You are on page 1of 30

KABANATA I

PAGPAPAKILALA

“The possession of knowledge does not kill the sense of wonder and mystery.
There is always more mystery”

Anais Nin

Sa panahon ngayon maraming bagay na hindi pa natin natutuklasan. Noong

unang panahon pa lamang maraming kababalaghang naganap at nangyari.

Nalaman natin ito sa pamagitan ng mga kwento ng mga matanda at mga alamat na

binasa ng ating mga magulang.

Ang mga Pilipino ay likas na ispiritwal, malakas ang paniniwala sa mga

ispiritu na kung tawagin ay anitos at engkanto na namumugad sa mga bundok,

kweba, dagat at bato kung kaya’t napakadali para sa mga Pilipino ang makipag-

usap at makipag-ugnayan sa ganitong uri. Likas sila na palakaibigan at kalmado,

kung kaya’t malakas ang kanilang pakiramdam at may kakayahang tumanggap ng

konseptong di-pangkaraniwan at may kakayahang buksan ang isipan sa mas

malawak na sakop kumpara sa ibang tao at sadyang makatotohanan para sa mga

taong taga baryo o probinsya dito sa Pilipinas. Likas sa mga Pilipino ang pagiging

mapagmahal sa kalikasan, kung kaya’t kapag may dumarating na hindi kanais-

nais na pangyayari agad itong ikinokonsidera na may koneksyon sa kapaligiran.

1
Isang halimbawa na lamang ay ang usap-usapang misteryo ng Bundok Maculot ng

Cuenca Batangas.

Ang Bundok Maculot na maituturing na isa sa napakaraming magagandang

atraksyon na nakapalibot sa lalawigan ng Batangas at walang alinlangan sapagkat

dito ang Taal Lake pinakamagandang makita. Ayon sa ilang alamat, nanggaling

ang pangalan ng bundok sa higanteng nagligtas sa mga mamamayan mula sa

pagsabog ng Bulkang Taal. May iba din naman na nagsasabing nagmula ang

pangalan nito sa mga maiitim at kulot na taong unang nanirahan sa bundok na

dahilan para tawagin ito bilang “Bundok ng Macuculot” na nang lumaon ay

naging Bundok Maculot. Sa kabila ng kaakit-akit nitong ganda, hindi na rin lingid

sa kaalaman ng mga taga rito ang patungkol sa mga misteryo na bumabalot sa

Bundok. Kabilang dito ang mga usap-usapan tungkol sa pagkawala ng mga

umaakyat na may ilang nagsasabi na kagagawan daw ng mga engkanto.

Ayon sa ulat ng iWitness Reporter na si Jay Taruc noong 2013, sinasabi na

ang balita ay patungkol sa isang mountaineer na umakyat ng bundok mag-isa at

natagpuang patay makalipas ang dalawang linggo. Ayon sa mga taong taga rito,

maituturing na kaduda-duda ang pagkamatay nito at maituturing na isang

malaking misteryo para sa nakararami. Kaya mahalaga na malaman kung mayroon

pa bang kababalaghang nangyayari sa modernong panahon natin ngayon at kung

paano ito nakakaapekto sa pamumuhay ng taong namumuhay sa paligid ng

bundok.

2
Layunin ng pag aaral na ito maibahagi ang mga misteryong may kinalaman

sa bundok, ang bawat indibidwal ay may kanya kanyang karansan at ibat-ibang

basehan sa kung ano nga ba ang misteryo.

Kahalagahan ng Pag-aaral

Para sa mga taga bundok makulot. Nais ng pag aaral na ito na alamin ang mga

nasabing misteryo ng naturang bundok at mga karanasan ng mga respondente

upang magbigay ng kamalayan sa iba.

Para sa mga Pilipino.Ang pag-aaral na ito ay naglalayon na mapaalam sa mga

Pilipino ang misteryo ukol sa bundok makulot na syang magiging gabay at

munting kaalaman para sa kanila.

Para sa mga Kasalukuyang nananaliksik. Gawing instrumento ang pag-aaral na

ito upang mas mapalawak pa ang kaalaman at mga impormasyon ukol sa paksang

pinag-aralan.

Para sa mga nagnanais magsaliksik ng paksang tinalakay sa hinaharap. Ang

pag-aaral na ito ay magiging gabay, batayan at basehan ng na syang maaring

gamitin upang mapayabong ang paksang pinag-aaralan.

Para sa Sikolohiyang Pilipino. Upang makapag ambag ng munting kaaalam sa

paksang Sikolohiyang Pilipino.

3
Paglalahad ng Suliranin

Sa pag-aaral na ito, layunin ng mga mananaliksik na sagutin ang mga

katanungan tungkol sa propayl ng mga respondente batay sa edad, kasarian o

katayuang sibil, mga karanasan sa bundok makulot, pamamaraan ng pamumuhay

at kung gaano nakatagal na naninirahan sa lugar. Layon din ng mga mananaliksik

na malaman ang mga pakahulugan ng mga respondente sa kung ano nga ba ang

mga misteryong kanilang mga nararanasan at kung paano nila ito naisasawalang

bahala sa pang araw araw na buhay.

