput limang taong gulang, ang mga tatalakayin kong obserbasyon ay naapektuhan ng aking nabanggit na bakgrawn. Talagang maiiba ang inyong mga obserbasyon, dahil gaya ng nasabi ko nga, marami ring ramipikasyon ang ating kultura maraming subkulturang nakapaloob sa iisang kultura. Tingnan natin ang kalalabasan ng ating mga obserbasyon. Sa mga Tagalog (iyong naabutan ko, gaya ng aking mga Lolo at Lola, magulang, at aking kaedad), nakapasok sa estruktura ng kanilang wika ang pagpapahalaga sa pagiging magalang. Natatandaan ko na madalas akong makagalitan ng aking Lola at Ninang dahil hindi ko matutunang gamitin ang po at opo (magalang na katumbas ng oo) h o ato h o ang mas gusto kong sabihin. Kapag tinatawag nila ako, kalimitangh o! ang

magiging sagot, at hindip o! kaya madalas na masasabihan akong bastos at walang galang na bata (hanggang ngayon ay hindi ko pa rin ito naaasimileyt). Ang madali ko namang natutuhan at ginagamit hanggang ngayon ay ang paggamit sa salitangk a y o / i n y o kapag kinakausap ko ang isang taong mas matanda sa akin, kilala ko man o hindi, at kahit magkaiba kami ng istatus sa lipunan. Kung hindi ako nagkakamali, ang ganitong mga linggwistik na panandang nagpapahiwatig ng paggalang, lalo na angp o ato p o, ay hindi makikita sa lahat ng wika rito sa ating bansa kaya nga malimit itong pagsimulan ng away. Halimbawa, aasahan ng isang Tagalog na matanda na makarinig ng ganitong mga tanda ng paggalang sa isang mas bata sa kanya pero hindi naman Tagalog. O di,w a la n g modo agad ang magiging leybel ng pobreng bata na nagkataon namang hindi Tagalog. Iba ang henerasyon ngayon, kahit na sa Tagalog. Karaniwang adres na ginagamit sa aking ng mga estudyante ang personal at informal na miss, kumain ka na? Imbes na miss, kumain na kayo? Ganito rin ang panghalip na ginagamit ng aking anak kapag kinakausap niya ako o ang kanyang ama: Dad, kumain ka na? Gayumpaman, ginagamit pa rin ang karamihan sa mga kabataan ngayon angk a y o / i n y o kapag kinakausap ang isang matandang di kilala at mas madalas na ginagamit angh o ato h o. Gaya nga ng paliwanag ng aking anak, inirereserba niya ang paggamit ngp o ato p o sa mga taong talagang matanda. May equivalent din tayo ngp l e a s e sa Ingles, at ito ang unlaping paki gaya ng sa Pwedeng pakiabot ang libro? Pakisara ang pinto. Kadalasan nga, maski na nag-uutos ako sa mga estudyante, gagamitin ko pa rin angp a k i, para hindi magmukhang utos ang aking sinasabi. Pero para sa akin, parang iba ang Pwedeng pakiabot ang libros a Pakiabot nga ang libro? Para sa akin kasi, ginagamit angn g a kapag medyo sarcastic o nag-aapura ang nagsasalita, lalo na kapag ang istres ay bumabagsak san g a. Magkaiba kasi para sa akin

ang Teka. Teka nga Parang medyo naiirita na ang nagsabi sa ikalawa. Kung mapapansin din natin, mahirap sabihin nang malumanay ang ikalawa na kung tataasan man natin ang tono sa nga, para hndi padaskol ang pagkakasabi nito, ang mataas na tonong lalabas ay isang tonong pahiwatig ng pagkainis. Sa pagkakaalam ko rin, tayo lang ang pwedeng mag-usap ng ganito at magkakaintindihan ang nag-uusap: Ispiker A: Aba, alam mo ba, sina ano, nag-ano sila sa kuwan kahapon sinabi ni kuwan sa akin, alam mo na Ispiker B: Sina kwan ba kamo? Buti hindi sila na ano. Ano ang sabi ni ano? Malinaw agad ang bawnderi ng konteksto ng ganitong interaksyon: alam ng dalawang ispiker kung sino ang kanilang pinag-uusapan, at kung ano ang nangyari sa kanilang pinag-uusapan. Ang dalawang ispiker lang na may dati nang alam sa pinaguusapan o tungkol sa nasabing paksa ang makakapag-usap nang ganito nang hindi na nangangailangan pa ng maraming marker para sa ibang detalye. Isang sining ang ganitong pag-uusap, at lumalabas na insidental lang ang paggamit ng mga salita. May isa rin tayong distinct na pantawag sa atensyon ng taong hindi natin kilala, angh o y! o angp s s t! Sa totoo lang, hindi ako lumilingon kapag may nag-hoy! at lalo na kapag nag-psst! sa akin. Ang sabi ng iba sa akin, mas bastos daw angp s s t! kaya lalo silang hindi tumitingin. Sa mga banyaga, napapansin ko na imbes na verbal nilang kukunin ang atensyon ng kanilang gustong kausapin, kinakalabit na lang nila ang taong tinatawag. Siguro rito sa atin, mas alinlangan tayong lapitan ang tao at kalabitin ito. Bakit kaya? Naging ugali ko na sa LRT na sinasabihan ko ang babaeng nakikita kong

