You are on page 1of 2

Ang Puno Ng Dalakit

ni: Castillo John-John Q.

Ang dalakit ay isang uri ng puno, na malaki at mataas na kung makikita ng mga
tao ay tiyak na mamamangha dahil ito ay parang mala-enkanto ang dating kaya
marami sa mga taga rito ng Barangay Anito ang natatakot sa nasabing puno. Ang puno
ng dalakit ay tirahan daw ng mga masasamang engkanto sa ibabaw ng lupa at ng mga
taong namatay sa kamay ng mga masasamang engkanto. Sa nakalipas na mga taon
laganap ang kuwentong kababalaghan tungkol sa puno ng dalakit. Noon, may punong
dalakit sa mababang paaralan ng Anito, isang araw, bandang hapon may isang guro
ang nagpunta sa likod ng paaralan upang magtapon ng basura nang may nakita siyang
higanteng lalaki na nagsisigarilyo, may kahabaan ang buhok sa puno ng dalakit, nagulat
ang babaeng guro sa nakita agad siyang nagtungo sa silid-aralan at utal magsalita sa
mga guro nang siya'y tanongin kung bakit siya'y natatakot. Hindi naman naniwala ang
ibang guro sa kaniyang sinabi ito ay binalewala lamang nila.

Nasundan ang pangyayaring ito ng may namatay na bata, sabi ng magulang ang
punong dalakit daw ang dahilan. Bandang tanghali, ang bata ay naglalaro sa likod ng
paaralan may dala dalang tirador upang manghuli ng ibon, ng may matamaan siyang
ibon na nakadapo sa puno ng dalakit, hindi kaagad namatay ang ibon kaya inalagaan
niya ito. Pagkalipas ng mga ilang araw namatay ang ibon, ang bata ay nagkalagnat,
lagnat na hindi mawala-wala kahit na anong gamot ang inomin hindi ito nagagamot,
kaya napagdesisyonan ng mag-asawa na magpakonsulta sa albularyo o tambalan,
gumaling naman ang bata nanumbalik ang lakas ng kaniyang katawan, ngunit bilin ng
albularyo na delikado ang kalagayan ng bata dahil namatay ang ibon, kadalasan kasi
may kabayaran ang ito, mahirap na kalaban ang mga engkanto dahil walang
pagpapatawad.

Sa kasamaang palad nagkatotoo ang sinabi ng albularyo, pumanaw ang bata na


ikinalungkot naman ng kaniyang mga magulang. Ngunit, ang ibang mga tao ay hindi
naniniwala na ang pagkakahuli niya nang ibon ang naging sanhi, natural na sakit
lamang ang ikinamatay ng bata samantala, ang iba naman ay naniniwala na ang ibon at
puno ng dalakit ang dahilan.
Marami pang kuwento ang kumalat tungkol sa puno ng dalakit, kagaya ng
pagpapakita ng batang sanggol na nagduduyan sa puno, pagpapakita ng white lady,
duwende, tikbalang at "daay" sa mga kababaihan, lalo na sa mga magagandang babae
na mahahaba ang buhok, kapag natitipohan ng lalaking engkanto ang isang babae
nagkakaroon ng pagsasanib sa katawan ng babae at kapag hindi makaya ng isang
babae ang masamang ispiritu na sumanib sa kaniya siya'y mamamatay at
mapapangasawa ng engkanto. Naniniwala ang mga tao rito na kapag mahaba ang
buhok ng isang abae ay lapitin ng "daay" kaya ang mga babae ay hindi nagpapahaba
ng buhok dahil Sila'y natatakot. Pagkatapos ng mga pangyayari, napagdesisyonan ng
paaralan, na putolin ang puno ng dalakit at ito nga ay nangyari pinutol ang puno ng
dalakit, at habang pinuputol ang puno may dasal na isinagawa ang mga tao para
mataboy ang mga masasamang engkanto. Nang naputol na ang puno natigil ang
pagpapakita ng mga kakaibang nilalang at naiwasan ang mga pangyayaring
kababalaghan.

You might also like