You are on page 1of 11

Aralin

2 N ATALO NA RIN SI PILANDOK

(PABULA)
“Maging mapanuri sa karakter ng isang tao
Upang maiwasang mabiktima ng mga tuso”

Sa araling ito ang mga mag-aaral ay inaasahang:

1. Nahihinuha ang kalalabasan ng mga pangyayari batay sa akdang napakinggan.
2. Naibabahagi ang sariling pananaw at saloobin sa nagiging karapat-dapat/di karapat-
dapat nang paggamit ng mga hayop bilang tauhan sa pabula.
3. Naipapahayag nang pasulat ang damdamin at saloobin tungkol sa paggamit ng mga
hayop bilang mga tauhan ng nagsasalita at kumikilos na parang tao o vise versa.

MAHALAGANG TANONG

1. Ano ang mga dapat gawin ng isang tao upang makaiwas maging biktima ng mga tuso at
manloloko?
________________________________________________________________

______________________________________________________________

2. Bakit mahalagang pag-aralan ang mga pabula? Paano makatutulong ang mga
aral na taglay nito sa pang-araw-araw na pakikisalamuha natin sa ating kapwa?

Pampagkatotong Modyul sa Filipino 7 Pahina 22

ALAM MO
BA? Ang pilandók (Tragulus nigricans) o Philippine
Mouse-deer sa wikang Ingles, ay kilalá rin sa tawag na Balabac
Mouse Deer. Ito ay matatagpuan lámang sa maliliit na isla ng
Balabac, sa timog-kanlurang Palawan. Itinuturing itong
subspecies ng Greater Mouse-deer (T. napu). Kahit na tinatawag
na Philippine Mouse-deer, hindi ito kabilang sa pamilya Cervidae,
ngunit miyembro ng pamilya chevrotain.
May kulay itong itim o kayumangging balahibo na may
mga guhit ng kulay putî sa may dakong leeg at dibdib. Payat ang
mga binti nitó. Ang lalaki ay walang mga sungay tulad ng isang
tunay na usa, Ginagamit nitó ang matatalas na mga ngipin, na
katulad sa mga aso, bilang pananggalang sa sarili o sa
pakikipaglaban para sa teritoryo.
Ang pilandok ay isang nokturnal na hayop at mahilig
mapag-isa, kumakain ito ng maliliit na dahon, mga bulaklak, at iba
pang mga pananim sa kagubatan. Kung araw, nasa gubat ito at
hindi gaanong gumagalaw. Sa mga kuwentong-bayan sa Filipinas,
binibigyang buhay ng pilandok ang isang tuso at mapanlansing
hayop. Sa isang kuwentong Maranaw, nakumbinsi ng pilandok
ang isang prinsipe na ibigay sa kaniya ang isang bag na may
lamang ginto. Nanganganib na mapuksa ang pilandok dahil sa
pagkawala at pagkasira ng kanilang tirahan sa kagubatan,
panghahanting, at hindi matigil na kalakalan ng mga mababangis
na hayop. (SSC) (ed VSA)

PAUNANG PAGSASANAY

Tukuyin at bilugan ang kasingkahulugan ng salitang nakasalungguhit mula sa iba

pang salita sa pangungusap.
1. Isang baboy-ramo ang nakatago sa malalabay na sanga kaya’t hindi ito nakita dahil sa
malalagong dahong tumatakip dito.
2. “Ang matikas na baboy-ramong tulad mo ay nababagay lamang kumain ng isang
matipunong tao,” ang pambobola ni Pilandok sa baboy-ramo.
3. Sinagpang ng buwaya ang kanyang paa subalit hindi siya nagpahalatang nasaktan kahit
pa sinunggaban siya nito.
4. Mabuti nalang at nakalundag si Pilandok palayo dahil hindi naman nakatalon ang
mabigat at malaking buwaya.
5. Ipinagbunyi ng mga hayop ang pagkapanalo ng isang munting hayop laban kay Pilandok
subalit lalo nilang ipinagdiwang ang narinig na pagbabago ni Pilandok.