4
KABANATA II

PINAGMULAN

Noon palang panahon ng ating mga ninuno naniwala na sila sa mga

nilalang at iba pang mga bagay. Dahilan para ang paniniwala sa mga ito ay

maging parte na ng ating kultura na siyang nakakaimpluwensya sa kolektibong

pagiisip ng mga tao na nabibilang sa isang partikular na lipunan. Kahit marami ng

kwento tungkol sa kababalaghan, may iba paring hindi naniniwala dito.

Gayupaman, mas nakakalamang parin ang naniniwala sa kababalaghan kaysa sa

hindi naniniwala. Hindi maikakaila na sa kabila ng ganda ng bundok ay bumabalot

ang ilang misteryo na pinaniniwalaan ng mga taga rito.

Ayon kay Arrogante (1989), kung ang mga tao ay naniniwala sa

kapangyarihan ng Diyos, sa paggabay ng mga anghel at sa mga himala ng mga

santo sa langit ay bakit hindi magawang paniwalaan ng lakas ng mga lamanlupa

tulad na lang ng malign, duwende, tikbalang, aswang, kapre, at iba pang nilalang

na di natin kauri.

Marami ang misteryong bumabalot na patungkol sa Mt. Maculot. Bukod sa

engkanto, usap-usapan din ang di umano’y pagpapakita ng mga multo sa mga

umaakyat ng bundok.

Tanyag ang bundok makulot dahil sa isang bahagi nito na may mataas na

rock wall na kinasanayan nang tawaging The Rockies. Matatagpuan ang bundok

5
ng Maculot sa Cuenca, Batangas. Isa ito sa sikat na palipasang akyatin ng mga tao

at may magandang tanawin kaharap ang Taal Lake at ang bulkan nito.

Pinaka-kilalang istorya sa Mt. Maculot ang isang babaeng nagmumulto, kilala

bilang Maricar. Pinaniniwalaang namatay siya sa lugar kung saan matatagpuan

ang the Rockies.

Ayon kay Basil Torres, isang tour guide at mountaineer sa naturang lugar,

nahulog ang kawawang babae sa batong ito at lumipas ang panahon, naririnig ang

kaniyang boses na umaalingawngaw di-umano sa bundok. Maraming nangahas na

matulog sa bundok ang nagsasabing naririnig nila ang sigaw ni Maricar na

bumabasag sa katahimikan ng gabi, at minsan pa’y namamataan ang kaniyang

kaluluwa. Mayroon ding karanasan ang ilang umakyat dito at nagtigil sa gabi na

nakakaramdam sila na para bang may umaaligid sa kanilang mga tulugan na

animo’y isang malaking nilalang na hindi magpapatulog sa inyo sa kahabaan ng

gabi sapagkat nararamdaman na paikot-ikot ito sa lugar ng inyong tinutulugan.

Mainam aniya mag-alay ng manok sa mga ‘hindi nakikita’ at laging magpasintabi,

para hindi makaranas ng kakaiba.

Ayon sa isang facebook post sa page ng Real Life Ghost Stories, maraming

naniniwala na ang Bundok Maculot ay sinasabing pinaparamdaman ng espiritu ni

Maricar, isang babae na nahulog na nagging sanhi ng kanyang pagkamatay sa “the

rockies”, isang parte ng bundok. Pinaniniwalaan na siya di umano ang naririnig at

6
nakikita ng mga campers sa kailaliman ng gabi. May ilan din na nagsasabi na

naririnig nila itong humahagulgol sa nasabing lugar. Maliban sa di umano’y

paglitaw ng babaeng multo, may mga iba ding nagsasabi na nakakita sila ng isang

malaking hugis anino na sinusundan o pinagmamasdan sila mula sa mga puno ng

kagubatan. Pinalilibutan di umano ng nasabing elemento ang mga campers habang

nagpapatuloy sila sa kanilang gawain. At sa gabi, ay tila naman iniikutan ng mga

anino ang kani-kanilang tents na nagreresulta sa mga campers upang hindi

pagtulog.

Gayunman, sa kabila nito ay nananatili parin ito sa isa sa paboritong

puntahan ng mga mahilig sa bundok.

Kahalagahan ng Talakay

Ang pananaliksik na ito ay magsisilbing gabay at magiging kapaki-pakinabang sa

mga sumusunod:

Mahalaga ang talakaying ito para sa mga taong malimit umakyat ng bundok

sapagkat sila ang lubos na nangangailangan ng kaalaman at kaligtasan sa kanilang

pag akyat sa Bundok Maculot.

Mahalaga ang talakaying ito para sa mga kabataan ng sa gayon ay maging

aware sila sa nangyayare at upang lalong mapalawak ang kanilang kaalaman

tungkol sa mga dapat at hindi dapat gawin sa pag akyat ng bundok.

7
Mahalaga ang talakaying ito para sa pamayanan at mga taong nakatira dito

sapagkat nakakatulong ang bundok sa kanilang kinabubuhay.

Mahalaga ang talakaying ito para sa Sangguniang Panglungsod at iba pang

organisasyong sumusuporta dito sapagkat nagbibigay ito ng pagkakakilanlan sa

kanilang lugar.

Saklaw at Limitasyon

Ang pag-aaral na ito ay nakabase lamang sa karanasan ng mga

respondente na sumagot sa mga katanungan tungkol sa misteryo ng bundok

makulot. Inalam lamang dito ng mga mananaliksik ang mga misteryong

bumabalot sa lugar na ilan sa mga karaniwang tao nakakaranas o nakakakita ng

mga nakakakilabot na imahe kung saan batid naman natin na hindi lahat ay

nararanasan ito. Anumang bagay na hindi kasali sa mga naitanong ay hindi

pinagtuunan ng pansin ng mga mananaliksik. Ang datos ay kinalap mula sa iba’t-

ibang tao na binubuo ng limang (5) respondente na syang may mga karanasan na

hindi maipalaiwanag sa bundok makulot na matatagpuan sa bayan ng Cuenca.