nakabukas ang butones o zipper sa likod (dahil siyempre, gusto ko ring may magsasabi sa akin kaysa pinagtatawanan ako habang naglalakad). Dahil hindi ako marunong ngh o y o psst! kakalabitin ko na lang ang babae, at napapansin ko na ang tingin nila agad sa akin ay defensiv at naghihinala. Makikita natin sa susunod na seksyon ang dahilan. SISTEMANG EXTRA-VERBAL Kung hindi makikita sa linggwistik na estruktura ng ibang wika rito sa ating bansa ang mga pananda ng paggalang, bumibilib ako sa paraan ng kanilang pagsasalita kapag matanda ang kinakausap. Mas litaw, halimbawa, sa pagsasalita ng isang Ilokano ang matinding paggalang at mataas na pagtingin sa kanilang matatanda: masuyo at mababa ang boses, at ubod nang lumanay. Kung tataas man ang tono, mas malapit ang timbre ng boses sa saya kaysa galit. Iniisip ko nga ngayon kung alin sa dalawa ang verbal o extraverbal ang mas magandang sukatan ng paggalang, dahil may kilala akong isang Tagalog na lalaki na matunog na matunog ang mgap o ato p o, pero kapag mainit naman ang ulo ay walang pasintabing sisigawan ang mga taong mas matanda sa kanya. Medyo maglalakas ako ng loob at sasabihin kong halos lahat sa ating mga Pilipino ay inuugnay ang mababang boses bilang tanda sa paggalang sa mga matatanda. Ang pagtataas ng boses para sa karamihan sa atin ay tanda ng galit, paghahamon opagkawala ng pasensya prelud marahil sa paggamit ng pwersa, o isang pahiwatig na itinuturing ng nagtataas ng boses na mas mataas ang kanyang posisyon kaysa sa kanyang sinisigawan. Natural, hanggang ngayon, halimbawa, ni hindi ko pinangarap na sigawan ang aking ama o ina, o sinumang mas matanda sa akin, hindi dahil takot ako sa kanila, kundi dahil lagi kong naaalala ang aking Lola na isa sa mga tinitingala kong tao. Nabanggit ni Yoko, na isa sa mga estudyante namin sa Seattle, Washington na tinuruan ng Filipino, na mas malaki ang pagpapahalaga ng mga Hapones sa pagiging mahina at mababa ang boses bilang tanda ng paggalang. Ang boses nga na itinuturing nating mahina ay malakas pa para sa kanya. Lagi ko nga siyang pinupuna sa klase dahil