Pampagkatotong Modyul sa Filipino 7 Pahina 23

PAGBASA

PAGLINANG

Basahin at unawaing mabuti ang isang pabula ng mga Maguindanao.

“Natalo na RIn si Pilandok”

Kilala si Pilandok sa kanyang pagiging tuso at mapanlinlang. Katunayan, madalas na
panlilinlang o panloloko ang ginagamit ni Pilandok sa kanyang mga laban kaya naman lagi
siyang nananalo. Subalit sa pagkakataong ito, bumalik sa kanya ang mga nagawa niyang
panloloko o panlilinlang kaya siya naman ang natalo. Sino kaya ang hayop na nakatalo sa
kanya. Isa kaya itong malaki at makapangyarihang hayop? At sa paanong paraan kaya niya
natalo ang Pilandok? Halina’t iyong alamin.

Isang hapon, mainit ang sikat ng araw kaya’t nagpasya ang matalinong pilandok na
magpunta sa paborito niyang malinaw na batis upang doon magpalamig at uminom. Isang
malaki at gutom na gutom na baboy-ramo pala ang nakatago sa gilid ng malalabay na puno at
naghihintay ng anumang darating na maaaring makain. Nang makita niya ang pilandok ay agad
na nagningning ang kanyang mga mata. Mabilis siyang lumabas at humarang sa daraanan ng
pilandok. “Sa wakas, dumating din ang aking pagkain. Gutom na gutom na ako sa maghapong
hindi pagkain, Pilandok, kaya’t humanda ka na dahil ikaw ngayon ang aking magiging
hapunan,” ang tatawa-tawang sabi ng baboy-ramo. Kitang-kita ng pilandok ang matutulis na
ngipin at pangil na baboy-ramo.

Takot na takot ang pilandok dahil alam niyang sa isang sagpang lang sa kanya ay tiyak
na magkakalasog-lasog ang kanyang payat na katawan subalit hindi siya nagpahalata.
“Kawawa ka naman baboy-ramo, maghapon ka na palang hindi kumakain,” ang sabi na tila
awing-awa nga sa kalagayan ng kausap. “Puwede mo nga akong maging pagkain pero alam
mo, sa gutom mong iyan at sa liit kong ito, tiyak na hindi ka mabubusog sa akin.” Ang dugtong
pa nito.

“Kung gayon, ano ang gagawin ko? Gutom na gutom na ako!” ang malakas na sigaw ng
baboy-ramo.

“Ha! Matutulungan kita riyan, Baboy-ramo,” ang sabi ni Pilandok habang mabilis na nag-
iisip. “Tao, tao ang dapat mong kainin para mabusog ka. Sasamahan kita sa paghahanap ng
isang taong tiyak na makabubusog sa iyo”. ang paniniyak nito.

“Ano ba ang tao? Tiyak ka bang mabubusog ako sa tao?” ang tanong ng baboy-ramo.

“Ang tao ang pinakamalakas na hayop sa buong mundo,” ang sagot naman ng 
pilandok.

“Mas malakas pa kaya sa akin?” ang tanong ng baboy-ramo habang hinihipan at

pinalalaki ang kanyang dibdib.

Pampagkatotong Modyul sa Filipino 7 Pahina 24

“Oo, malakas talaga ang tao subalit sa talas ng iyong mga ngipin at pangil, at sa bilis
mong tumakbo, tiyak na kayang-kaya mong sagpangin at kainin ang tao,” ang pambobola pa ng
pilandok sa baboy-ramo.
Nahulog na nga ang baboy-ramo sa bitag ng pilandok. Paniwalang-paniwala ito sa
kanyang matatamis na pananalita. “Kung gayon, samahan mo na ako sa tao at nang ako’y
makakain na. Basta’t tandaan mo, kapag hindi ako nakakain ng tao ay ikaw pa rin ang magiging
hapunan ko,” sabi ng baboy-ramo sa pilandok.

