You are on page 1of 4

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon IX
Tangway ng Zamboanga
Dibisyon ng Dapitan
MATAAS NA PAARALAN NG POTUNGAN
Taunang Paaralan: 2022-2023

BUWAN NG WIKA 2023

NORMELLETE D. DAGPIN AT IVAN ROY G. RABE


Tagapagdaloy ng Palatuntunan

N. Tumayo po tayong lahat at ating awitin ang Pambansang Awit ng Pilipinas, at manatiling
nakatayo para sa awit panalangin sa pamamagitan ng audio biswal presentation.

-PAMBANSANG AWIT-

N & I: Isang mapagpalang hapon sa ating lahat!

I: “Ang hindi magmahal sa sariling wika ay higit sa hayop at malansang isda: kaya ating
pagyamaning kusa, gaya ng inang sa atin ay nagpala”. Ito ay tanyag na katagang nagmula sa
ating pambansang bayani na si Gat. Jose Rizal na nagbigay kahalagahan sa wika sa buhay ng
isang tao.

N: Tama. Ang wika ng isang bansa ay masasabing siyang kaluluwa na nagbibigay buhay dito. Ito
ang nagsisilbing tulay na nagdurugtong sa mga komunidad na naninirahan sa isang bansa. Sa
pamamagitan ng wika, nagkakaunawaan at nagkakaisa ang bawat tao. Hindi natin lubos maisip
kung walang wika, paano tayo mag-uusap.

I: Higit sa lahat, nagsisilbi ito bilang ating pagkakakilanlan. Dahil dito ay nakikita ang iba’t ibang
impluwensya sa bansa na siyang nakapagpabago at humulma sa pagkatao ng mga
mamamayan.

N. Kaya ngayong umaga ating muling saksihan ang isang palatuntunan ng ating paaralan bilang
paggunita ng Buwan ng Wikang Pambansa na may temang:

I & N. Filipino at mga Katutubong Wika: Wika ng Kapayapaan, Seguridad, at Inklusibong


Pagpapatupad ng Katarungang Panlipunan.
PAMBUNGAD NA MENSAHE

I. Para magbigay ng pambungad na pananalita, tawagin natin si Maam Maricel B. Jarapan,


Filipino Coordinator para sa pambungad na pananalita.

Tiyak na mangingibabaw ang mga palakpakan at hiyawan sa susunod na bahagi ng ating


palatuntunan, narito ang mga piling mag-aaral sa para sa Intermission Number.

N. Sa puntong ito, tinatawag ko po ang ating butihing punongguro, ang panibagong ama ng
PNHS na si Ginoong Jofrey Malana, salubungin po natin sya sa isang masigarbong palakpakan.

I. Maraming salamat sir, sa puntong ito ating kilalanin ang ating mga Lupong Inampalan .
Tinatawag po natin si maam Sharen B. Gahuman upang ipakilala silang lahat.

N. Ang masining na pagkukuwento ay isang pagpapahayag ng maririkit na kaisipan sa


maririkit na pananalita. Ngayon ating tunghayan ang masining na pagkukuwento na itatanghal
ng mga estudyante sa bawat baitang mula ika-7 hanggang ika-12. Ito po ang krayterya sa
pagmamarka

(*babasahin ang pagmamarka)


(students will be called base by their numbering)

I. Ang katutubong awit o kantahing bayan ay mga awit ng mga Pilipinong ninuno at hanggang
ngayon ay kinakanta at inaawit pa rin. Halimbawa ng mga ito ay Leron,Leron, Sinta, Bahay
Kubo at Paruparong Bukid. Sa puntong ito ay tunghayan po natin ang paligsahan para sa
katutubong awit. Narito ang krayterya .

(*babasahin ang pagmamarka)


(students will be called base by their numbering)

N. Tiyak na mangingibabaw ang mga palakpakan at hiyawan sa susunod na bahagi ng ating


palatuntunan, narito ang mga piling mag-aaral sa para sa Intermission Number.

N. Para sa ikaalam ng lahat, noong lunes at martes nagkaroon ng mga paligsahan sa pagsulat
ng Tula, sanaysay, poster at islogan na ginanap sa iba’t-ibang baitang. Nagkaroon nang
consolidation at napili ang mga mag-aaral na nagpakita ng kanilang angking galing sa pagbuo
ng tula, sanaysay at ang sining ng poster at islogan. At ngayon ating tinatawag ang ating
punongguro, sir Jofrey Malana para igawad ang sertipiko at medalya ng mga nagsipanalo sa
mga paligsahan.

-TULA
-SANAYSAY
-ISLOGAN
-POSTER
-MASINING NA PAGKUKUWENTO
-PAG-AWIT
I. Palakpakan po natin muli ang kabataang nagsipaglahok at ang mga nanalo, tama nga si Dr.
Jose Rizal na ang Kabataan ang siyang pag-asa ng ating bayan. Para sa Pangwakas na
Pananalita, tinatawag ko po si maam Michelle U. Suan – Guro sa Filipino.

N. Binabati naming ang lahat ng mga guro na nagtaguyod sa “KULMINASYON NG BUWAN NG


WIKA 2023, ngayong taon.

I. Tandaan na ang pagpapahalaga natin sa ating wika ay dapat hindi lamang ipinapakita sa loob
ng ating paaralan.

N. Ipagpatuloy natin ang ating pagmamahala’t paggamit ng nito sa ating pang araw araw na
buhay, at loob at labas ng ating tahanan. Tangkilikin ang sariling atin dahil sino pa baa ng
magmamahal sa ating wika, kundi tayo rin. Dito nagwawakas ang ating paminid na
palatuntunan para sa Buwan ng Wika.

I; Ako po ay si Ivan Roy Rabe

N. At ako na man po si Normie Dagpin

I&N: Mabuhay ang Wikang Filipino! Magandang hapon sa lahat!

You might also like