You are on page 1of 12

“ Ang araw-araw na

pamumuhay ni
Amerah”

Kuwento ni Gng. Mary JoyPaligutan


Guhit ni: Bb. Jamila Alih
Sinalin sa wika nina: Bb. Jasmin Tengkal
Bb. Farhanah Macacna
Bb. Cherry C. Ogayco
PAUNANG SALITA
 
Ang aklat na ito ay nakalaan para
sa mga batang mag- aaral.
Inaasahan ng may akda, na ito ay
makakatulong sa pagkatuto ng
mga bata at upang malinang ang
kanilang kawilihan sa pagbasa.
Sa mga guro, ang paggabay at
paghikayat sa mga bata na
mapukaw ang kanilang interes sa
pagbasa at upang maisabuhay ang
aral na matututunan sa kanilang
nabasa ay inaasahan din ng may
akda.

May akda
Araw-araw pagkagising ko ay dalangin sa Panginoon na
sana bumalik na sa normal ang lahat. Kung saan ako ay
malayang makakapag laro sa labas ng aming bahay at
pagkatapos maglaro ay mag-aaral at gagawa ng mga
gawaing bahay. Ngunit, nagbago ang lahat dahil sa
kumakalat na virus na nagiging sanhi ng pagkakasakit ng
tao.
Gustong gusto ko na pumasok sa paaralan at makasama ang aking
mga kaklase. Hindi ako nakakalabas ng bahay upang makapag
libang tulad noon. Malaya kong nagagawa ang aking gusto kasama
ang aking mga kaibigan. Tulad ng paglalaro at pamamasyal malapit
sa parke ng Maharlika.
“Amerah anak, manatili ka muna rito sa loob ng bahay
upang hindi ka mahawaan ng sakit. Huwag mong
susuwayin ang aming mga utos at pangaral sayo. Lalabas
lang ng ating bahay kung kinakailangan tulad ng bibili ng
pagkain at papasok sa trabaho.”, paalala ni Nanay bago
sila lumabas ni Tatay ng bahay.
Pagkatapos ko mag-aral ay gumagawa ako ng mga
gawaing bahay naghuhugas, nagwawalis at tumutulong
kay ate magtiklop ng mga damit. Marami akong natutunan
sa mga gawaing bahay at sinusunod ko rin ang mga utos
nila Nanay at Tatay.
“Amerah, maghugas ka lagi ng kamay bago kumain.”,
paalala ni Nanay bago kami magsimula kumain.
“Tuwing pagkatapos gumamit ng palikuran ay siguradihin
din na maghuhugas ka ng kamay. Panatilihin mong malinis
ang iyong katawan upang hindi ka magkakasakit at hindi
makapitan ng anumang mikrobyo. Maari kang kumanta
upang magawa mo ang tamang pag huhugas ng kamay.”
Pagkatapos naming kumain ng aking Pamilya at
magligpit ng mga pinagkainan aakyat na ako sa
aking silid.
Bago matulog ako ay nagdarasal at humihiling sa Panginoon
na sana ay gabayan niya lagi ang aking mga Magulang na
umaalis at nagtatrabaho. Sana rin matapos na at masugpo
na ang virus na nakakahawa at wala ng magkakasakit pa.
Marami akong natutunan sa panahon ng pandemyang ating
kinakaharap. Ang pagpapahalaga sa mga pangaral ng aking mga
magulang at pagtulong sa aking nakatatandang kapatid. Higit sa
lahat ang mga gawaing bahay na kailangan ko matutunan sa araw-
araw. Kahit na hindi ako makakapasok sa paaralan at makasama
ang aking mga kaklase at kaibigan, natutunan ko mag aral ng
mabuti kahit nasa bahay lang at kasama ang aking pamilya.
Patuloy ko pa rin na ipanagdarasal sa Panginoon ang gabayan
kami araw-araw.
Wakas
Gintong aral:
Maging masunurin at
mahalin mo ang
iyong magulang

You might also like