You are on page 1of 5

LEARNING MODULE FILIPINO 11

Peter St. Zone III, Socorro, Oriental Mindoro Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang
Pilipino

PANGALAN:

GRADE&SECTION:

PANALANGIN BAGO MAG-ARAL: PAMANTAYANG


PANGNILALAMAN:
Time Frame: 8ang
Nauunawaan hours sa class
mga schedule
MELCS:
konsepto, elementong kultural,
Panginoon, tunay na pinagmulan ng liwanag at karunungan,  Naipapaliwanag nang pasalita ang iba’t ibang dahilan, anyo, at pamaraan
kasaysayan,ngatpaggamit
gamit ng
ngwika
wika
pagkalooban mo kami ng matalas na pang-unawa, ng kakayahang sa iba’t ibang sitwasyon
sa lipunang Pilipino. ng mga tekstong nagpapakita ng mga kalagayang pangwika sa
 Nakasusulat
magsaulo ng mga aralin at unawain ang mga ito ng wasto at tama.
kulturang Pilipino
Pagkalooban mo kami ng biyayang maging maayos ang aming mga
KASANAYAN SA PAGKATUTO
paliwanag at ng kakayahang ipahayag ang aming sarili nang lubos at Sa pagtatapos ng aralin ang mga mag-aaral ay inaasahang:
maliwanag. Samahan mo po kami sa simula ng aming pag-aaral,  naipaliliwanag ang kahulugan ng kakayahang pragmatiko at kakayahang diskorsal
gabayan mo ang pag-unlad nito hanggang sa ito ay matapos.  natutukoy ang kahulugan ng sinasabi, di-sinasabi, at ikinikilos ng taong kausap,
 nauunawaan ang kagawiang pangkomunikasyon ng mga Pilipino;
 naisaaalang-alang ang epekto ng tono, diin, intonasyon, hinto, muwestra, at iba pa
sa pakikipagtalastasan at sa pakikipag-kapwa,
Sa ngalan ni Jesus. Amen
 nakasusulat ng isang reaksyong papel tungkol sa mabuting paggamit ng social
media, at
 nakasusulat ng isang sanaysay batay sa mga premis na nakalahad, at
nakapagbabahagi ng sariling ideya bilang pagpapahalaga sa sariling kultura,
paniniwala at pakikipag-kapwa tao

PANIMULA
Makapangyarihan ang wika at may angking natatanging kapangyarihan
ang estudyanteng nakaaalam kung paano gamitin ang wika upang matamo ang
kaniyang layuning pangkomunikasyon. Kaya’t alamin ang iba’t ibang kakayahan
sa paggamit ng wika- soyolingguwistiko, pragmatiko, lingguwistiko at diskorsal.
MODULE ARALIN 3&4:
2 KAKAYAHANG PRAGMATIKO at Pagtuklas
KAKAYAHANG DISKORSAL Simulan natin ang modyul na ito sa pagtukoy ng mga
nalalaman mo.
PAMANTAYANG PAGGANAP:
Nakagagawa ng isang sanaysay
Page | 1 MDOCS Service Excellence Respect Virtue Empathy Vivire servire est. (To live is to serve.)
batay sa isang panayam tungkol sa
Inihanda ni: Bb: SHAINE MAIKO G. MARIGOCIO, LPT Contact Number: 09488123083
aspektong kultural o lingguwistiko
ng napiling komunidad.
LEARNING MODULE FILIPINO 11
Peter St. Zone III, Socorro, Oriental Mindoro Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang
Pilipino