Semantic Map

Para mabigyan ng mas malalim na ideya, nangalap ang mga mananaliksik

sa mga respondente ng impormasyon tungkol sa misteryo. Ang misteyo ay

nagsasabi kung ano ang unang pumapasok sa kaisipan ng tao kapag naririnig o

nababasa nila ang kataga. Pangalawang ano ang pananaw nila ukol sa paksa. Ikatlo

8
ay kung paano bigyang kahulugan ang misteryo at ikaapat ay kung mayroon silang

karagdagang impormasyon at karanasan patungkol sa misteryo.

Sa pangkalahatan, ang misteyo ay iikot sa kahulugang ibinibigay dito ng

tao at kung paano sila umakto base sa kanilang pananaw dito.

9
Misteryo

Ano ang mga


misteryong Paano bigyan ng
bumabalot sa pakahulugan ang
bundok makulot misteryo

Ano ang mga


Pamamaraan o
karanasan ng
basehan ng
nag papatunay
misteryo
ng misteryo

Pagbibigay Mga basehan


linaw sa ng mga
misteryong Pag lalarawan Pamamaraan respondente
naransan ng ng mga ng mga sa kung ano
mga nararamdama respondente nga ba ang
respondente n ng mga kung paano misteryo
respondente ba nila
ukol sa inihahayag
misteryo ang misteryo

10
KABANATA III

METODO AT PAMAMARAAN NG PANANALIKSIK

Disenyo ng Pananaliksik

Ang pananaliksik na ito ay naglalayong malaman ang mga misteryong

bumalot sa Bundok Makulot. Ang mga kalahok sa pananaliksik na ito ay ang mga

piling mag-aaral mula sa Kolehiyo ng Sining at Agham, Batangas State University

Main Campus I. Sa pag aaral na ito gagamit ang mga mananaliksik ng kwalitibo at

deskriptibong metodo na naglalayong mapalawak ang pag-aaral.

Ang mga mananaliksik ay gagamit ng mga angkop na katanungan na kung

saan mas madaling maiintindihan ng mga napiling respondente upang malaman

kung anong mga misteryon ang bumabalot sa naturang bundok. Matapos malaman

ang mga kasagutan, ang mga mananalasik ay bubuo ng pag-lalagom upang

mapalitaw ang epekto sa mga respondente ng pag-aaral na tatalakayin.

Respondente ng Pananaliksik

Ang mga respondent ng pag aaral ay residente pito (7) na nag mula sa

Munisipalidad ng Cuenca mga naninirahan malapit sa Bundok Makulot at may

mga karanasan at kaalaman ukol sa misteryong bumabalot dito.

11
Instrumento ng Pananaliksik

Ang Katanungan ay gawa ng mga mananaliksik, ito ay isa sa pinaka-

mahalagang kasangkapan na gagamitin upang mapalawak pang mabuti ang pag

aaral na isasagawa. Sa pamamagitan ng pamamahagi ng mga katanungan,

mangangalap ang mga mananaliksik ng mga mahahalagang datos na

kinakailangan para sa pag-aaral at pwede paliwanagin ang kamalayan ng mga

susunod na mananaliksik ukol sa paksa ng pag-aaral. Ang mga nilalaman ng

tanong sa pagsisiyasat ay may kinalaman sa misteryong bumanalot sa bundok

makulot at ang pamumuhay ng mga residente sa naturang bundok.

12
KABANATA IV

KINASAPITAN

Ang kabanatang ito ay naglalayong magbigay ng paglilinaw, paghahambing,

pagsusuri at interpretasyon ng mga datos sa nakalap ng mga impormasyon upang

bigyang kasagutan ang suliraning nais iresolba ng pag aaral na ito. Ang bawat

talahanayan ay nagpapakita ng iba’t ibang tema nakalap ng mananaliksik at mga

pahayag na nagmula sa mga respondente ng nasabing pag aaral.

1. Propayl ng mga Respondente

1.1. Edad. Ang talahanayan 1 ay nagpapakita ng kanilang bilang ng

distribusyon ng mga respondente ayon sa kanilang edad.

Talahanayan 1.1

Bilang ng mga Respondente batay sa kanilang Edad

Edad Bilang Porsyento

20-45 2 40 %

46-70 3 60 %

Kabuan 5 100 %

Lumabas sa pananaliksik na mula sa limang (5) respondente, dalawa (2)

ang bilang ng may edad mula 20 hanggang 45 na bumubuo ng 40 porsyento at

13
tatlo (3) naman ang bumubuo sa bilang ng may edad mulang 46 hanggang 70 na

anyos na mayroon 60 porsyento sa mga respondente.