“Oo, basta, ako ang bahala sa iyo. Tiyak na mabubusog ka, kaibigan,” ang paniniyak pa
ng pilandok sa baboy-ramo.

Naglakad-lakad nga ang dalawa sa kagubatan hanggang sa mapunta sila sa isang

talon. Nakarinig sila ng tinig ng isang batang tila tuwang-tuwa sa paglangoy. Nakita nila ang
isang batang lalaking nagtatampisaw sa batis na nasa ibaba ng talon. “Iyan, iyan na ba ang
tao? Susunggaban at kakainin ko na,” ang mabilis na sabi ng baboy-ramo.

“Kaibigan, hindi pa iyan ang tao. Sumisibol pa lang iyan kaya’t hindi ka pa masisiyahan
diyan,” ang sagot ng pilandok.

“Kung gayon, saan natin makikita ang taong gagawin kong hapunan?” ang naiinip nang
tanong ng baboy-ramo.

“Doon, sag awing hilaga,” ang sagot ng pilandok.

Nakakita sila ng isang taniman ng mga kamote. May isang matandang lalaking
nagtatanim. Nakabaluktot na ang likod niya at nakalalakad na lamang sa tulong ng baston.

“Iyan na ba? Iyan na ba ang taong gagawin kong hapunan? Ayoko niyan, payat at ni
hindi ako matitinga riyan,” ang sabi ng baboy-ramo.

“Tama ka, kaibigan. Payat masyado iyan at hindi ka mabubusog diyan. Tira-tirahan na
lang iyan. Hindi iyan nababagay sa isang matikas na baboy-ramong tulad mo,” ang muling sabi
ng pilandok.

Galit na ang baboy-ramo.” Kung gayon, saan ko makikita ang taong kakainin ko? Gutom
na gutom na ako! Niloloko mo lang yata ako eh. Ikaw na lang ang kakainin ko!” ang gigil na sabi
nito sa pilandok.

“Huwag! Huwag, kaibigan. Hayun na, hayun na ang taong laan para sa iyong hapunan,”
ang sabi ng pilandok sabay turo sa isang matikas at matangkad na mangangasong naglalakad
sa gilid ng gubat.

“Tiyak na mabubusog ka riyan dahil malaman iyan at tiyak, hindi mo na gugustuhin pang
kumain ng isang munting hayop na tulad ko pagkatapos mo siyang makain,” ang nakangising
sabi ng pilandok.

“Tama ka, Pilandok. Ito na nga ang hapunan ko,” ang sigaw ng baboy-ramo sabay
sugod sa nabiglang mangangaso. Subalit nabigla man at natumba ang mangangaso ay mabilis
pa rin itong nakabangon at napaputok ang dalang ripple kaya’t tinamaan ang baboy-ramo.

Nakahinga nang maluwag ang tusong Pilandok. Ngayon siya nakadama ng matinding
uhaw kaya’t naisip niyang muling bumalik sa batis upang ipagpatuloy ang naputol na pag-inom.
Tahimik na umiinom ang pilandok nang bigla niyang maramdamang may sumunggab sa
kanyang isang paa. Paglingon niya ay nakita niya ang buwayang makailang beses na niyang

Pampagkatotong Modyul sa Filipino 7 Pahina 25

nalinlang. Alam niyang galit sa kanya ang buwaya pero galit din siya rito dahil sa lagi siyang
pinipigilang umiinom sa batis.

Sa halip na magsisigaw sa sakit ay mabilis na umisip ng solusyon ang matalinong

pilandok. “Hay naku, kawawa naman ang buwayang ito. Hindi niya makilala ang pagkakaiba ng
patpat sa paa ng isang usa,” ang tila nang-uuyam na sabi ng pilandok.