ARALIN 3: KAKAYAHANG PRAGMATIKO dito, inaasahan din sa kanya ang kakayahang unawain ang kanyang mga kausap
batay sa kanilang mga sinasabi, o di-sinasabi na may lubos na pagsasaalang-alang
Subukin Mo! sa konteksto ng komunikasyon.
Kakayahang Pragmatiko: Pahiwatig at Pag-unawa Ayon kina Lightbown at Spada (2006), ang pragmatiko ay tumutukoy sa
sa mga Salita at Kilos pag-aaral sa paggamit ng wika sa isang partikular na konteksto upang magpahayag
sa paraang diretsahan o may paggalang.
 Naranasan mo na bang magtampo sa iyong kaibigan? Paano mo ito
ipinabatid sa kaniya? Sa pamamagitan ba ng tahasang pagsasabi o sa Speech Act
iyong mga aksiyon lamang? Para sa pilosopo sa wika na si J. L. Austin (1962; sipi kay Ho 2001), ang
____________________________________________________________ pakikipag-usap ay hindi lamang paggamit ng mga salita upang maglarawan ng isang
____________________________________________________________ karanasan kundi “paggawa ng mga bagay gamit ang mga salita” o speech act.
____________________________________________________________ Halimbawa nito ay pakikiusap, pagtanggi, pagpapaumanhin, pangangako, at
____________________________________________________________ iba pa.
 Nakakasakay ka ba sa mga biruan? Paano mo nalalamang biro lamang ang Tatlong Sangkap ng Speech Act
sinabi ng iyong kausap?
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________

LECTURE 1 (4HOURS)

Ano ang Kakayahang Pragmatiko? Samantala, tinawag ni Austin (sa Clark 2007) ang berbal na komunikasyon bilang
speech act at tinukoy niyang sa bawat speech act, may tatlong magkakaibang akto
Isa pang mahalagang kakayahang dapat taglayin ng isang na nagaganap nang sabay-sabay. Ang mga ito ay tinawag niyang locutionary act,
indibiduwal para sa mabisang komunikasyon ay ang kakayahang pragmatiko. perlocutionary act, at illocutionary act. Sa pagpapaliwanag ni Yule (1996) sa kanyang
Tumutukoy ang kakayahang ito sa abilidad niyang ipabatid ang kanyang mensahe aklat na Pragmatics, inilahad niya na:
nang may sensibilidad sa kontekstong sosyo-kultural at gayon din sa abilidad niyang 1. Ang locutionary act ay ang batayang akto ng pahayag o ang paggawa ng isang
makabuluhan na linggwistikong pahayag.
mabigyang-kahulugan ang mga mensaheng nagmumula sa iba pang kasangkot sa
2. Ang illocutionary act ay tumutukoy sa intensyon at gamit ng pahayag. Ang
komunikatibong sitwasyon (Fraser, 2010). Mahihinuhang kaakibat ng pagkatuto sa paggawa ng mga linggwistikong pahayag ay hindi lamang ginawa nang walang
pragmatika ang pag-aaral ng kahulugang ibinabahagi ng pinagmulan ng mensahe, dahilan. May nasasaisip na tiyak na paggagamitan sa mga ito.
ng kahulugang batay sa konteksto ng mensahe, ng mas epektibong pagpapabatid 3. Ang perlocutionary act naman ay tumutukoy sa epekto ng mismong pahayag.
liban sa paggamit ng mga salita, at ng nosyon ng agwat o distansya (Yule, 1996 &
2003). Inaasahan, kung gayon, na ang isang indibiduwal na may kakayahang Interlanguage Pragmatics
pragmatiko ay mabisang naihahayag ang kanyang mga mensahe sa pinakamainam
na paraan, hindi-lamang sa paggamit ng salita kundi ng iba pang estratehiya. Liban
Page | 2 MDOCS Service Excellence Respect Virtue Empathy Vivire servire est. (To live is to serve.)
Inihanda ni: Bb: SHAINE MAIKO G. MARIGOCIO, LPT Contact Number: 09488123083
LEARNING MODULE FILIPINO 11
Peter St. Zone III, Socorro, Oriental Mindoro Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang
Pilipino