2. Karanasan at paniniwala ng mga taong naninirahan sa Mt. Maculot

Talahanayan 2

Karanasan at paniniwala ng mga taong naninirahan sa Mt. Maculot

Tema Bilang Tugon

Karanasan sa “Dati inabot naming yung.. kunwari umakyat


ka ng Mt. Maculot gagayahin yung itsura mo
bundok tapos kung hindi umimik wag niyong susundan
kasi nang gagaya ng anyo.”
Maculot -Mr. Lunar
“noong una po ako po ay naakyat ay ako po ay
nahulog po ako sa malalin at nag kasugat po ito
(ibabaw ng labi) ay hindi na po ako umilit
3
noon. Noon pong merong nahulog doon
hanggang doon lang ako sa kalhatian hindi nap
o ako umakyat, sabi koy hindi na ulit ako
aakyat, dahil nung dati ay nangungumpay kase
non pakain sa baka ay duon pa sa may bundok
dadayo at nag aambon ambon non, 5 o’clock ng
madaling araw, nang kami ay pababa na, akoy
nadulas nahagulog napatama ang ibabaw ng
labi ko sa may puno, mula noon hindi na ulit
ako umakyat doon. Andito pa din yung pilat ko.
-Ka Turing

“yun kase ay ano lang naman, yung pag picture

ko don sa babae , pag tingin ko sa camera pugot

14
ang ulo nya (White lady)”

- Rustom

Paniniwala o “Yun ay kuwan eh, nung dati nung wala


pang groto yan may nakikita d’yang mahal na
sabi sabi ng
birhen nakita dun sa baba, kaya yun ang tayo ng
mga taong
grotto eh, “
naninirahan –Lola Rosa

sa Mt.
“Yun ay nung puputok ang bulkan
Maculot
noong 1950..diyan ay may nakitang babaeng
2 nakasuot ng puti nagwagayway ng panyo”
–Lolo Armando

“Totoo po yung sabi ng mga matatanda nung


una pero hindi ko pa po nakikita(May
nanggagaya ng anyo). Iyon po ay kumporme
din po sa tao, dahil meron silang pinag
papakitaan meron pong hindi. Katulad po ng
kahit ngayon, kahit po mga taga rito mismo
guide na pinag papakitaan pa, taga rito din po
mismo sa amin. Pero hindi naman po
nangangano, huwag lang ninyong sasabihan ng
masama. Kayo po ay aakyat kung meron po
kayong Makita na halimbawa ay hindi ordinary
sa inyo yung isang bagay wag nyo nalang pong
pupunahin ang sasabihin nalang po ninyo ay
makikiakyat po rito ganon po.”
-Ka Turing

15
“Ano .. mga white lady ganon may
nagpapakita.. tapos eh pag kayo’y mga dayuhan
, tapos eh kayo’y maingay ayun ginagalaw
kayo. Hindi naman white lady yun.. yun ay ano
parang nakikita laang sa likod mo.”
-Rustom

Kabuan 5

Base sa talahanayan 2, ipinakikita dito ang iba’t-ibang karanasan at

paniniwala ng mga taong naninirahan sa gilid ng Bundok Maculot sa bayan ng

Cuenca, Batangas City. Hinalungkat ng mga mananaliksik kung ano nga ba ang

mga katotohanan sa likod ng kumakalat na kwento patungkol sa mga misteryo

bumabalot dito. Ilan sa mga nakapanayam ang nagpahayag ng kanilang kwento;

Isang (1) respondente ang nagbahagi ng kanyang karanasan sa pagakyat ng

bundok ng Mt. Maculot ang nakaranas ng mayroon panggagaya nang pisikal na

anyo ang elemento sa Mt. Maculot. Ayon sa respondente kapag nakaramdam sila

16
ng tila kakaiba ay dapat umiwas na sapagkat ito maari kang sundan upang gayahin

ang pisikal na anyo.

Sa pahayag naman ng isang (1) respondente na matagal nang residente sa

nasabing lugar ay siya ay nagkaroon ng trauma sa bundok sa sapagkat noong

kanyang kabataan ay kamuntik na siyang maaksidente.

Huling respondente naman ang nagbahagi ng kanyang karanasan sa bundok

Maculot na isang (1) tour guide ang naglahad ng karanasan na sa kanilang

pagakyat ng bundok ay mayroon imahe na nahagip sa litrato, at pugot ang ulo ng

isang (1) mang aakyat. Ayon sa kanyang paglalahad kaagad nilang hinubad ang

suot nilang damit at inalis ang mga kagamitan upang ibaon sa lupa, sapagkat ito

raw ay masamang pangitain.

Sa pagkilala naman sa pangalawang kolum sinasaad ang mga elemento o

misteryong nakalap batid sa kaalaman ng residente ng bundok Maculot.

Isang(1) residente ng Maculot ang nagsiwalat ng kanyang kaalaman

patungo sa histori ng bundok Maculot na ito raw ay unang panahon ay mayroon

nag-aalaga, noong hindi pa raw nakakatayo ang grotto ay mayroon daw nakikitang

mahal na birhen nakatayo sa tuktok noon.

Ayon naman sa isang (1) matagal nang residente ng na rumisponde sa

aming katanungan, taong 1950 daw ay pupuntok ang bulkan (taal) nang mayroon

nakitang nakaputing babae na nagkakaway ng putting panyo. Simula raw noong

17
mayroong nakitang babae sa tuktok niyon ay hindi daw sila inabot ng pinsala ng

pagputok ng bulkan.