napakahina ng kanyang boses kapag nagreresayt siya, at nahihirapan kaming lahat na intindihin siya. Ang paliwanag naman ni Yoko, guro niya ako (at kung gayon ay superyor ang aking posisyon kumpara sa kanya na isang estudyante), at kabastusan para sa kanya ang paglakasan ako ng boses. Halos unibersal naman ang lakas ng boses na karaniwang ginagamit kapag nasa panganib ang tao. Sa atin, at sa halos lahat ng kultura, malakas na boses, mataas na tono at mabilis na ritmo ang karaniwang ginagamit sa pagbibigay ng babala o paghingi ng tulong. Kapag may sunog, hindi natin ibinubulong ang sunog... sunog... sunog... kundi SUNOG! SUNOG! SUNOG! Kaya nga nagtataka ako ngayon sa naobserbahan kong trend sa mga babaeng narereyp dito sa atin. Sa halos lahat ng mga report sa dyaryo na aking nababasa, laging pareho na alng ang nagiging akawnt ng biktima: nanlaban siya, pero huminto na sa pagpiglas nang matutukan ng patalim sa leeg. Bihirang-bihira kong nababasa na nagtitili ang babae. Noong minsan naman akong naghihintay ng bus sa EDSA, may bigla na lang akong nakitang lalaking tumatakbong patawid at iniiwasan ang mga sasakyan. Iniisip ko pa nga kung bakit nagmamadali ang lalaking iyon, at hindi pa inintindi ang maraming sasakyan na halos mabundol na siya. Pagkatapos noon, bigla na lang kaming (kasama ang iba pang naghihintay din ng bus) nagulat dahil may nagsabi sa amin na naisnatsan pala ng kuwintas ang isang babae na malapit din sa amin, at ang lalaking tumatakbo ang siyang pumigtas ng kanyang kuwintas. Dahil hindi nagbigay ng sapat na warning ang babae, nagkamali lahat kami ng asesment sa ginawang pagtakbo ng lalaki, at hindi tuloy nakatulong kahit na papaano. Ang masama pa noon, medyo masama ang loob ng babaeng nanakawan ng kuwintas dahil walang tumulong sa kanya. Ganito rin ba sa ibang kultura? May isang artikulo akong nabasa sa dyaryo na kabaligtaran naman sa atin. Ayon sa report ng pulisya sa New York, takot daw ang mga holdaper na holdapin ang mga babae dahil agad nagsisisigaw ang babae kapag may nakitang lalaking sumusunud-sunod sa kanya; na mas makikipaglaban ang babae para sa

kanyang walet; na mas mahirap dukutan ang babae dahil napakaraming laman ng kanyang bag. Mas gustong holdapin ng mga kriminal ang mga lalaki dahil nahihiyang sumigaw ang lalaki, agad nitong ibibigay ang walet, at mas madaling makita at makuha ang walet nito, na laging nasa bulsa sa likod. Kaya minsan, naiisip ko tuloy na mas madaling mareyp o mabastos ang mga babae rito sa atin dahil hindi sila nanlalaban, o nagbibigay-babala sa iba para sila ay matulungan. Sa ating kultura na malalim ang pagkakaugat sa isang tradisyong oral, alerto ang ating mga tainga kapag may narinig tayong bumubulong. Binabayaan natin malakas angating boses habang nagkukwento tayo sa LRT ng mga bagay-bagay na hindi importante. Siyempre, hindi agad humina ang boses at nagsimulang bumulong ang nagkukwento, mapapansin natin saglit na pagtahimik ng lahat, at paggalaw ng ulo kapag ibinulong, kaya siyempre, ito ang gustong marinig ng lahat. Sa klase halimbawa, kung gusto kong makuha ang atensyon ng isang maingay na klase, magsasalita ako nang mahinangmahina.Isa pang bagay na medyo nahirapan ang aming mga estudyante sa Seattle ay ang paggamit ng tamang tono para sa isang katapat na kahulugan. Hindi sapat para sa atin na sabihin ang salitangh i n d i para maintindihan ng ating kausap na negatibo ang ating sagot. Malaki ang pagdepende natin sa extre-verbal na bakgrawn ng verbal na sagot ng ating kinakausap para malaman natin kung ano talaga ang gusto niyang sabihin. Sa isang tanong na gaya ng galit ka ba sa akin? Malilintikan tiyak ang nagtanong kung aasa na lang siya sa verbal na sagot nah i n d i, nang hindi na nakinig nang mabuti kung paano ito sinabi. Sa pagkakataong ito, hindi ang salita ng magiging basehan ang sagit, kundi ang paraan ng pagkakasabi ng salita. Marami ang nagsasabi na hindi raw isangd i r e t s o n g wika ang Filipino, dahil tayo ay isang lahi na hindid i r e t s o n g magsalita na hindi tayo prangka, kumbaga. Kaya dahil hindi natin maprangka ang ating kinakausap, mas nakabatay ang validiti o katotohanan ng ating mensahe sa ating mga extra-verbal na mga pananda. Isang problema ito, halimbawa, kapag ang isang Amerikano ang ating kausap,

