You are on page 1of 3

Kabanata 1

Pamilya Maravilla
Sa Lungsod ng Quezon naninirahan ang pamilya Maravilla. Maginhawa ang

buhay ng pamilya Maravilla dahil sa parehong may maayos na hanapbuhay ang mag-

asawa. Si Philip Suarez Maravilla ay isang Chief Executive officer (CEO) sa National

Grid Corporation of the Philippines. Mabuting haligi ng tahanan si Ginoong Philip, sa

likod ng kaniyang pagsusumikap sa buhay ay pangarap na kaunlaran ng kaniyang

pamilya. May pagkaistrikto sa buhay kaya takot at sinisigurado ng mga empleyado sa

kompaya na maayos nagagampanan ang tungkulin upang makaiwas sa pamamahiya

ngunit may ginintuang puso si Ginoong Philip mas nangingibabaw pa rin ang kabutihan

sa kaniya. Isa namang doktor sa Makati Medical Center si Margaret Dy Maravilla, siya

ang ilaw ng tahanan ng pamilya Maravilla sa kaniyang pagiging sosyal mataas ang

kaniyang pamantayan sa buhay kaya pati buhay ng kanilang unica ija ay

pinapakialaman.

“Shane ano ba, papasok ka ba sa school o matutulog na lang maghapon, ang

batang 'to napaka-iresponsable bumangon ka riyan, maligo ka na at bumaba para

makapag-almusal”. “Grrgggggg… si Mommy talaga umagang-umaga talak nang talak,

Opo heto na bumangon na ako at maliligo” galit na tugon ni shane sa kaniyang ina.

Talak ng ina na naman ang agad sumalubong kay Shane pagkababa sa kaniyang

kwarto, hindi pa nga nakapagaalmusal busog na sa mga salita. “Ano ba ang

pinaggagawa mo bakit napuyat ka? Nag live live ka na naman sa social media?

Umayos ka ha, babasagin ko ang cellphone mo kung iyan lang naman ang sagabal sa

iyong pag-aaral, alam mo na may pasok ka ngayon nagpuyat ka”. pangaral ni Margaret

kay Shane. “Mommy naman mag-aalmusal ba ako o pangaral mo ang almusal ko?
nakawawalang gana kumain. “Aba sumasagot-sagot ka na ha, iyan ba ang natutunan

mo sa paaralan o sa ka social social media mo”.

“Margaret, enough! nasa harapan tayo ng grasya nagtatalo kayo! Ilugar mo

minsan ang pagiging talakera mo huwag dito sa hapagkainan, kumain na kayo nang

makaalis na tayo ihahatid ko pa kayo sa hospital at paaralan” galit na tugon ng ama sa

kaniyang mag-ina.

“Yan kasi lumalaki ang ulo dahil kinokonsente mo iyang anak mo, palibhasa

pareho kayo ng ugal” galit na sambit ng ina. Walang imik ang mag-ama patagong

tumatawa dahil pareho nga namang hilig ang matulog “Oh Tara na! Malalate na ako sa

trabaho” seryusong tugon ng ama na may halong pang-aasar sa kaniyang asawa.

Iyan ang aking pamilya, may talakerang ina at may superman na

tagapagtanggol tuwing ako'y napagsasabihan ni Mommy. Tanging nagiisa lamang ako

na bunga ng kanilang pagmamahalan kaya kung ano man ang mga pangangailangan

ko sa buhay ay naibibigay nila dahil na rin sa may maayos na trabaho si Mommy at

Daddy. Solo ko ngang napakikinabangan ang pinaghirapan ng magulang ko ngunit

hindi ko masasabi na masaya ako dahil minsan pinangarap ko na may kahati ako ng

pusod na makakasama, makalalaro, at makakukulitan sa loob at labas ng bahay.

“Hindi ako mabubuhay kung wala ang gadget, pero mas hindi ako mabubuhay

kung wala sila Mommy at Daddy HAHAHAHA” pero sa totoo lang pangalawang mundo

ko na ang social media, S.M. is my life at minsan ko na rin pinagkitaan ng pera ang

S.M. dahil isa akong vlogger, tiktokerist at live streamer. Hindi naman sa

pagmamayabang 1 milyon sobra ang followers ko sa Facebook, Twitter, YouTube at


Instagram. “Sino ba naman ang hindi mag fofollow sa akin, eh! biniyayaan ako ng diyos

ng taglay na kagandahan at talento kaya kong kumanta, sumayaw at umarte. “Pero

alam niyo hindi ako totally mabait, may attitude ako at 'yon inaamin ko may kahinaan

ako sa aking sarili. Kaya malakas ang loob ko na pasukin ang mundo ng social media

dahil alam ko ang aking kahinaan at kalakasan, at mainit ang pagtanggap ng mga tao

sa akin online.

You might also like