You are on page 1of 16

KANDON

G
Ni Reynaldo Duque

SiReynaldo

Duqueay isang
manunulat ng maikling
kwento,tula, nobela, sanaysay,
iskrip sa radyo,
telebisyon,pelikula at komiks.

Isinilang

siya saCandon,Ilocos Sur.


Nakapaglathala ng humigit-kumulang
sa 300 maiikling kuwento.

Isa

siyang premyadong
manunulat na tumanggap ng
gantimpala mula sa Palanca
Memorial Awards for
Literature.

Sumakabilang

buhay dahil sa
kidney failure sa idad na 67.

=>
Umiikot ang kuwentong ito sa
pagkakaugnay ng buhay ng mga
pangunahing tauhang si Angel
dela Cruz at si Kandong.
Walang nakakaalam kung saan
nanggaling si Kandong, at naging
isang palaboy ito sa mga kalye
ng San Juan.

Sa mabuting palad, kinupkop


siya ng isang pari at naging
katulong siya ng simbahan.
Inatasan siya sa pag-aalaga sa
harding katabi ng simbahan, at
dito nagsimula ang ugnayan
niya sa makasariling batang
nangangalang Angel.

Mayroong katangiang post-kolonyal


ang kuwentong ito.
Lumilitaw ito sa pagtatalo sa
pagitan ng dayuhang kapitalista at
ng mga mamamayan ng bayan ng
San Juan. Labag man sa kalooban
ng mga mamayanan, pinayagan pa
rin ng gobyerno na magtayo ang
mga dayuhang kapitalista ng isang
plantang nuklear.

Naipapakita ng desisyon
na ito na mas
pinahahalagahan ng
gobyerno ang oportunidad
na kumita ng pera kaysa
sa peligrong maaring
mangyari sa mga taong
nakatira sa lugar na iyon.

Dahil dito, nagising ang palabang


damdamin ng mga mamamayanan,
lalong-lalo na ng mga estudyante,
at nagpasya ang mga ito na
gumawa ng demonstrasyon laban
sa pagpapatayo ng delikadong
planta.
Dahil sa malinaw na pagtanggi sa
karapatan ng bayan, at sa
marubdob na pagtutol ng mga
mamayanan.

Nagkakaroon rin ng usapan tungkol


sa halaga ng pag-aaral sa buhay ng
isang tao.
Hindi nakapag-aral si Kandong kaya
hanggang kampanero nalang ang
naabot nito. Umasenso naman ang
apat na magkakaibigan dahil sa
kanilang pag-aaral sa siyudad.
Nakakapagtaka rin kung paano
napadpad si Kandong sa San Juan.

Salungat sa kanyang pagkatao


bilang isang sintu-sinto, siya ang
nakakaalam kung ano ang tama at
kung ano ang mali.
Hindi niya kinokomplika kung ano
ang dapat gawin dahil simpleng
lohika lamang ang gumagabay sa
kanyang mga desisyon.

Pinatunayan nito nang pagalitan niya


ang mga bata, at lalo itong pinatibay
nang isinunog ni Kandong ang
kanyang sarili upang pigilan ang
sagupaan sa pagitan ng pulis at ng
mga estudyante.
Iba naman ang pananaw ni Angel at
ng kanyang mga kaibigan. Ang sarili
nilang kapakanan ang inuuna nila,
kahit alam nilang mali ang kanilang
ginawa.

Makikita rin na may kabalintunaan sa


pangalan na Angel, ang pangalang
ibinibigay sa mga alagad ng Diyos.
Kabalintunaan ang pagbigay ng na ito
sa pangunahing karater dahil nadidiin
ang kabalintunaan sa kanyang
katauhan.
Normal man ang kanyang pag-iisip, lagi
nalang siya nabubulag sa katotohanan,
at mas pinipili niya kung ano ang gusto
niya. Malinaw na malinaw na hindi
mala-anghel ang ugali ni Angel.

Sa ganitong perspektibo, maari nating


sabihin na kumakatawan si Angel dela
Cruz sa bagong henerasyon ng mga
Filipino, na pilit hindi nakikinig sa
katotohanang kailangang
pakinggan ng lahat.

Maari rin nating sabihin na si Kandong


ang kumakatawan sa katotohanan
na itinatakwil ng karamihan.
Pinapakita ng huling eksena na sa
kabila ng lahat, kailangan pa rin
harapin ang katotohanan at tanggapin
ito, kahit tila wala ka nang magagawa
upang itama ang nakaraang nasayang
sa pagbingi-bingihan. Naisisiwalat ng
paggawa ng rebolto sa imahen ni
Kandong na dapat respetuhin ang
katotohan.

Kung maaalala ninyo, ginawa ang


reboltong ito para sa patron ng
San Juan na si San Juan de
Sahagun. Isang santo si San Juan
de Sahagun na kinainis ng taong
bayan dahil sa pagtutol nito sa
kanilang mga makasariling
gawain, ngunit hindi nila masaktan
ito lalo nang hangang-hanga ang
lahat sa kanyang angking
kabaitan.

Maihahambing natin ang kuwento


ni San Juan de Sahagun sa buhay
ni Kandong. Itinutukso at nilalait
ng lahat ng mga bata sa bayan ng
San Juan si Kandong, kahit alam
nilang mali ang kanilang
ginagawa. Sa huli, si Kandong pa
rin ang tutulong sa sagupaan,
kahit kailangang isakripisyo ang
sariling kapakanan.

You might also like