dahil sa kanila, kung ano ang sinabi nla ay ang gusto talaga nilang sabihin. Naalala ko ang kwento ng isa kong estudyante Filipino siyang lumaki sa Chicago at dito ngayon nag-aaral sa atin. Nainlab siya sa isang estudyante rin na laki naman sa probinsya. Nagsimula ang malaking problema ng ating binata nang magkatampuhan sila ng kanyang minamahal. Matapos ang isang matinding pagtatalo, ganito ang sinabi sa kanya ng dalaga: Ayaw na kitang makita! Ngayon itong si binata, dahil iniisip niya na baka lalong magalit ang dalaga kapag ipagpilitan niyang kausapin itong muli, nagpasya ang binata na huwag munang dalawin ang dalaga at hihintayin na lang ang dalaga ang tumawag sa kanya. Lumapit siya sa akin noon dahil isang buwan na silang hindi nagkikita at hirap na ang kanyang loob dahil hindi pa siya tinatawagan ng dalaga. Kaya nang sinabi ko sa kanyang puntahan niya agad ang dalaga, talagang nagulat itong aking estudyante. Sa totoo lang, ang pakahulugan ko nga sa sinabi ng dalaga, na kung idedesayfer ay ito ang ibig sabihin: dapat lalo kang magpaliwang, dapat lalo mo akong kumbinsihin! Ang problema, huminto na sa literal na level ang ating binata. SISTEMANG DI-VERBAL Nakapaloob sa sistemang ito ang galaw ng katawan, ang konsepto ng panahon at ng espasyo ayon sa kulturang ating ginagalawan (Robinson, 1981). Dahil ang mga ito ay nagkokontribyut din nang malaki sa ating pang-unawa sa pagkakaiba ng mga kultura, itinuturing silang mga esensyal na bahagi ng identidad ng isang tao bilang myembro ng isang partikular na kultura. May espesyal na kahalagahan ang mga ito sa atin dahil sa puntong ito, kumbinsido na ako na ang paraan ng ating pagsasalita, at ang pagkilos ng ating katawan, ang tunay na nagtataglay ng ating talagang gustong sabihin. 5Galaw ng Katawan Kinesics ang tawag sa pag-aaral ng galaw ng katawan (Robinson). Para sa akin, mas madali kongb a s a h in ang isang tao kung pagtutuunan ko ang kilos ng kanyang

katawan, at mga bahagi ng mukha. Halos lahat ng kultura, halimbawa, malaki ang pagpapahalaga sa galaw ng mata bilang batayan ng sinseridad at kagandahang-loob ng tao. Ayaw natin ngp a tr a y d o r na tingin, at may suspetsa agad tayo sa mga taong hindi makatingin nang diretso sa atin. Gayumpaman, bastos para sa atin ang matitigan, o tingnan nang nanunukat (tingnan ako nula ulo hanggang paa). Sa mga matao at siksikang lugar gaya ng LRT, kalimitang nakapikit ang mga tao para maiwasang titigan ang kaharap (nagkukunwari naman daw na tulog ang mga lalaking nakaupo, para hindi nila makita ang babaeng nakatayo sa harap nila). Kung imposible namang pumikit, kadalasang nakapako ang tingin sa labas ng tren. Ayaw din natin ang malikot ang mata, o iyong parang may hinahanap agad pagpasok sa isang kwarto. Mayroon din tayong tinatawag na matalim na tingin, ligaw-tingin, nanghahagod na tingin at nakakatunaw na tingin. Para sa akin, ang mata ng tao ang tunay na nagpapakita ng kanyang ugali, at basehan ko ang korte ng mata at pagiging prangka ng tingin ang pagkagusto o pagkaayaw ko sa isang tao, sa unang pagkikita pa lang. Ilang tala tungkol sa pag-irap: napagkwentuhan namin ng mga estudyante sa Seattle ang tungkol pag-irap. Nagulat ang mga Amerikano dahil wala ito sa kultura nila hindi nila alam umirap. Sa mga Hapon naman, mayroon silang irap, pera iba ang galaw ng ulo. Hindi ba ang irap sa atin ay kasama ang pagtaas ng baba (mas mataas, mas matindi ang irap), sabay baling ng mukha sa oposit na direksyon? Ang irap ng mga Hapon ay simple lang: ibabaling ang mukha sa kabilang direksyon, at hindi tumataas ang baba. Kumbaga, tingin sa kanan mula sa kaliwa, o tingin sa kaliwa mula sa kanan lang ang pag-irap nila. Wala angf l a i r ng ating irap hindi ba? At paano naman ang paggamit ng ating bibig (nguso yata ang mas magandang gamitin dito)? Ang sabi ng isa kong kaibigang titser na matagal tumira sa Amerika, ang mga Filipino lang ang kayang lamusukin ang kanilang mga labi para gamiting panturo ng

