You are on page 1of 1

BANGON NA !

Hoy Bangon na!


Hanga't mainit pa ang almusal
Tumayo kana!
Baka mahuli ka sa skwela

Yan ang pang araw araw na salita ng aking Ina


na kuminsan ako ay naiirita na
Madagdagan pa ng mga kakatakot na katanungan
sa aking pag-uwi galing ng paaralan

Saan ka ng galing gabi na?


Alam mo bang hinahanap ka ng iyong ama?
Sino ba yung iyong kasama?
Alam mo ba na kami'y nag aalala na?

Pagdating din sa payo sa buhay ako'y di ako makakatakas


Kumain ka ng madami para katawan mo'y malakas
Mag aral ng mabuti para utak mo ay matalas
Wag sayangin ang iyong pera at wag mo itong iwaladas

Hay buhay kailan pa to mahihinto


kunti nlng mawawalan na ako ng pasensya at galang
ito’y mga salitang simple lamang
pero nag papakulo ng aking dugo

Ano tingin nila saken bata paren


na parang kahapon lng natutong magbasa at mag isa kumain
Sa isip ko parang wala na akong tamang nagawa
Gusto ko na umalis sa tahanan at mabuhay ng mapayapa

Ngayong ako'y kolehiyo na


mga pangarap ko'y natupad
at akoy lumipad
papunta sa malayong unibersidad

Dito magagawa ko lahat ng aking gusto


Walang umaabang sa pinto sa pag uwi ko
Walang nagagalit kung late na ako
At walang magtataka kung saan napunta ang aking pera

Kaso sa huli parang may kulang


Masayang mag-isa
Pero mas masaya kung merong kang magulang
Meron kang masusumbungan at mapagsabihan kung ikaw ay may problema

Pagtapos ng aking huling skwela agad akong umuwi


Inaabot ang mga medalya at diploma
Sabay sabi na miss ko kayo aking ina
Patawad sa aking mga masasakit na mga salita

Lumipas ang mga panahon ako’y pamilyado na


Gagawin ko rin ang lahat para sa kanila
“Mahal gising na at ihanda ang bulaklak at kandila
Maaga pa dapat tayo sa puntod ni Ina”

Gisingin ko lang ang ating mga anak


Mga anak kayo’y tumayo na
Aba tulog pa sila
Hoy Bangon na

You might also like