You are on page 1of 2

Bea: Isang mapagpalang umaga para sa lahat kami ang ikaapat na grupo upang ipakita sainyo ang isang

salita na mayroong maraming nilalaman na KALAYAAN

Bea:Isang araw may isang masayang pamilya kung saan ang isang anak na wala pang isang taon matapos
ang kanyang kaarawan sa edad na disiotso ay nakitaan ng kanyang magulang na bumili at gumagamit ng
pinagbabawal na gamot

Miarah: tatay pahingi ako 1000 may bibilhin lang kami sa school project ito

Axl: Kalaki naman ng 1000 pero sige eto basta siguraduhin mo na gagamitin mo ito para sa school mo

Miarah: Yuh Yuh sige

(Lalayas si miarah) (Pupunta si axl kay myka)

Axl: Bunso pwede ba ay titignan tignan mo ang kapatid mo at baka kung ano ang gawin niya sa pera
nayan

(Lalapit ka kay fidel MIARAH)

Miarah: huyhuy good item bai to

Fidel: Yes it is a gooditem

(aanuhin mo yung drugs)

Fidel: Sarap noh sakin ka ulit bibili ha

Miarah: yesh sige ba pareh

Myka:Hala anong gooditem bumibili ba siya ng drugs kailangan ito agad malaman ni tatay

Myka: Tatay Nakita ko po si ate tinatanong dun sa lalaki kung gooditem ba ito di ko masyado
naintindihan pero dun niya binigay yung 1000 na binigay mo saknya

Axl: anong gooditem ok malalaman din natin ang tutuo niyang ginagawa

Miarah: (nagmamadaling tumatakbo)

Axl: Miarah halika nga saglit

Axl: akin na yung bag mo (NAKITA MAY SHABU)

Axl: Sabihin mo sakin kung ano to

Myka: ano yan

Miarah: Tawas lang yan wala yan pare

Myka: tinawag mong pare si daddy nakashabu ka noh ay alam ko na kung ano yan drugs yan drugs

Miarah: Oo na drugs yan alam niyo ba yung dahilan kung bakit ako bumibili ng ganyan dahil hindi ako
masaya hindi niyo nabibigay yung kasiyahan na hinahanap ko at sa shabu ko lang siya nakukuha
Myka: Anong sa shabu mo lang nakukuha andito naman ako na kapatid mo andito naman ang daddy
para makausap mo at maibigay naming yung hinahanap mong kasiyahan masaya ka naman diba sa
pamilya natin pero noong naabot mo ang edad na disiotso nagiba ka na. hindi mo na ako kinakausap
hindi mo na ako kinakalaro at hindi mo narin ako tinuturing kung andito ba ako

Miarah: Kadami mong nalalaman kaliit liit mong bata kadami mong sinasabi tumahimik ka nalang

Axl: Kalaki ng pinagbago mo hindi ko alam kung sisisihin ko ba ang sarili ko dahil ako ang nagpalaki sayo
nagtratrabaho ang nanay mo sa abroad para lang magkaroon tayo ng makakain paano na pagnalaman
niya ito. wala kang kahihiyan. Wala kang awa binuhay kita sa mundong ito para ikaw ang bubuhay sa
amin pagtanda mo pero ano ganyan ginagawa mo. wala kang pangarap. Kalaki pa naman ng tiwala ko
sayo kaya kita pinalaya ng ganyan at napakalaki rin ng tiwala ko na magiging doctor ka balang araw pero
ano ayan pagshashabu sinisira mo ang buhay mo

Miarah: sawang sawa na ako sa buhay ko una sa lahat ayoko maging doctor ikaw lang ang pumipilit sa
akin upang gawin ang kurso na iyan ikalawa ay hindi ko naman ginusto na mabuhay dito sa mundo pls
lang tama na tsaka ano ba pake niyo kung nagshashabu ako matanda na ako disiotso na ako diba sa
edad na to pinapalaya na dapat ako ng magulang ko at ako na ang bahala sa buhay ko

Myka: ate tinuro samin ng guro ko na sa Kalayaan kahit ikaw ay matanda o lumagpas na sa edad na
Malaya ay gagawin mo na ang gusto mo dahil andyan parin ang pamilya mo ako at ang mga magulang
natin na handing gumabay sa pupuntahan. Oo pinapalaya ka pero sa paraan na Malaya kang gawin ang
gusto mo pero iisipin mo muna kung tama ba ito

Axl: tama ang sinasabi ng kapatid mo disiotso ka man ngayon o matanda ka na ngayon pero ako parin
ang magulang mo sana tigilan mo na yang pagshashabu mo at ayusin mo naman ang buhay mo.

Princess: Sa buhay masasabi natin na Malaya tayo kapag hinayaan na tayo ng magulang natin na gawin
ang ating gusto pero sana ay isipin muna natin kung tama ba ang ginagawa natin sa buhay at kung hindi
naman tayo sigurado ay andyan parin ang mga magulang upang matanungan kung tama ng aba ang
gagawin mo

Benjamin: Ang malaya nangangahulugang ang pagkakaroon ng kalayaan na gawin ang mga bagay na
gusto mong gawin at mga bagay na makakapagpasaya at makakapagpabuo ng ating pagkatao pero
siyempre iisipin mo muna kung hindi tayo makakatapak ng tao o hindi masisira ang tiwala na binigay ng
magulang upang maging Malaya tayo.

Bea: Sana po ay may natutunan tayo sa aming inihandang presentasyon at nalaman ang tunay na
kahulugan ng salitang KALAYAAN maraming salamat po sa panonood.

You might also like