direksyon. Kaya ang resulta, madalas na maaydentifay na Filipino ang titser na ito dahil habit na niyang ngumuso kapag may nagtatanong sa kanya ng direksyon, kapag may nakakakita sa kanyang Pilipino. At ang nagtatanong sa kanyang Amerikano syempre ay talagang natutunganga sa kanyang ginagawa. Bakit kaya mahilig tayong ngumuso? Ang paliwanag ko na lang sa aking mga estudyante, kasi para naman sa mga Pilipino, bastos ang tumuro, bastos na gamitin ang hintuturo bilang panturo. Medyo mapaghamon ang daliring ito. At kapag medyo namali pa ang pagturo ayp a n d u d u r o na ang magiging tawag dito. Hindi bat marami nang nakikipag-away dahil lang itinuro ang hintuturo sa kanila? Sapat nang duruin ang isang tao para siya mainsulto, dahil nagpapahiwatig ito na kaya siyang sukatin (kayang tapatan) ng kalaban. Marami ring pantulong sap a g b a s a na kahulugan ang makikita sa kilos ng iba pang bahagi ng katawan. May tendensi tayong maging hukot at bagsak ang balikat kapag kinakabahan tayo o natatakot. Para sa akin naman, may pagkakaiba ang isang lalaking may diretsong torso at isang lalaking nakatikwas ang dibdib na parang isang tandang confident pero hindi mayabang ang una, mayabang naman ang ikalawa. Wala rin akong tiwala sa mga lalaking parang hari kung maglakad habang tumataas ang dibdib sa bawat paghakbang mga indikasyon na konsyus siya na nakatingin sa kanya ang lahat ng kanyang masalubong, isang lalaking may napakalaking ego. Bihira akong makakita ng tao, babae o lalaki, nakakuyom ang kamay habang naglalakad, pero para sa akin, masamang senyal ang ganoon isang taong galit sa mundo? Napansin ko rin sa iba kong mga estudyanteng lalaki na naiiba ang kanilang pakitungo sa kanilang mga kaklaseng babae ayon sa paraan ng paglakad ng mga babae. Turing kapatid ang atityud ng mga lalaki sa mga babaeng mabilis at maliksi ang kilos (parang lalaki?), konti o halos walang kembot ang balakang habang naglalakad. Ito ang mga babaeng sinusuntok-suntok, binibiro hindi katalo, kumbaga. Sa naging klase ko,

iisa ang napili ng mga lalaki, nang tanungin ko sa kanila kung sino sa kanilang kaklaseng babae ang mukhang mabait at pwedeng ligawan, at pareho lahat ang kanilang mga katangian na napansin sa babaeng ito: mahinay kumilos, malumanay ang boses, hindi bungisngis kung tumawa (nagtatakip siya ng panyo kapag tumatawa), hindi nila nakitang nagharot o nagtatakbo sa klase ni minsan, hindim a a r te kung maglakad (na ang ibig sabihin, nang ipaliwanag sa akin ng mga estudyanteng lalaki ay hindi magalaw ang balakang, kaya disente kung maglakad), at hindi nagmemeyk-ap. Sa pananamit naman, napansin ko na mas malaki ang epekto ng damit sa pagiging disente o hindi disente ng babae, kaysa sa lalaki. Na ang ibig sabihin, mas madaling sabihin kung disente o hindi disente ang babae base lang sa damit na kanyang suot. Parang ganito rin ang epekto ng paggamit ng meyk-ap ng mga babae mas tinatawag na disente ang mga babaeng walang meyk-ap, kaysa iyon may meyk-ap. Kaya napapansin ko na minsan, iba agad ang tingin ng karaniwang Pilipinong lalaki sa isang Amerikana na medyo hindi konserbatibo ang pananamit. Ngayon lang, halimbawa, may dalawang estudyante kami sa Seattle na rito nagririserts sa atin lagi silang naka-sleeveless at naka-shorts, kaya hayun, maraming Pilipino ang inaaya silang magdeyt pagkadating pa lang nila. Pero ang dalawang ito ay mas konserbatibo pa sa ibang Pilipinong dalaga na kilala ko. Sa kasamaang palad (para sa mga babae), nakatali sa pananamit ang pagiging disente o bastusin ng isang babae. Espasyo Sa eryang ito, madalas akong magkaroon ng iritasyon. Dahil dalawa lang kaming magkapatid sa bahay, nasanay ako sa pagakakaroon ng malaking personal na espasyo. Siyempre, imposibleng masunod ang gusto kong laging malaki ang aking espasyo. Sinusuri sa proxemics ang pag-aaral ng mga interpersonal na espasyo (Robinson) ang ganitong krisis na nangyayari kapag dalawa o mahigit pang tao ang nagtatagisan para sa