Subalit hindi siya binitawan ng buwaya. Sanay na kasi itong naiisahan ni Pilandok kaya
ngayon ay natuto na siya. Baka isa na namang patibong ito ng pilandok.

Subalit hindi tumigil doon ang pilandok. “Buwaya, bulag ka ba? Patpat lang ang kagat-
kagat mo. Heto ang paa ko, o,” ang malakas na sabi niya sabay taas sa isang binti. Biglang
binitawan ng buwaya ang kagat-kagat nap aa ng pilandok. Akmang susunggaban n asana nito
ang isang paang itinaas ng pilandok nang mabilis itong makalundag palayo. Sising-sisi ang
buwaya, naisahan na naman siya ng matalinong pilandok

Habang naglalakad pauwi ang pilandok ay nasalubong niya ang isang suso. Dahil maliit
ang suso ay naisip ng Pilandok na kayang-kaya niyang magyabang dito. Hinamon niya ang
suso sa isang karera at anong laking gulat niya nang pumayag ang suso at nagsabi pa itong
kayang-kaya niyang talunin ang pilandok.

Ang hindi alam ng pilandok ay kalat na kalat na sa kaharian ng mga hayop ang kanyang
pagiging tuso o mapanlinlang kaya’t napaghandaan na ang suso ang araw na siya naman ang
maaring pagdiskitahan ng pilandok. Kinausap na niya ang kanyang mga kapatid.
Magkakamukha sila at aakalain mong iisang suso lang sila dahil sa kanilang parehong-
parehong itsura.

Nagsimula na nga ang karera. Agad umarangkada at tumakbo nang ubod bilis ang
pilandok. Subalit paghinto niya sa kalagitnaan upang silipin kung nasaan na ang kalaban ay
anong laking gulat niya nang magsalita ang suso. “O, ano Pilandok, pagod ka na ba?” ang
tanong nito. Gulat na gulat sa kung paanong nagawa ng suso na mauna pa sa kanya kaya’t
mabilis na tumakbo uli ang pilandok hanggang sa makarating sa dulo ng karera nang halos
lumawit ang dila sa pagod. Subalit, hayun at nauna na naman ang suso na ipinagbubunyi na ng
ibang mga hayop bilang nagwagi. Hindi makapaniwala ang pilandok na natalo siya ng isang
suso. Natalo niya ang mabangis na baboy-ramo, natalo niya ang malaki at mahabang buwaya,
minsa’y naisahan na rin niya ang isang matalinong sultan subalit, heto, siya naman ngayon ang
natalo ng isang munting suso. Kinamayan niya ang suso at buong pagpapakumbaba niyang
sinabi,”Suso, kung sa paanong paraan mo man ginawa iyon, tinatanggap kong tinalo mo ako.

Matalino ka nga. Binabati kita at dahil diyan, ipinangangako kong iiwasan ko na ang
ginagawa kong panlalamang sa kapwa.” Muling nagbunyi ang mga hayop sa nakarinig kay
Pilandok.

Maaaring ring mapakinggan sa: https://www.youtube.com/watch?v=_vQgRa53g9Y

Pampagkatotong Modyul sa Filipino 7 Pahina 26

SAGUTIN NATIN

A. Sagutin ang sumusunod na mga tanong.

1. Ano ang pinakaangkop na paglalarawan para kay Pilandok, matalino nga ba o

mapanlinlang? Patunayan sa pamamagitan ng mga ginawa niya sa binasang pabula.
___________________________________________________________________

2. Sa paanong paraan nakilala ni Pilandok ang baboy-ramo? Sa iyong palagay,

nararapat nga kaya ang ginawa niyang panlilinlang sa baboy-ramo? Kung ikaw si
Pilandok, ano ang gagawin mo para makaligtas ka na maging hapunan ng baboy-
ramo nang hindi mo ito kailangang ipahamak?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

3. Bakit kaya galit nag alit ang buwaya kay Pilandok? At bakit naman galít din si
Pilandok sa buwaya? Sa paanong paraan muling naisahan ni Pilandok ang buwaya?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
_______________