Sa pagsalaysay naman ng isang (1) respondente ay kanyang sinabi ang

kanyang kaalaman patungo sa elemento o sabi-sabi tungkol sa bundok Maculot na

mayroon nanggagaya sa pisikal na anyo. Ayon sa respondente, kapag mayroon

naramdaman na hindi kaaya-aya habang ikaw ay nasa bundok, mas maigi pa ay

umalis o kaya naman ay hindi na dapat bigyan ng pansin.

Huling respondente naman ang nakasaksi ng mismong misteryo na

mayroon ang bundok. Sa kanyang paglalahad, habang siya ay naatasan maging

tour guide ng mga mang-aakyat. Sa kanya mismong karanasan noong siya ay

kukuha ng litrato ng kanyang kasama, mayroon imahe ng babae ang sumama sa

kanyang kinuhang litrato, at bukod ditto ay nakuhanan niyang putol ang ulo sa

litrato ang kanyang kasama.

18
KABANATA V

PAGLALAGOM

Sa pagtatapos ng nasabing pananaliksik, nabigyang tuon ng kwalitatibong

pag-aaral ang misteryong bumabalot sa bundok Maculot. Sa tulong ng mga

residente nakapanayam, nakabuo ng malinaw at sistematikong ideya ang aming

pangkat na magiging kontribusyon sa larangan ng Sikolohiyang Pilipino.

I. Misteryo

Ilan sa mga respondent ang nagbahagi ng kanilang mga karanasan ukol sa

misteryo sa bundok makulot na syang naging basehan ng mga mananaliksik

sa pag buo ng konsepto sa nasabing bundok.

II. Karanasan at Pamumuhay ng mga Respondente

Ayon sa nakalap na mga impormasyon ng mga mananaliksik, ang

pamumuhay ng mga residente ay simple, payak at tahimik. Ang kanilang

mga karanasan sa bundok ang syang nagpatibay ng kanilang koneksyon

dito kaya mas pinili nilang manirahan sa nasabing bundok.

III. Paglalarawan ng karanasan

Ayon sa nakalap na datos, marami mang misteryo ang bumablot sa bundok

makulot hindi ito hadlang para sa mga respondente upang ipagpatuloy ang

kanilang pamumuhay sa pang araw-araw.

19
IV. Basehan ng pag papakahulugan sa mga Misteryo

Ang mga misteryong inihayang ng mga respondente ay base mismo sa

kanilang mga karanasan na syang naging basehan ng mga mananaliksik

upang mapalawak pa ang kaalaman ukol sa misteryong bumabalot sa

nasabing bundok.

Ang mga sumusunod ay mga rekomendasyon ng mga mananaliksik na

maaaring makatulong sa mga susunod nap ag-aaral batay sa nakuhang

datos:

1. Iminumungkahi ng mga mananaliksik na sumunod sa mga polisiya ng

bundok makulot, kagaya ng kailangan ng tour guide sa pag-akyat ng

bundok, huwag mag tapon ng basura kung saan-saan sa bundok, huwag

maiingay at huwag nang pansinin ang may isa mang bagay na hindi kaaya-

aya o pamilyar.

2. Iminumungkahi ng mga mananaliksik na dagdagan pa ang bilang mga

respondente upang mas lalong mapalawak at makapangalap ng mga

impormasyong kinakailangan ukol sa pag-aaral.

3. Iminumungkahi ng mga mananaliksik sa mga susunod na gustong tumuklas

ng misteryo ng bundok makulot ay maging alerto at mapagmasid sa paligid

upang maiwasan ang mga di kanais nais na pangyayari.

20
Apendiks

21
PALATANUNGAN

Pangalan: _____________________

Edad: ________________________

Kasarian: _____________________

1. Gaano na kagatal naninirahan malapit sa Bundok Makulot?


_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
__________________________________.

2. Anu-ano ang mga karanasan na hindi makakalimutan tungkol sa Bundok


Makulot?
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_______________________________.

3. Anu-ano ang mga sabi-sabi o mga kwento tungkol sa Bundok?


_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_______________________________.

4. Ano ang mga maipapayo sa mga nag nanais umakyat sa Bundok?


_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_______________________________.

22
Respondent 1
Victorino Lunar, 65
Registration Officer

Researcher: magandang araw po ano po ang pangalan nyo?


Respondent: wala akong pangalan, hindi ako si Victorino Lunar, turing ang tawag
sa akin dit.
Researcher: Turing po? Ka turing, ilng taon na po kayo?
Respondent: 65.
Researcher: Kayo po ay sadyang taga rito? Lihitimong taga dito?
Respondent: sadyang taga rito ako.
Researcher: Gano nap o kayo katagal na nag papa register dito?
Respondent: Kase matagal na ito, nung una kase wala pang mga bayad-bayad ang
mga ito, mga 5 years na ito.
Researcher: 5 years na po nung nag start kayo na mag pa register ditto.
Respondent: Oo.
Researcher: So diba po dati free pa po ang pag akyat dito sa mt. makulot.
Respondent: Dito po ay may nahuilog noon ng walang guide, nung umakyat siya
ay linggo ng pagka buhay madaling araw eh walang nakakaalam.
Researcher: Kaya po kinailangan na ng mga guide?
Respondent: Buhat po noon kinailangan na ng guide talaga.
Researcher: Sino po yon?
Respondent: Hanggang ngayon ang nahulog naiyon ay kaso pa din.
Researcher: Sino poi yon.
Respondent: Si Ayson.
Researcher: Si ayos nga po, Victor Ayson.
Respondent: Ang pinahihinalaan ay taga rito.
Researcher: So hanggang ngayon nga po y hindi pa din na reresolba yung kaso.
So kuya any story po about sa makulot na inyo pong na experience nyo?
Respondent: noong una po ako po ay naakyat ay ako po ay nahulog po ako sa
malalin at nag kasugat po ito (ibabaw ng labi) ay hindi na po ako umilit noon.
Noon pong merong nahulog doon hanggang doon lang ako sa kalhatian hindi nap
o ako umakyat, sabi koy hindi na ulit ako aakyat, dahil nung dati ay
nangungumpay kase non pakain sa baka ay duon pa sa may bundok dadayo at nag
aambon ambon non, 5 o’clock ng madaling araw, nang kami ay pababa na, akoy
nadulas nahagulog napatama ang ibabaw ng labi ko sa may puno, mula noon hindi
na ulit ako umakyat doon. Andito pa din yung pilat ko.
Researcher: Ano po yung mga sabi sabi tungkol sa makulot na prosisyon po ng
mga ilaw?
Respondent: Totoo po yung sabi ng mga matatanda nung una pero hindi ko pa po
nakikita. Iyon po ay kumporme din po sa tao, dahil meron silang pinag papakitaan
meron pong hindi. Katulad po ng kahit ngayon, kahit po mga taga rito mismo