isang malit na alokasyon ng kanilang personal na espasyong nagkataong nagbubungguan. Magandang halimbawa ang pagsakay sa LRT o MRT. Napapansin ko na mas delikado ang babae kapag puno na ang tren. Kabaligtaran naman ang mga lalaki isisiksik nila ang kanilang sarili kahit pumuputok na ang tren at hindi na maisara ang pinto. Gayumpaman, kapag siksikan na talaga, napapansin ko na naiirita lang ang babae kapag medyo pawisan at mabaho ang kanyang katabing lalaki. Pero kapag mabango (o gwapo 7 pa nga), hindi sila masyadong nagrereklamo. May kakatwa pa akong naobserbahan na pagkakaiba ng mga Pilipino at Amerikano tungkol sa espasyo. Gayong hindi ko pa ginagawa ang tinatawag nilangb e s o beso, napapansin ko naman na ididikit nga ng Pilipino (karaniwang babae) ang kanyang pisngi (pero dampi lang) sa pisngi ng kabesuhan, pero hindi naman magkalapat ang kanilang dibdib. Kumbaga, patingkayad ang katawan, habang nakadukwang ang mukha. Hindi naman ginagawa ng mga Amerikano ang tinatawag natingb e s o - b e s o, pero normal sa kanila ang pagyakap at paglalapat ng katawan bilang pagbati at pagpapaalam. Ito pa nga ang norm, kung tutuusin, gaya ng aking natutunan. Agad akong natrauma nang una kaming magsimba sa Amerika. Pagdating kasi sa bahagi ng palitan ng peace be with you, nakita ko ang mga Amerikanong niyayakap ang kanilang katabi yakap talaga na magkalapat ang dibdib at tumatagal ng mga dalawang hanggang tatlong segundo. Talagang nanlamig ako dahil sa buong buhay ko, asawa ko pa lang ang nayakap ko nang ganoon ni minsan nga ay hindi ko nayakap ang aking tatay at kapatid na lalaki at tapos ay mapipilitan akong yumakap sa mga lalaking hindi ko kilala! Naulit ang ganitong sitwasyon nang dumalaw kami sa Vancouver, Canada. Sinundo kami sa estasyon ng isang Canadian na asawa ng pinsang babae ng isa sa aming mga titser. Habang ipinapakilala ng Canadian ang kanyang sarili ay niyayakap niya ang titser na kanyang

kinakausap. Pagdating sa akin, nagmatigas pa rin ako at agad na inangat ang aking kamay para makipagkamay sa kanya. Nainsulto siya syempre, at medyo umismid sa akin. Gayumpaman, naging sapat ang aking imersyon sa kulturang iyon para maunawan ang kawalan nila ng malisya (kung malisya ngang matatawag iyon) sa katawan. Madali para sa kanila ang humipo at yumakap ng bawat isa sa kanila bilang tanda ng pakikipagkaibigan at pagtitiwala (dahil na rin siguro sa kanilang malamig na klima). Nang magpaalam kami sa pamilyang kumupkop sa min sa Vancouver, mahigpit akong niyakap ng bawat isa sa kanila, at doon lang ako, sa unang pagkakataon, na muntik nang maiyak, dahil naramdaman ko kung paano naging resipyent ng ganoong pagtanggap. Ngayong bumibisita rito sa atin ang mga naging estudyante namin sa Seattle, naging normal na sa akin ang yakapin sila tuwing sila ay magpapaalam. Natatawa na rin ako dahil may ibang mga Pilipino na natutunganga kapag nakikita ang ganitong pagyayakapan. Okey sa atin angb e s o - b e s o, pero hindi pa rin ang yakapan. Ibang klase rin kung pumila ang mga Pilipino kaysa mga Amerikano. Normal sa atin ang magsisiksikan sa linya, at gitgitin ang nasa pinakauna. Pero noong nasa airport ng San Francisco kami at nasa linya ng imigrasyon naman sa Vancouver, maging sa mga groseri at bangko, normal na tatlo hanggang apat na piye ang layo ng ikalawang tao ng nakapila mula sa pinakauna. Nagkaroon nga kami ng konting nakakahiyang pangyayari nang nasa zoo kami sa Vancouver, at hinahanap namin ang CR para sa mga babae. Nakita namin iyon, at nakita rin namin na may mahabang pila sa entrans ng CR. Tuluytuloy ang aking kasama sa loob at pumila sa harap ng isang cubicle, gaya ng ginagawa natin dito sa atin. Iyon pala, ganito ang sistema ng pagpila sa kanila: Kung ilan ang cubicle ay iyon lang ang bilang ng tao na papasok sa CR at maghihintay na sa may pinto ang iba pa. Kapag nabakante na ang isang cubicle saka pa lang pwedeng pumasok ang pinakaunang nakapila. Dahil ganito ang sistema, hindi nagkakagulo sa loob ng CR ang