4. Sa paanong paraan napagtanto ni Pilandok ang kanyang pagkakamali? Sino ang

nakatulong sa kanya upang maimulat siya sa kanyang pagkakamali?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

Pampagkatotong Modyul sa Filipino 7 Pahina 27

___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
_________________________

5. Kung ikaw ay tulad ni Pilandok na mahilig manlinlang o manloko ng iyong kapwa,

ano ang kailangang baguhin mo upang hindi dumating ang araw na pagsisisihan mo
ang mga kasamaang ginagawa mo?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
_____________________

6. Sa iyong palagay, ano kaya ang mangyayari kay Pilandok kung magpapatuloy pa rin
siya sa pagiging mapanlinlang? Magbigay ng patunay batay sa mga nababasa o
napapanood mong nangyayari sa mga taong nanloloko o nanlilinlang sa kanilang
kapwa.
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
_________________________

Panoorin ang iba’t ibang modus operandi upang maiwasang maging biktima nito. Pindutin
lang ang link sa ibaba.

https://www.youtube.com/watch?v=cFEZ17lxjXw
https://www.youtube.com/watch?v=psb3OL9SLJw

Pampagkatotong Modyul sa Filipino 7 Pahina 28

B. Ano kaya ang kalalabasan ng mga pangyayaring naklahad sa bawa bilang? Maghinuha
batay sa nabasa o napakinggang akda. Bigyang-paliwanag dina ang iyong hinuha.

1. Kung magpapatuloy parin si Pilandok sa ginagawang panlalamang o panloloko sa

mga kapwa niya hayop
a. Iiwasan siya ng mga hayop at walang makikipagkaibigan o makikisama sa
kanya
b. Mapipili siya bilang pinuno at gagayahin din ng ibang hayop ang mga
halimbawa niya
c. Pupurihin nila ang mga ginawa ni Pilandok sa kanyang mga kapwa hayop
dahil__________________________________________________________________
______________________________________________________________________

2. Naisahan nanaman ni Pilandok ang buwaya. Ano kaya ang mangyayari sa susunod
na mag-krus uli ang landas ng dalawa?
a. Hindi na pakakawalan nang buhay ng buwaya si Pilandok
b. Muli na namang maiisahan ni Pilandok ang buwaya
c. Magiging magkaibigan na si Pilandok at ang buwaya
dahil__________________________________________________________________
______________________________________________________________________

3. Nagbunyi ang mga hayop nang matalo ng isang munting suso si Pilandok. Ano
kayang mensahe ang ipinaabot ng mga hayop kay Pilandok?
a. Pumusta kami kay suso kaya sa pagkatalo mo ay mayroon kaming
matatanggap na papremyo
b. Tama lang na nangyari iyan sa’yo para malaman mo kung ano ang
nadarama ng kapwa mo kapag ikaw naman ang nanlilinlang
c. Ang galing mo talaga, Pilandok! Ikaw ang “idol” naming mga hayop dito
dahil__________________________________________________________________
______________________________________________________________________

4. Tinanggap ni Pilandok ang pagkatalo niya kay Suso at nangako pang magbabago
na. Anong katangian ang makikita kay Pilandok dahil sa ginawa niyang ito?
a. Marunong ding tumanggap ng pagkatalo at alam ni Pilandok kung kailan siya
magpapakumbaba
b. Masipag din pala si Pilandok at gagawin niya ang makakaya para
makatulong sa mga kapwa hayop
c. Mahusay talagang makisama at maasahan ng maraming hayop ang mabait
na si Pilandok
dahil__________________________________________________________________
______________________________________________________________________