23
guide na pinag papakitaan pa, taga rito din po mismo sa amin. Pero hindi naman
po nangangano, huwag lang ninyong sasabihan ng masama. Kayo po ay aakyat
kung meron po kayong Makita na halimbawa ay hindi ordinary sa inyo yung isang
bagay wag nyo nalang pong pupunahin ang sasabihin nalang po ninyo ay
makikiakyat po rito ganon po.
Researcher: Ano pong maiipayo nyo pa po sa mga nag babalak umakyat sa Mt.
Makulot?
Respondent: Iyon nga po kung may makikita po kayong di ordinaryo wag nap o
kayong umimik at sabihin nyo nalang po ay makikiraan nga po ganon lang po.
Huwag po kayong mag sasalita ng masasakit kagaya ng yan lang o kaya ganon,
wag nyo pong mememnusin an gaming bundok dahil iyan po ay may
kababalaghan.
Researcher: Maraming salamat po mang turing.

Respondent 2
Mr. Guiliermo Lunar
Dating Kapitan

Respondent: “Dati inabot naming yung.. kunwari umakyat ka ng Mt. Maculot


gagayahin yung itsura mo tapos kung hindi umimik wag niyong susundan kasi
nang gagaya ng anyo.
Researcher: May mga nangyaring nakasakit po kaya yung mga element dito?
Respondent: “Wala naman.. masyadong naging pinsala pero kasi dito nawala
yung tatay ko ten years ago ”
Respondent: “Lagi kasi siyang nandito, tapos madalas siya sa taas (Maculot)
tapos medyo may katandaan na siya 75 years old siya. Naka ilang beses siyang
nawala, tapos nung huling beses nawala hindi na siya nakita.”
Respondent: “Ah oo kami nag rescue doon kay Victor Ayson.”
Respondent: Bali si victor ayson ay umakyat ng holy week, bali linggo yun ay
sabado de Gloria madaling araw umakyat siya bali doon siya dumaan sa
población syete wala na rin masyadong tao don dahil ng holy week tapos Monday
naman continuous lang naman tapos Sunday nagpapahinga na sila. Ay umakyat
yang si victor ayson ng Sunday ng maagang maaga galling siya ng giting giting
kasi kausap naming ang kanyang girlfriend pati kanyang mga magulang ako kasi
yung natawagan para rumesponde sa kabilang barangay... Bali na trace naming
ang kanyang mga bag tapos yung mga naghahanap may contact naman sakanyang
mga magulang ayun edi kinausap naming para humingi ng authorizasyon para
buksan yung mga bag sa mountaineers store sa población syete tapos eh nireport
naming sa munisipyo tapos kinontak naming yung mga rescue team pati yung mga
taga national disaster coordinate tingkaw atsaka sa office of the civil defense eh
pumarito na sila lahat nagtulong tulong para sa rescue operation pero hindi agad
siya nakita 14 days pa bago siya nakita bali inakyat naming siya dun kami dumaan
sa dagat siguro siyam na oras naming inakyat kasi mahirap akyatin kasi mabato

24
yun. Umakyat kami ng mga 2pm kasama mga military, soco at imbalmer. Bago
hindi naming siya kinaya nung gabi, inakyat ng mga 9 am ng umaga tapos naamoy
namin yung may umaasngaw na mabaho tapos nakita namin yung bangkay ni
victor ayson tapos 14 days bago siya nakita.
Respondent: May posibilidad na siyay napabagsak walang malinaw na findings
pati mga nbi sakatanunayan may naka binbin sa operasyon ni ayson
Respondent: Wala namang nakitang saksak pero nung nakita namin siya iisang
suot nalang yung kanyang sapatos tapos nakasuot pa siya ng relo
niya bagsak na siya agnas na yung katawan niya. Bali kausap niya pa yung
girlfriend niya sa taas usapan nila magkikita pa sila sa baba maabutan pa niya siya
makakapag kita pa sila
Respondent: “Tapos after one year lumabas (yung mga gamit ni victor mga
camera tsaka mga tripad”
Researcher: Doon po sa dating lugar na pinagkakitaan nyo nang mga gamit
dating tinangnan ay wala pa po?
Respondent: “Oo, pinatabasan na namin yun… kasi ano yun eh kasama na namin
mga rescue team.”

Respondent 3
Nanay Rosa
Nagtitinda

Respondent: “Yun ay kuwan eh, nung dati nung wala pang groto yan may
nakikita jang mahal na birhen nakita dun sa baba, kaya yun ang tayo ng grotto eh,
yun ay nung puputok ang bulkan noong 1950…bulkang taal ay puputok ng
malakas, diyan ay may nakitang babaeng nakasuot ng puti nagwagayway ng
panyo. Nakaabot nga ng Calamba ang mga bato riyan, (pero di po natamaan ang
Cuenca?) … Hindi, pero sabi ng matatanda ay yun ang mag-iingat sa bayan ng
Cuenca. Buhat non di na pumutok ang bulkan.
Researcher: So mamaya po bababa na po ulit kayo? Bagos bukas po?
Respondent: “Oo.”
Researcher: Araw araw nyo na po iyong ginagawa?
Respondent: “Oo.”
Researcher: Buti di kayo nag kaka arthritis? Saan po kayo dumadaan? Dito po?
Respondent: “Oo diyan.”
Researcher: Pano po pag may naiwang gamit sa bahay? Babalikan nyo talaga?
Respondent: “Oo.”
Researcher: Bat ayaw nyo po dito mag stay?
Respondent: “Pag mahal na araw nag i-stay kami dito.
Respondent: Yun ay pag dito sa groto may makikita kayong bahay, yun ang
aming bahay.”
Researcher: Ito po? Ano po ito daan dito?

25
Respondent: “Oo pababa, pababa yan.”
Researcher: Dun po sa kabila ay ano… may pattern po dun?
Respondent: “Oo yun ay ano, yun ay matarik. Eh di dadaan ka ng paakyat.”
Researcher: Iba pa po yung Maricar?
Respondent: “Yun na nga.”
Researcher: Bale po may nauna pang lalaking nagbigti bago yung si Maricar?
Respondent: “Oo.”
Researcher: Ay yung nag crash po? Yung chopper na nag crash po? Dito po yun?
Respondent: “Oo dito yun.”
Researcher: Isa ho kayo sa sumaklolo duon?
Respondent: “Oo.”
Researcher: Ay sino ga ho yun?
(mayaman yun eh, si king yun)
Respondent: “Yung piloto.”
Researcher: Patay ho lahat?
Respondent: “Hinde, dalawa yung patay duon eh, yung piloto at yung isang nasa
unahan don.
Researcher: Bale ilan ho silang sakay dun?
Respondent: “Anim.”
Researcher: Pano nyo ho nalamang may nag crash duon?
Respondent: “Tanghali yun eh.”
Researcher: Ilang taon na ho iyon?
Respondent: “Apat na taon na yata. Yun ay…nakain kami eh, oo nung nakaraan
yon. Respondent: Nanonood akong TV may dumaang helicopter.
Researcher: Nasaan po kayo nung time na yon?
Respondent: “Nasa bahay, nanunuod nga kami niyon ng TV, bago dumaan sa
malapit ay pag-kakababa. Parang sira ang tunog. Kita nyo yung may tower duon?
Yung pinakamalapit na tower dito, duon ang aming bahay sa tabi non. Dun lang
umikot yung helicopter. Dun lang dumaan yung helicopter eh, parang ano eh…ay
mausok, yun pala ay sadyang bababa, di laang kita ang ano, kaya ditto dumaan. Sa
likod nyan ang kuwan eh, ang airbase, parang dun sila mag lalanding. Yun ay
mababa na sila nang tumama sa kahoy, ito’y ang mga kahoy ay putol lahat.
Researcher: May mga namatay?
Respondent: “Piloto tsaka yung nasa unahan nya, yung si King.”
Researcher: Ilan ga ho ang laman ng helicopter?
Respondent: “Anim.tsaka yung sina Vic, tsaka yung inaanak ni ano…yung
babaen intsik nan i-rescue ko ay bali ito…dala kong pababa.”

Respondent 4
Denise Maulion, 32
Residente

26
Researcher Kuya ano yung mga Haka- haka dito?
Respondent: Ano .. mga white lady ganon may nagpapakita.. tapos eh pag kayo’y
mga dayuhan , tapos eh kayo’y maingay ayun ginagalaw kayo. Hindi naman
white lady yun.. yun ay ano parang nakikita laang sa likod mo
Researcher: saan po sila dito nagpapakita?
Respondent: “Sa Summit..”
Researcher: Ano po yung ginagawa nila?
Respondent: Siguro nag aano lang din.. sumasama

Respondent 5
Rustom, 27
Residente

Respondent: yun kase ay ano lang naman, yung pag picture ko don sa babae , pag
tingin ko sa camera pugot ang ulo nya .
Respondent: Oo. Tapos nung bumaba kami pumunta kami sa barangay, lahat ng
mga gamit nyang bago mga sapatos, silver, tapos relo, binaon naming sa first
station.
Researcher: Bakit po? Bakit nyo binaon?
Respondent: Eh kase gawa ng pangitain yon eh, pagka hindi mo hinubad lahat,
hindi ka nag palit parang sensyales na yon eh na mamamatay kana.
Researcher: So kuya nasa inyo pa din po yung picture?
Respondent: Wala na, nasa cellphone yon eh, kasama sa binaon doon.
Researcher: kuya kilala nyo po si Victor?
Respondent: Si Victor Ayson.
Researcher: Hindi ko kilala yun eh.
Researcher: Eh si Maricar po?
Respondent: Baka si Mary Chris?
Researcher: Kuya ano pong si Mary Chris?
Respondent: Tumalon yon eh.
Researcher: Suicide po?
Respondent: Oo, broken hearted yon.
Researcher: Taga saan po bayon? Ano pong kwento don bakit sya tumalon?
Respondent: Parang ano lang, nasaktan lang sya, tapos yung mga nakakakita sa
kanya sinusundan lang nya. Andito sya ngayon sa grotto.
Researcher: Uwi nalang po kami.
Respondent: Jan kayo mag tanong pag Nakita nyo. Di naman sya nang aano eh.
Researcher: Sya po?
Responden: Meron ding bata ah..
Researcher: Sino naman pong bata yon?
Respondent: Iyon yung batang kasama ni Mary Chris nung tumalon sya.
Researcher: May kasama po sya? Kasama nya po yung bata nung nag suicide
sya?

27
Respondent: Tapos pag picture ni Rustom kasama si Mary Chris pati yung bata sa
likod nung lalaki, sa likod ni Waydo, yung tour guide sa kabila. Yan diyan ka mag
tanong sa nadating na yan. Basta mag dadasal lang kayo sa bawat Station, bawal
mag kalat jan, kailangan yung mga basura dala nyo pababa.
Researcher: Ano pa po kuya?
Respondent: Yun lang naman
Researcher: Sige po kuya maraming Salamat po.

Respondent 6
Noriel, 23
Tour guide

Researcher: So ano pa pong gusto nyong ishare na hindi pa po nakwekwento


about sa mt. maulot?
Respondent: “wala naman, wala pa ako na ano.”
Researcher: As a tour guide po, diga syempre nag totour kayo ng mga tao?
Nagtatanong po sila madalas ng about sa mt.maculot, about sa mga misteryo
ganun?
Respondent: “Hinde, yung kalimitan lang ay yung mga namamatay, kung may
namatay na…”
Researcher: So sa pagkakaalam nyo po ilan na po ang namatay sa mt. maculot?
Respondent: “Apat.”
Researcher: Sino po yun? Isa-isahin nyo po
Respondent: “Di ko kasi mga kilala yun, kasi ano lang yun samin, dipa talaga
required ang guide nun dati. Mga 90’s pa yun.”
Researcher: Ano po yung latest death ma amo nyo?
Respondent: “Yun lang yung huli, nung 2012, yung kay Victor Aizon…Oo yung
kay maricris, ano naman sya, kaso hindi pa naming yun inabutan talaga kasi di pa
talaga required ang guide non, na required lang ang guide sa maculot gawa nung
kay Aizon nung huli.”
Researcher: Pero usap usapan na po yun?
“Na required na.”
Researcher: Pero yung ano po, yung mga kwento tuwing magmamahala na araw
daw po. Yung meron daw pong naglilibot jan na parang meron may ilaw. Alam
nyo po bay un? Yung parang prusisyon?
Respondent: “Hindi na. Hindi pa rin, kasi tatlong beses na akong nakaakyat ng
solo eh, ako lang mag-isa wala naman akong nakita.”
Researcher: Nakapag stay na po kayo dun overnight?
Respondent: “Karamihan, kasi dun sa kabila…karamihan pag nag
papaguide…Oo tas pinapababa nila kami mag-isa pagka yung kulang sila sa
pagkain.”

28
Respondent 7
Tatay “Gitoy” Armando
Nagtitinda

Researcher: Kaya po naging maculot, dahil kalugkugan? Diga po yung kulog ay


yung sa kidlat?
Respondent: “Oo, pag nakidlat. Kulog muna bago kidlat.”
Researcher: Ay anon po yung connection nung ditto may nakatirang yung nag
aalaga po nung maria maria?
Respondent: “Ahh si mariang makiling, matagal na yun…si juanang ilayag,
juanang ilayag ang tawag ng matatanda nun eh. Parang sya ang ano..”
Respondent: “Hinde yun ay bata nung si ano…walang binyag may kumuha ruon
sa bata bago nung kuhanin ay di na nakita yuon…kaya walang tinawag ng
gay’on.”
Researcher: Gano na po kayo katagal nag bu-business dito?
Respondent: “Mula nung 1980. Mula nung pagkatayo nang grotong iyan.”
Researcher: Bakit dito na po kayo tumira? Hindi po kayo nag maynila po?
Respondent: “Nag maynila rin kami…ayaw ko dun…wala..wala rin…Sabi ko
dito nalang tayo sa atin, kahit papaano kumikita, wala ka pang bayad sa bahay.”

29
Sanggunian

A. Elektroniko

Gallanosa , E.C (2018, November 5). Misteryo sa kabundukan. Retieved 2018,


November 30, fom https://pinasglobal.com/2018/11/kabundukan/.
http://facebook.com/RealGhostStoriesOnline/?_rdc=1&_rdr

http://www.gmanetwork.com/news/publicaffairs/iwitness/310232/ang-
misteryong-mt-maculot-aakyatin-ni-jay-taruc-sa-iwitness/story/

http://www.slideshare.net/mobile/breille21/panitikang-pilipino

30

You might also like