You are on page 1of 2

1.

Ang isang epiko ay tumatalakay sa mga kabayanihan at pakikipagtunggali


ng isang karakter at mayroon itong mga tagpuan o mga pangyayaring
makababalaghan.
Sa epikong Bidasari ilan sa mga hindi kapani-paniwalang pangyayari ay
ang pagkakaroon ng ibong Garuda na mapaminsala sa mga pananim at
maging sa buhay ng tao at pagkakaroon ng kuwintas na isda kung kaya’t si
Bidasari ay nakaburol kung araw at muling nabubuhay sa gabi.
Sa Biag ni Lam-ang naman ay mayroong isang sanggol na nagsasalita
agad. Nayanig din ng sigaw ni Lam-ang ang mga kabundukan at kahit siya
pa ay pinaulanan ng sibat ay hindi siya nasugatan. Noong siya ay naligo sa
ilog, namatay ang mga isda sa Ilog Amburayan at nagsiahon ang mga igat
at alimasag sa pampang. siya rin ay nakain ng pating na berkahan,
ipinasisid ang kaniyang mga buto, tinipon at tinakpan ng saya ni Ines,
inikut-ikutan ng mahiwagang tandang at mahiwagang aso, tumilaok ang
tandang at tumahol ang aso. Walang anu-ano'y kumilos ang mga butong
may takip na saya, magbangon si Lam-ang na parang bagong gising sa
mahimbing na pagkakatulog.
2.
3. Mahalagang huwag natin hayaan na lamunin tayo ng inggit o galit sa ating
mga kapwa.

ACTIVITY 2

1. Ang Siete Infantes de Lara ay kasaysayan ng buhay na pinadaanan ng


pitong magkakapatid na kambal na mga anak ng mag-asawang Busto de
Lara at Donya Sandia na sina Diego Gonzales, Martin Gonzales, Luero
Gonzales, Fernan Gonzales, Ruy Gonzales, Nuno Gonzales at Gonzalo
Gonzales. Pinamagatan itong Siete Infantes de Lara dahil ang awit ay
umiikot sa pagtataksil at pagpatay sa pitong mga prinsipe de Lara.
2. Isang patibong ang inihanda para sa magkakapatid sa tulong ng taksil na si
Rubio. Sama-samang nahulog sa balon ang pitong magkakapatid. Ang
Siete Infantes ay nakubkob at walang sinumang nagtanggol sa kanila at
ang magkakapatid ay pinapapatay ng mga kaaway at pinagpupugatan ng
mga ulo.
3. Naglakbay siya upang mahanap ang tanging lunas sa sakit ng hari kahit pa
nabigo na ang kaniyang dalawang kapatid. Sa huli naman ay naging
matagumpay siya sa paghuli ng ibong Adarna.
4. Mahirap man isipin ngunit minsan ang mga taong inaasahan natin na
magiging karamay natin sa mga pagsubok ay sila pa mismo ang
magdadala sa inyo sa kapahamakan

ACTIVITY 3

1. Una ay ang umuwing umiiyak nang walang tigil si Rosa at tinanong siya ng
kanyang mga magulang pero hindi sumagot ang dalaga, kinabukasan ay
hindi na nakita si Rosa at pati na rin sa susunod na mga araw. Ikalawa
naman ay may kakaibang halaman na tumubo sa dapat sanang tagpuan
nina Rosa at Antonio.
2. Ang mensahe ng alamat na ito ay huwag natin paglaruan ang
nararamdaman ng isang tao. Sa halip ay ingatan at pangalagaan natin ito.
3. Ito ay galing sa pangalan ni Rosa sapagkat ang ang pulang kulay nang
bulaklak ay nagsisilbing paalala sa kaniyang mga mapupulang pisngi.

You might also like