5. Pagkatapos ng pagkatalo ni Pilandok sa suso at pangangakong magbabago na sa

harap ng kanyang mga kapwa hayop, ano kaya ang mangyayari?
a. Muling manlilinlang si Pilandok ng hayop kapag siya’y nagipit
b. Iiwas na si Pilandok na manlinlang o manloko ng ibang hayop
c. Hindi na ipakikita o ipaalam ni Pilandok sa iba kapag siya’y nanloko uli ng
kapwa niya
dahil__________________________________________________________________
______________________________________________________________________

Pampagkatotong Modyul sa Filipino 7 Pahina 29

PAGSULAT NG JOURNAL
Isulat sa bahaging ito ang iyong sagot patungkol sa tanong na ito:
“Sa ating mundo ay marami ang mga mapanlinlang at mapagsamantala subalit marami
pa rin namang taong may mabubuting hangarin sa kanilang kapwa. Ano ang nararapat gawin
upang makaiwas maging biktima ng mga taong mapagsamantala?”

PAMANTAYAN SA PAGSULAT NG JOURNAL

Nilalaman (45%) puntos
Kaugnayan sa Tema (30%) puntos
Paggamit ng Salita (25%) puntos
Kabuuan (100%) puntos
_____________________________________________________________________________________________

Pampagkatotong Modyul sa Filipino 7 Pahina 30

ALAMIN NATIN

KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN NG PABULA

Ang pabula ay nagmula sa salitang Griyegong muzos na ang ibig sabihin ay myth
o "mito" Nagsimula ito sa tradisyong pasalita at nagpasalin-salin sa iba' t ibang henerasyon
hanggang sa kolektahin ng mga pantas at sa huli ay binigyan ng ilang pagbabago ng mga
tagapagkuwento nang naaayon sa kultura o kapaligirang kanilang ginagalawan. Ang ilan sa
mga naunang kilalang koleksiyon o kalipunan ng pabula ay nagmula sa mga kaugalian ng mga
bansa sa Silangan. Ang iba pang koleksiyon ay nagmula naman sa mga Griyego at Romano
kung saan masasalamin sa mga paksa nito ang mga elementong panrelihiyon.
Sa pagdaan ng panahon ay isinilang ang pabula ni Aesop na gumamit ng mga
hayop na nagsasalitang parang mga tao bilang mga pangunahing tauhan. Si Aesop na isang
Griyego at pinaniniwalaang isinilang sa mga taong 620 BCE ay itinuturing na ama ng mga
sinaunang pabula (ancient fables). Si Aesop na sinasabi ring isinilang na kuba ay lumaking
isang alipin subalit pinagkalooban ng kalayaan ng kanyang amo at hinayaang maglakbay at
makilahok sa mga kilusang pambayan at makisalamuha sa mga tao (Sa panahong iyon, ang
mga alipin ay walang karapatang lumabas at makisalamuha sa iba maliban na lamang kung
may pahintulot ang kanilang amo.) Dito lumabas at nakilala ang 12 kanyang taglay na talino at
galíng sa pagsulat at pagkukuwento. Tinatayang siya ay nakasulat ng mahigit 200 pabula sa
kanyang buong buhay.
Marami pang ibang manunulat ang sumunod na sumulat ng pabula at nakilala rin
dahil sa kanilang mga likha. Kabilang sa mga ito sina Babrius, isang manunulat ng koleksyon ng
mga pabulong nasusulat sa wikang Griyego, Phaedrus na kinikilalang kauna-unahang nagpalin
sa Latin ng mga pabulang hango sa mga pabula ni Aerop gayundin sina Romulus, Socrates,
Phalacrus, at Planudes. Kabilang din sa mga nagpalaganap ng pabula sa kani-kanilang
kapanahunan sina Odon ng Cheriton noong 1200, Marie de France noong 1300, Jean La
Fontaine noong 1600, CE Lessing noong 1700, at Ambrose Bierce noong 1800.
Ang mga pabula ay lumaganap na rin sa iba't ibang bansa kabilang ang ating
bansa. Naging laganap ito maging nang bago pa dumating ang mga mananakop. Nagamit din
ng ating mga ninuno ang mga kuwento at aral na taglay ng mga pabula sa pagtuturo ng
kagandahang-asal at mabuting pamumuhay sa mga tao lalong-lalo na sa kabataan.
Sa mga tauhang hayop ng mga pabula masasalamin ang mga katangiang taglay
ng mga tao tulad ng pagiging malupit, makasarili, mayabang tuso, madaya, at iba pa. Itinuturo
din ng mga pabula ang tama, mabuti, makatarungan, at makataong pag-uugali at pakikitungo sa
kapwa. Ang mga pabula ay lumaganap dahil sa magagandang aral sa buhay na ibinibigay nito.
Taliwas sa iniisip ng marami, ang pabula ay hindi maituturing na \"pambata
lamang\" sapagkat ang mga ito'y nangangailangan ng pag- unawa sa mga katangian ng mga
tauhang hayop at pag-uugnay ng mga ito sa kahawig na katangian ng mga tao upang maging
epektibo ang paghahambing. Mahalaga ring makilatis ang mga aral o mahahalagang kaisipang
taglay ng mga ito.

