You are on page 1of 1

ANG MATALINONG SI MARLON

Si Marlon ay isang matalinong bata. Nag-aaral siya ng Mabuti sa isang paaralang malapit lamang
sa kanilang bahay. Gustong-gusto niyang pumasok at mag-aral sa paaralan. Ayaw niyang lumiban sa klase
kahit isang araw lang. Naniniwala kasi siya na marami siyang matututuhan kapag palagi siyang nasa
paaralan. Masaya siya sa tuwing umuuwi na ay bago siyang natutuhan sa kanyang pag-aaral.

Isang araw habang siya ay naglalakad papasok sa kanilang paaralan ay may Nakita siyang isang
matandang babae na patawid sa kalsada. Hirap na hirap itong maglaka sapagkat marami siyang gamit na
dala-dala. Naisip agad ni Marlon na tulungan ang matanda subalit nagdadalawang-isip siya dahil maaari
siyang mahuli sa klase kung tutulungan niya ang matandang babae.

“Naku, ano kaya ang gagawin?” tanong ni Marlon sa kaniyang sarili.

Habang siya ay nag-iisip at nakatingin sa matanda, Nakita niyang nahulog ang ibang gamit na dala-
dala ng matandang babae. Agad siyang tumakbo palapit sa matanda at pinulot niya ang mga nalaglag na
gamit nito.

“Lola, nalaglag po ang inyong ibang gamit. Eto po,” ang sabi ni Marlon sabay abot sa kanyang
pinulot sa matanda.

“Naku apo Salamat at pinulot mo itong mga ito at ibinigay sa akin. Napakaimportante kasi ng lahat
ng mga gamit na dala kaya alinman sa mga ito ang mawala ay malulungkot ako ng sobra,” pasasalamat ng
matandang babae.

“Lola, saan po ba kayo pupunta. Tutulungan ko na lang po kayo sa pagdadala ng mga gamit ninyo
para di po kayo gaanong mahirapan,” ang sabi ni Marlon.

“Apo, pakiwari ko ay papasok ka sa iyong klase kung kaya’t huwag mon a lang akong tulungan at
baka ka pa mahuli. Salamat sa iyong malasakit at kabutuhang loob,” ang sagot ng matanda.

“Huwag po kayong mag-alala, ako na po ang bahalang magpaliwanag sa aking guro bakit ako
nahuli sa klase nya. Ang mahalaga po ay ligtas kayong makarating sa inyong pupuntahan,”
pangungumbinsi ni Marlon.

“Apo, ikaw ang bahala. Ngayon pa lang ay lubos na ang aking pasasalamat sa iyong pagiging
mabait, matulungin at malasakit,” pamumuri ng matanda kay Marlon.

Kinuha ni Marlon ang ibang gamit ng matandang babae at inalalayan pa ito sa paglalakad
hanggang sa makarating sila sa kabilang kalsada ng maayos at ligtas. Dito na rin sumakay ng jip ang
matanda papunta sa lugar na kanyang pupuntahan. Muli itong nagpasalamat kay Marlon.

Masayang-masaya si Marlon sapagkat siya ay nakatulong sa matandang babae. Naisip niyang


maging matulungin at mapagmalasakit sa kanyang kapwa sa lahat ng oras sapagkat para sa kanya, ito ang
tunay na sukatan ng talion ng isang tao.

Note: Magconcentrate ka sa adjective na meron si Marlon na nagsisimula sa letter M.

You might also like