You are on page 1of 5

PAMPINID NA PALATUNTUNAN

Buwan ng Pagbasa 2023

Isang mapagpalang umaga sa ating lahat! Atin na namang


narating ang araw na pinakahihintay. Ang Pagdiriwang sa Buwan
ng Pagbasa na may temang “PAGBASA: PAG-ASA NG
MATATAG NA KINABUKASAN.”

Kung kaya’t halina’t samahan ninyo ako sa ating Pampinid


na Palatuntunan.

PANALANGIN AT PAMBANSANG AWIT

At Upang pormal na buksan ang programa sa umagang ito,


inaanyayahan ang madla na tumayo para sa isang panalangin na
susundan ng makabayang awitin at Himno ng Pasay.

PAMBUNGAD NA PANANALITA
Mga kaibigan, alam kong sabik na sabik na kayong saksihan
at malaman kung sino ng aba ang mga nagwagi sa mga nagpakita
ng kanilang natatanging talentong ipinamalas ng ating mga mag-
aaral, subalit sabik na sabik na rin si Gng. Margielyn D. Surte,
Tagapayo ng Filipino Club upang ipaabot ang kanyang
pambungad na pananalita.

Maraming Salamat Gng. Surte, para sa makapukaw damdamin


na mensahe na iyong ibinahagi.

talaga namang hindi nagpahuli ang ating mga mag-aaral na


ilabas ang kanilang husay at galing sa paglahok sa iba’t ibang
patimpalak. Kaya naman bigyan natin ng masigabong palakpakan
ang ang lahat ng naririto ngayon sa ating palatuntunan.

PAGPAPARANGAL SA MGA NAGWAGI


Bago natin pormal na ianunsyo ang mga nagwagi sa mga
patimpalak ay tinatawagan natin sa harapan ang napakasipag na
Puno ng Kagawaran ng Filipino, Gng. Vivian S. Demavivas, at
ang Punong abala para sa pagsasaayos ng pagdiriwang ng ating
Buwan ng Pagbasa, Gng. Margielyn D. Suerte, ang tagapayo ng
Filipino Club, upang iabot ang sertipiko ng mga nagwagi.
Para sa mga nagwagi sa patimpalak ng:
BOOK CHARACTER COSTUME:
Mula sa ika-7,8,9,10 Baitang ang nagkamit ng ikatlong puwesto,
ikalawang puwesto, ay si ____ mula sa pangkat ____
At ang nagkamit ng unang gantimpala ay walang iba kundi si …
mula naman sa pangkat ____ !
POSTER-SLOGAN:
Mula sa ika-8 Baitang ang nagkamit ng ikatlong puwesto,
ikalawang puwesto, ay si ____ mula sa pangkat ____
At ang nagkamit ng unang gantimpala ay walang iba kundi si …
mula naman sa pangkat ____ !
BOOK FAIR:
Mula sa ika-9 Baitang ang nagkamit ng ikatlong puwesto,
ikalawang puwesto, ay si ____ mula sa pangkat ____
At ang nagkamit ng unang gantimpala ay walang iba kundi si …
mula naman sa pangkat ____ !
PAMPASIGLANG BILANG
Tunay ngang ang mga mag-aaral ay biniyayaan ng
napakaraming talento, kung kaya’t bago natin ipagpatuloy ang
paggawad ng sertipiko sa mga nagwagi ating salubungin ng
masigabong palakpakan ang mga mag-aaral mula sa Senior High
School sa kanilang ipamamalas na husay at galing para sa
inihanda nilang pampasiglang bilang. Ang Band Aide!

Maraming Salamat Band Aide! Tunay ngang ang mga mag-aaral


ng Pasay City National High School ay napakahuhusay sa
anumang larangan.

At sa pagpapatuloy ng paggawad natin ng karangalan sa mga


nagsipagwagi, muli inaanyayahan po namin sa harapan si Gng.
Demavivas.

Para sa mga nagwagi sa patimpalak ng:


SABAYANG PAGBASA:
Mula sa ika-7, Baitang ang nagkamit ng ikatlong puwesto,
ikalawang puwesto, ay mula sa pangkat ____
At ang nagkamit ng unang gantimpala ay walang iba kundi …
mula sa pangkat ____ !
MASINING NA PAGKUKWENTO:
Ang nagkamit ng ikatlong puwesto, ikalawang puwesto, ay si
____ mula sa pangkat ____
Ang nagkamit ng unang PUWESTO ay walang iba kundi si …
mula sa pangkat ____ !
AT ang ating Kampeyon mula sa ika-8 baitang pangkat Baron,
TALUMPATING WALANG PAGHAHANDA:
Ang nagkamit ng ikatlong puwesto, ikalawang puwesto, ay si
____ mula sa pangkat ____
Ang nagkamit ng unang PUWESTO ay walang iba kundi si …
mula sa pangkat ____ !
AT ang ating Kampeyon mula sa ika-10 baitang pangkat ONYX,

PAMPINID NA PANANALITA
Ang ating programa ay nalalapit nang masarhan subalit
nawa’y ang mga aral at karanasan sa programang ito ay
mananatili sa tana ng inyong buhay.
Upang pormal na sarhan ang ating programa, aking
tinatawagan si Gng. Vivian S. Demavivas para sa kanyang
pampinid na pananalita.
Binabati naming ang lahat ng mga nagtaguyod sa “
KULMINASYON NG BUWAN NG PAGBASA 2023, ngayong
taon. Ang pagpapahalaga natin sa pagbasa ay hindi lamang dapat
ipinapakita at ginagawa sa loob ng ating paaralan.
Ipagpatuloy natin ang ating pagmamahal at pagpapahalaga sa
pagbabasa sa ating pang araw araw na buhay,maging sa loob man
at labas ng ating tahanan.
At dito natatapos ang ating programa. Muli, Ako si Gng. Lorena
N. Balao ang inyong tagapagdaloy ng palatuntunan, at lagi nating
tatandaan “May pag-asa ang batang marunong bumasa!”
Pagpalain po tayong lahat! Magandang Umaga!

You might also like