You are on page 1of 2

KADENA

(Maikling Kwento)

" bakla, bakla, bakla" sigawan ng mga bully na mga estudyante.

" Malas sa mundo" hirit naman ng isa.

habang sa isang sulok ay nakayuko at umiiyak ang isang estranghero na batid kong sya ay myembro ng
lgbtq.

Ako si Fem Aie Lopez, 18. Dati akong nag aaral sa isang prestihiyosong paaralan sa Maynila
ngunit sa kadahilanang nalugi ang itinayong negosyo ng tatay ko na isang babuyan dahil tinamaan ito ng
sakit na ASF kung saan milyon din ang halaga ng nawala kaya pinili kong umawi dito sa probinsya at dito
na din mag-aaral para makatulong pambawas sa gastusin.

"Fem, kumain ka na "

" opo, tita"

Si tita Freen ay kapatid ng tatay ko. Sya ay isang babaeng pastor. Wala pa syang asawa at wala pa syang
anak kaya gusto nyang sa kanya ako tumira para meron din syang nakakasama.

" ay! sya nga pala tita, wag nyo na po akong samahan, may sketch na po ako papuntang paaralan"

" O, sige ikaw ang bahala, malapit lang din naman school mo dito."

FMA College, dito ako lumipat dahil ito ang pinakamalapit na paaralan mula sa aming tinutuluyan. Sa
unang araw ko palang sa paaralan ay bumungad na sa akin ang pambubully ng mga estudyante sa isang
estuyante din na myembro ng lgbt.

( buntong hininga) talagang ganito ba ang mundo? Kasalanan bang maging parte sa ikatlong kasarian?
Dahil ba iba ang kasarian sa karamihan ay hindi na karapat dapat igalang? Bulong ko sa sarili ko.

Nalungkot ako sa tagpong iyon, mas lalong namuo ang takot na nararamdaman ko.

Ringggggggggggggg.. ringggg. Ringgg....

“Paalam na klas” sambit ng guro.

“ Paalam na po mam” tugon naman ng mga mag-aaral.


Pag-uwi ko sa bahay at nakita ko si tita Freen mas lalo akong nalungkot.

“ Mano po, tita” at pagkatapos ay pumasok na ako sa kwarto. Humiga ako sa kama ko at sa di ko
namamalayan ay nag-uunahan na pala ang mga luha ko. Para akong isang ibon na nakakulong sa isang
rehas at nag-aasam ng kalayaang lumipad. Bata palang ako alam kong iba na ang gender identity ko, bata
palang ako babae na ang mas gusto ko... Hindi ako tomboy, dahil bakla ako. Hindi ko magawang ipaalam
ito kahit kanino. Bitbit bitbit ko ito sa loob loob ko, nakakalungkot at nakakatakot dahil para itong
kadenang nakapulupot sa leeg ko at habang tumatagal ay unti-unting sumasakal sa buo kong pagkatao.

“Matatanggap kaya ako ng tita Freen ko at ng pamilya ko kapag inamin ko sa kanilang bakla ako?”

Lalong nag-unahan ang mga luha ko nung pumasok sa isip ko ang mga katanungan iyon. Maya-maya ay
pinunasan ko na ang mga luha ko inayos at hinanda ko ang sarili ko at lumabas na ako ng kwarto. Sa
paglabas ko ay nakita ko si tita sa sala nakaupo at humihigop ng kape kaya nilapitan ko sya at naisipan
kong magtanong...

“ Ta, tanong lang, ang pagiging isang bakla, tomboy o ang pagiging isang myembro ng lgbtq+ po ba ay
isang kamalian o maituturing na kasalanan? ”

“ Babae at lalaki lang ang ginawa ng Diyos. Ikaw ano sa tingin mo?

Napanganga ako sa tugon ni tita Freen at may namumuong luha sa mga mata ko, sakto din na may
dumating si tita na bisita kaya dali-dali ay nagpaalam ako sa kanya at pumasok uli ako sa kwarto. Hindi ko
mapigilang maiyak muli dahil sa narinig ko. Simula noon nagdesisyon ako na hindi ko ito-tolerate ang
kabaklaan ko at pipigilan ko ito hanggat kaya ko dahil natatakot ako na baka hindi ako matanggap ng
pamilya ko at husgahan ako ng tao. Hindi ko din alam kong mapapatawad ba ako ng Diyos o huhusgahan
nya ako dahil sa kasarian ko. Isa lang naman sana ang hiling ko ang maging malaya at maging tunay na
ako pero kung maituturing na kasalanan Ito ay pipilitin ko ng magbago.

WAKAS........

You might also like