mga tao (pinalabas ng gwardiyang babae ang aking kasama). Panahon Kamakailan lamang, naranasan kong maghintay ng isang oras sa isang taong hindi naman dumating. Usapang aalis ang sasakyan ng alas otso ng umaga; gayumpaman, naghintay pa rin kami hanggang alas nuwebe bago umalis. Sinasabi sa akin ng aking mga estudyante na normal sa kanila ang maghintay ng treinta minutos hanggang isang oras para sa isang kaibigan minsan nga, ang sabi nila, sinasadya nilang dumating nang trenta minutos hanggang isang oras makalipas ang orihinal na apoynment, dahil doon pa lang talagang darating ang kanilang kausap. Isa ito sa mga bagay na hindi ko talagang maintindihan, at naturingan na akong Pilipino. Minsan nga, nakatanggap kami ng imbitasyon na dumalo sa isang miting sa isang eskwelahan dito sa Maynila. Ala una hanggang alas singko ang miting, kaya naman alas dose pa lang ay umalis na ako sa La Salle. Nanduon ako sa eskwela labinlimang minuto bago ala una, dahil ayokong maging dahilan ng pagkaabala ng iba. Medyo nagtanong na ako sa sekretarya nang 1:15 na ay wala pang dumarating. Maghintay lang ako, ang sabi niya. 1:30 na ay wala pa ring tao kaya nagtanong ako uli sa kanya. Darating daw ang mga iyon, ang sabi niya, dahil nagconfirm naman ang mga ito. Medyo masama na ang tingin niya sa akin nang dumating ang ikatlo naming kasama, at 3:15 nang dumating ang ikaapat, pero wala pa rin ang tagapangulo ng miting. Eksaktong 3:45 nang dumating ang hinihintay naming tagapangulo at nagsimula ang aming miting ng 4:00. Hindi na ako nakatiis at tinanong ko ang tagapangulo kung bakit 4:00 na nagsimula ang aming miting, gayong 1:00 ang nakalagay sa aming imbitasyon. Ang sagot niya sa akin, ganoon talaga ang miting nila, waiting period ang 1:00 hanggang 4:00, at 4:00-5:00 ang aktwal na miting. Asus! At kinansel ko ang lahat ng aking apoyntment noong hapon na iyon dahil ang akala ko ay La Salle taym sila (hindi na akong muling nag-atend ng miting). Maaaring marami tayong oras na pwedeng waldasin, pero hindi maganda ang

ganitong atityud kapag may mga kausap tayong taong may napakabising iskedyul, at walang magagamit na oras para maghintay. At Ngayon? Isa sa mga napakagandang pag-aralan sa ating kultura ay ang pagpapaalam. Isa itong ritwal na puno ng lahat ng ating mga nabanggit na, maliban pa sa ibang mga detalye na mas makakapagbigay ideya kung sino talaga ang Pilipino, kung paano talaga maging Pilipino. Kahit na sabihin nating marami nang impluwensya ang nakapasok sa ating kultura, naniniwala ako na hindi pa rin nabubura ang tatak na iyong nagpapakilala sa ating pagka-Pilipino kahit saan tayo magpunta. ##

You might also like