Bakit mahalagang pag-aralan ang mga pabula? Paano makatutulong ang mga aral na
taglay nito sa pang-araw-araw na pakikisalamuha natin sa ating kapwa?
____________________________________________________________________

__________________________________________________________________

Pampagkatotong Modyul sa Filipino 7 Pahina 31

GAWIN NATIN

Sa binasang salaysay ay nabatid mo ang mahaba at makulay na

kasaysayan ng pabula. Nalaman mo ring mga hayop na nagsasalita at kumikilos na parang tao
ang gumaganap na tauhan sa mga pabula. Sa iyong palagay, karapat-dapat ba o hindi ang
paggamit ng mga hayop bilang mga tauhan sa pabula? Magpahayag ng limang dahilan sa napili
mong sagot sa mga linya sa ibaba.

Karapat-dapat ang paggamit ng mga hayop sa pabula dahil …

Hindi karapat-dapat ang paggamit ng mga hayop pabula dahil …
A._______________________________________________________________
_______________________________________________________________

B._______________________________________________________________
_______________________________________________________________

C.______________________________________________________________
_______________________________________________________________

D.______________________________________________________________
_______________________________________________________________

E._______________________________________________________________
________________________________________________________________

KASANAYANG PANGWIKA

Posible Nga Bang Magbago ang Isang Tao?

“Walang sinuman ang makapipilit sa kanyang kapwa-tao na magbagong-buhay. Dapat na

ang pagbabago ay magmula sa mismong indibidwal at ninanais niya ito.\" - Vivien Stern. A Sin
Against the Future – Imprisonment in the World.

Ang isang tao gaano man kasama ay maaaring magbagong-buhay subalit walang sinuman
ang makapagpapabago sa kanya. Tanging siya lamang ang makapagdedesisyon para baguhin
ang sarili niya. Madalas, inaasam natin ang posibleng pagbabago ng ating kapwa lalo na ng
isang mahal sa buhay na naliligaw ng landas o nalilihis sa tuwid na daan. Iba't ibang
pamamaraan o estratehiya ang ginagamit para mapagbago ang iba tulad ng pagpaparusa,
pakikiusap, panunuhol, at iba pa. Gayumpaman, kung magbabago man ang taong ito ay
paimbabaw lamang. Tila ginagawa lamang ito para mapagbigyan ang taong umaasam ng
kanyang pagbabago. Subalit kapag ang mismong tao na ang nagdesisyong gusto niyang
magbago, ito ang pagbabagong malalim at may katiyakang maisasagawa o mapaninindigan.
Gayumpama'y malaki pa rin ang nagagawa ng pananalangin. Posibleng ang hindi magawa ng
isang tao para sa kapwa ay mangyari ayon sa kagustuhan at paraan ng Panginoon.

Pampagkatotong Modyul sa Filipino 7 Pahina 32

You might also like