You are on page 1of 2

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
REHIYON IV-A CALABARZON
SANGAY NG LUNGSOD NG LIPA
INTEGRADONG PAMBANSANG PAARALANG SEKUNDARYA NG INOSLOBAN-MARAWOY
MARAWOY, LUNGSOD NG LIPA

Wikang Filipino: Bigkis ng Magkakalayong Pulo

Para saan nga ba ang Wikang Filipino? Ano ang maitutulong nito sa pagpapanatili ng
kaayusan, pagkakaisa at magandang samahan ng iba’t ibang lugar dito sa ating bansa?
Mga katanungang dapat nabibigyang-pansin lalo na ngayong nasa modernong panahon na
tayo at talaga namang laganap na ang pagtangkilik ng mga wikang banyaga.
Ang Wikang Filipino ang batayan ng ating pagkakakilanlan. Ito ay mahalaga at
kinakailangan sa pakikipagkomunikasyon, pakikipag-ugnayan at pakikipagtalastasan.
Madalas nating marinig at mabasa na ang Wikang Filipino ang bigkis ng pagkakaisa.
Kasabihang luma na, ngunit di natin maitatanggi na ito ay totoo. Marami na ang naging patunay o
pagpapatotoo nito.
Subukan natin magbalik-tanaw sa nakaraan kung saan ang ating bansa ay nasakop noon
ng mga Espanyol? Ang ating mga bayani kabilang sina Dr. Jose Rizal, Graciano Lopez-Jaena,
Marcelo H. Del Pilar at marami pang iba ay kumatha ng iba’t ibang akda na nasusulat sa wikang
Filipino. Mga akdang nagpapahayag ng masidhing damdamin laban sa mga Espanyol, sa kanilang
pang-aabuso at panggigipit sa mga Pilipino. Ang pagkakalimbag ng mga pahayagan o dyaryong
tagalog tulad ng La Solidaridad, Dyaryong Tagalog at iba ang nagpamulat sa ating mga
kababayan hinggil sa mga panggigipit ng mga Espanyol sa ating mga ninuno. Loob at labas man
ng bansa ay naabot ng mga babasahing ito na siyang naging tulay upang magkaroon ng iisang
damdamin at layunin na mabigyan ng kasarinlan ang ating bansa.
Sa kasalukuyan at modernong panahon na kung saan laganap na ang paggamit ng
teknolohiya kaalinsabay ang pagtangkilik ng mga Pilipino sa iba’t ibang dayuhang wika higit lalo
ang mga kabataan, may silbi pa ba ang kasabihan na ang Wikang Filipino ay daan sa pagkakaisa
at pagbibigkis ng mga Pilipino? Ang Wikang Filipino pa rin ba ang siyang daan upang mapanatili
ang pagkakaisa at pag-uunawaan ng mga mamamayan maging ito man ay magkakalayong pulo?
Hindi lingid sa kaalaman ng lahat ang mabilis na pag-unlad ng teknolohiya tulad halimbawa
ng paggamit ng telepono, kompyuter, hanguang elektroniko at iba pang mga kagamitang pang
komunikasyon. Ang isang magandang dulot nito ay ang mabilis na paghahatid ng mensahe saan
man sulok ng daigdig. Gamit ang ating sariling wika at mga makabagong teknolohiya, mabilis na
magkakaunawaan ang mga Pilipino. Mabilis ang pagpapalitan ng mensahe. Isang magandang
dulot ng pag-unlad ng teknolohiya.
Mahalagang isapuso natin ang kahalagahan ng paggamit at pagtangkilik ng wikang sariling
atin sapagkat ito ang pinakamainam at pinakamabisang paraan ng pagkakaisa, pagtutulungan at
pagkakabigkis-bigkis ng bawat mamamayang Pilipino.

Address: Marawoy, Lungsod ng Lipa


Email Address: inoslobanmarawoynationalhs@gmail.com
Republika ng Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon
REHIYON IV-A CALABARZON
SANGAY NG LUNGSOD NG LIPA
INTEGRADONG PAMBANSANG PAARALANG SEKUNDARYA NG INOSLOBAN-MARAWOY
MARAWOY, LUNGSOD NG LIPA

Inihanda ni:

BABYLYN R. DALISAY
Guro I
Inosloban-Marawoy Integrated National High School

Address: Marawoy, Lungsod ng Lipa


Email Address: inoslobanmarawoynationalhs@gmail.com

You might also like