You are on page 1of 3

Adobo

ni Faye Cura

Buod:

Ang tulang “Adobo” ay pumapaksa sa napapanahong isyu sa kasalukuyan, ito ang pagtalakay

sa kahinaan ng mga kababaihan.

Tumatalakay ang tula sa labis na pagmamahalan ng dalawang magkapatid na pawang mga

babae. Ang kanilang mga papel sa buhay ay kontrolado ng kanilang ama na nagpapakita

naman ng kapangyarihan ng pagiging lalaki. Ipinakilala ng Ama ang kanyang dalawang anak na

babae bilang mga babaeng api sa pagbansag sa nakatatanda bilang “pakawala” at sa

nakababata bilang “utak-toyo”. Biktima rin ng pangungutya o kawalan ng respeto ng mga

kalalakihan ang nakababatang babae mula sa mga manginginom na kasama ng kanilang ama.

Mababatid din sa mensahe ng tula ang kawalan ng boses ng mga anak upang mailabas ang

kanilang dinadalang bigat sa dibdib Naging tahimik at malungkutin ang nakababatang kapatid

na babae sa pag-alis ng kanyang nakakatandang kapatid na babae dahil sa pag-aasawa nito.

Gumamit ang persona ng tula ng mga poetiko at metaporisasyong pahayag na nagpapakita ng

kanyang masidhing damdamin sa kanyang naging karanasan. Inihalintulad niya rin ang kanyang

sarili sa nauulol na aso sapagkat naglalarawan ito ng kanyang mga katangian. Dahil na rin sa

walang mapagsabihan ng mga suliranin at hinanakit nakadama siya ng pag-iisa. Naging mahina

siya sa kanyang pag-iisa dahil sa walang naging karamay at pag-unawa sa. Humantong sa

isang hindi magandang desisyon ang magulo niyang pag-iisip, ang pagpapatiwakal o pagkitil ng

sariling nitong buhay.


Mga Implikasyon ng artikulo:

1. Sa Socio-Psycholinguistic

Makapagbibigay ng sapat na kaalaman sa mga mag-aaral na kumukuha ng asignaturang

ito sa pag-unawa ng kanyang kaisipan,damdamin at kapaligiran. Maipauunawa rin ang

dulot nitong kaugnayan sa kung paano ang taong nagsasalita ay naaapektuhan ng

kanyang pag-iisip at damdamin dala ng kanyang naging karanasan sa kinabibilangan

nitong kapaligiran.

2. Sa pagtuturo ng wika sa Sikolohiya at Sosyolohiya

Sa pagtuturo ng wika sa Sikolohiya at Sosyolohiya sa panig ng mga guro malaki ang

magiging papel nito sapagkat mauunawaan niya ang lawak ng epekto ng karanasan ng

isang indibidwal sa paghulma ng kanyang pagkatao. Sa ganitong kaugnayan

mauunawaan niya ang relasyon ng wika at karanasan ng tao. Magiging mapagmatyag at

sensitibo siya sa pagtuturo ng wika sa kanyang mga mag-aaral. Gayundin, maiaangkop

niya ang mga istratehiya o mga pagdulog sa pagtuturo ng wika sa sa iba’t ibang

sitwasyon ng mga mag-aaral mayroon siya. Mauunawaan din niya na bawat mag-aaral

ay may pamamaraan at iba’t ibang antas ng pagkatuto ng wika.


Panunuring Papel Bilang 1

ni Elna D. Almodiente

You might also like