You are on page 1of 2

Maricris Dianne Y.

Fabros
BSHM-2F

Kulturang Popular (AAH101b)


4 Ideolohiya at Lipunan: Pagtangkilik sa Kulturang Popular
Talaban: Ang Namamayaning Ideolohiya
Mula sa mga Kuwentong-Bayan Patungo sa Lipunan

Kahingian

Pumili ng isang pelikula, akdang pampanitikan, palabas sa telebisyon, o komiks na


tungkol sa mga nilalang sa dilim. Suriin kung paano silang inilalarawan sa kulturang
popular. Tukuyin din ang iba’t ibang takot na ipinakita sa palabas o akda na napili. Gamitin
ang pamantayan sa pagmamarka sa ibaba bilang gabay. Sikaping hindi lumagpas ang
sagot sa 300 salita.

Pamantayan Tumbas Marka


1. nilalaman 10
2. organisasyon ng mga ideya 10
3. pamamaraan 5
3. gamit ng wika 5
Kabuuan 30

Maraming mga kuwento ng mga multo at halimaw sa mahabang panahon. Bilang isang
bata naniniwala ako sa kanila, kahit na hindi ko ito kailanman sinubukan na makita, ngunit
dahil sa kasaysayan ng aking pamilya, mga anak at kaibigan na nabuhay at nakita na
hindi lamang tayo mga tao o hayop na nabubuhay sa mundo. Isa rin sa mga dahilan na
naniniwala ako sa mga ito ay dahil sa mga balahibo na nakikita ko. Nananatili sila sa isip
ko hanggang sa maniwala pa rin ako sa kanila. Ang isa sa mga kinakatakutan ay ang
duwende, dahil may mga pamahiin tungkol sa kanilang kakayahang saktan ang ibang tao
dahil lamang sa nagambala sila. Mga karaniwang katawagan sa mga maliit na nilalang
na hindi nakikita ng mga karaniwang tao. Ang mga ito ay naninirahan sa gubat, puno,
punso, o mga luma at malalaking tirahan na matatagpuan sa mga probinsya.
Ang dwende ay nagpapakita sa mga iilang tao lang, kapag ikaw ay kanilang nagustuhan.
Katulad ng dwende na naninirahan sa bahay, ayon sa mga nakakakita, sila ay
nakikipaglaro. Dinadala ng dwende ang taong kanyang kinaibigan sa lugar nila. Sa mga
karaniwang kwento na nagpasalin-salin sa bawat henerasyon, ang kanilang lugar ay
isang paraiso na di inaakala ng tao na may ganito. Puno ng ginto ang kanilang kaharian.
Sila ay mahilig mag kolekta ng mga iba’t ibang bagay. May kasabihan ang matatanda na
kapag may nawala na bagay sa iyong bahay ito ay kinuha ng dwende, na kahit hanapin
mo ay hindi makikita, at kapag napag pasyahan mong huminto sa paghahanap saka ito
lalabas sa isang lugar na parang walang nangyari. May mga dwende din na
nagkakagusto sa tao. Karaniwan ay sa mga babae. Ito ay kanilang inaangkin ng hindi
namamalayan. Dwende na laging bumibisita, at minsan, ay hindi pinapakain, hanggang
sa bumagsak ang katawan at unti-unting namamatay.

You might also like