Ito ay ang pag-aaral sa kung paano ang mga hindi taal na tagapagsalita ng sa harap ng estudyante o maaari ring isang karaniwang pag-uusap sa pagitan ng
partikular na wika at nagsisimulang matuto nito ay umuunlad ang kakayahan sa dalawang magkaibigan.
pagpapahayag ng kanilang intensiyon sa pamamagitan ng iba’t ibang speech act. 7. Chronemics- Ito ay pag-aaral na tumutukoy kung paanong ang oras ay
nakaaapekto sa komunikasyon. Ang paggamit ng oras ay maaaring kaakibat ng
Ang Dalawang uri ng Komunikasyon: mensaheng nais iparating. Ang pagtawag sa telepono sa disoras ng gabi ay
BERBAL at DI- BERBAL maaaring mangahulugan ng pag-iistorbo o maaaring emergency ito.
Ang berbal na komunikasyon ay ang uri ng komunikasyong gumagamit ng
salita sa anyong pasalita at/o pasulat man. GAWAIN 1
Samantala, ayon sa mga pag-aaral, lubhang napakalaki ng elementong di-
berbal sa pakikipag-usap sa mga taong napapaloob sa sariling kultura. A. Tukuyin kung anong anyo ng di-berbal na komunikasyon ang
ipinahihiwatig ng sumusunod. Isulat ang sagot sa nakalaang
Iba’t Ibang Pag-aaral sa mga Anyo ng Di- Verbal na Komunikasyon patlang bago ang numero.

1. Kinesika (Kinesics)- Pag-aaral sa kilos at galaw ng katawan. Hindi man tayo ___________1. paghimas ng ina sa ulo ng sanggo.
nagsasalita, sa pamamagitan ng pagkilos ay maipararating natin ang mensaheng ___________ 2. hindi pagtugon sa ipinadalang text message
nais ipahatid. Halimbawa, kapag ang isang tao ay idinikit nang patayo ang kanyang ___________ 3. galaw ng kamay ng guro habang nagpapaliwanag ng aralin.
hintuturong daliri sa kanyang labi, alam nating ang ibig sabihin ay kailangang ___________ 4. pasigaw na pananalita.
tumahimik. Kadalasan ginagamit din natin ang mga kumpas. ____________5. pagtabi sa kaibigan.
2. Ekspresyon ng mukha (Pictics)- Ito ang pag-aaral sa ekspresyon ng mukha upang ____________6. pagtingin sa pulubi mula ulo hanggang paa.
maunawaan ang mensahe ng tagahatid. Kadalasan, nagpapakita ito ng emosyon ____________7. naghihingalong tinig.
kahit hindi ito sinasabi. Sa ekspresyon ng mukha ay mahihinuha natin ang ____________8. pagpisil sa mukha ng kapatid.
nararamdaman ng isang tao, kung ito ay masaya, makungkot, galit, o natatakot. ____________9. pag-iwas sa mga nag-iinuman
Kapag ang isang tao ay umiiyak, ibig sabihin ay malungkot siya. ____________10. pagtungo sa madilim na sulok ng silid
3. Galaw ng mata (Oculesics)- Ito ay pag-aaral ng galaw ng mata. Sinasabing ang
mata ang durungawan ng ating kaluluwa, nangungusap ito. Ipinababatid ng ating B. Pagsusuri sa speech act. Manood ng isang pelikulang Pilipino na itatakda ng guro.
mata ang mga damdaming nararamdaman 10 natin kahit hindi natin sinasabi. Ang Mula sa pelikula, pumili ng limang linya o pahayag at suriin ito ayon sa mga sangkap
panlilisik ng ating mata ay nangangahulugang galit tayo. ng speech act. Gawing gabay ang talaan sa ibaba.
4. Vocalics- Ito ay pag-aaral ng mga di- lingguwistikong tunog na may kaugnayan sa
pagsasalita. Kasama rito ang pagsutsot, pagbuntonghininga, at iba pang di- Linya/Pahayag Nagpapahayag Speech Act
lingguwistikong paraan upang maipahatid ang mensahe. Tinutukoy rin nito ang tono, na Karakter
lakas, bilis, o bagal ng pananalitang nagbibigay- linaw sa verbal na komunikasyon. 5. Illocutionary Locution Perlocution
Pandama o Paghawak (Haptics)- Ito ay pag-aaral sa mga paghawak o pandama na force
naghahatid ng mensahe. Isang anyo rin ito ng di- verbal na komunikasyon. