You are on page 1of 4

MAIKLING KUWENTO

Ang Punong Dalakit

ni Castillo, John-John Q.

Ang dalakit ay isang uri ng puno, na malaki at mataas na kung makikita ng mga

tao ay tiyak na mamamangha dahil ito ay mala-enkanto ang dating kaya marami sa

mga tao ay natatakot sa nasabing puno. Ayon sa sabi-sabi ng mga tao ang puno ng

dalakit ay tirahan ng mga masasamang engkanto sa ibabaw ng lupa at ng mga taong

namatay sa kamay ng mga masasamang engkanto. Sa nakalipas na mga taon laganap

ang kuwentong kababalaghan tungkol sa puno ng dalakit.

Ang bayan ng La Del Sur ay may kuwento tungkol sa mga kababalaghan at

masasamang engkanto. May punong dalakit sa mababang paaralan ng La Del Sur

isang araw, bandang hapon si Gng. Cruz, guro sa mababang paaralan ng La Del Sur ay

nagtungo sa likod ng paaralan upang magtapon ng basura nang may makita siyang

higanteng lalaki na nagsisigarilyo, may kahabaan ang buhok sa puno ng dalakit, nagulat

siya at napatili ng malakas. “Ahhhhh sus maria husep diyos ko” sambit Ni Gng. Cruz at

kumaripas na tumakbo patungong silid-aralan na kitang-kita sa mukha ang takot at

pagkabigla.

“Oh bakit ka tumatakbo at sumisigaw? tanong ni G. Diaz

“Maniwala man kayo o hindi, nakakita ako ng lalaking higante sa puno ng

dalakit, nakakatakot ang hitsura” tugon ni Gng. Cruz.


“HAHAHAHA, huwag mo nga kaming biruin at takutin malabo lang mata mo,

kumain ka minsan ng kalabasa” pabiro naman na sinabi ni Gng. Trinidad.

“Hindi ako nagbibiro, nagsasabi ako ng totoo may higante talaga sa puno ng

dalakit” pakumbunsing tugon ni Gng. Cruz. Hindi naniwala ang mga guro sa sinabi ni

Gng. Cruz at binalewala nila ito.

Nasundan ang pangyayaring ito ng may namatay na bata, Si Manuel isang mag-

aaral sa La Del Sur na nasa ika-anim na baitang, na bunsong anak nina Armanda at

Mando simple lamang ang kanilang pamumuhay isang magsasaka si Mando at

labandera naman si Aling Armanda. Bandang tanghali, si Manuel ay naglalaro sa likod

ng paaralan may dala-dalang tirador upang manghuli ng ibon, ng may matamaan

siyang ibon na nakadapo sa puno ng dalakit.

“Yeheyyyyy ang galing ko talaga manghuli ng ibon, may bagong alaga na naman

ako” masayang sambit ni Manuel.

Hindi kaagad namatay ang ibon kaya inalagaan niya ito. Pagkalipas ng mga ilang

araw namatay ang ibon, si Manuel ay nagkalagnat, lagnat na hindi mawala-wala kahit

na anong gamot ang inomin hindi ito nagagamot, kaya napagdesisyonan ng mag-

asawa na magpakonsulta sa albularyo o tambalan, gumaling naman si Manuel

nanumbalik ang lakas ng kaniyang katawan, ngunit bilin ng albularyo na delikado ang

kalagayan ng bata dahil namatay ang ibon, kadalasan may kabayaran ang ito.

“Alam niyo ba na mahirap kalaban ang mga engkanto dahil walang

pagpapatawad, ang mga hayop ay hindi lahat normal na hayop lamang ang iba ay may
nagmamay-ari na hindi natin nakikita, na buhay minsan ang nagiging kabayaran” maka-

takot damdamin na tugon ni Aling Perpekta, isang albularyo sa bayan ng La Del Sur.

Sa kasamaang palad nagkatotoo ang sinabi ni Aling Perpekta, pumanaw ang

batang si Manuel na ikinalungkot naman ng kaniyang mga magulang. Ngunit, ang ibang

mga tao ay hindi naniniwala na ang pagkakahuli niya ng ibon ang naging sanhi, natural

na sakit lamang ang ikinamatay ng bata. Samantala, ang iba naman ay naniniwala na

ang ibon at puno ng dalakit ang dahilan. Labis ang pagluluksa ng mga magulang sa

sinapit ng batang si Manuel, hindi nila matanggap ang kaniyang pagkawala at ilang

buwan na lang sana ay magtatapos na sa elementarya si Manuel kaya masakit sa

damdamamin sa mga magulang ng bata.

Ikinagulat ng mga guro ang nabalitaan tungkol kay Manuel lalo na si Gng. Cruz

na may masamang kutob sa punong dalakit.

“Kawawa naman ang batang iyan, napakatalino at seryuso sa pag-aaral sa

murang edad ay binawian siya ng buhay” ani ni Gng. Cruz.

“Siguro nga'y may kababalaghan sa puno ng dalakit, nakakatakot naman

pumunta roon” tugon ni Gng. Lopez.

“Bakit hindi kaya, putolin ang punong iyan kaysa sa palakihin at payabungin mas

dadami ang mawawalan ng buhay” saad ni Gng. Cruz.

Pagkatapos ng mga pangyayari, napagdesisyonan ng punong guro at mga guro

ng La Del Sur na ipaputol ang puno ng dalakit, habang pinuputol ang puno may dasal

sila na isinagawa para mataboy ang mga masasamang engkanto. Nang naputol na ang
puno natigil ang pagpapakita ng mga kakaibang nilalang at naiwasan ang mga

pangyayaring kababalaghan.

You might also like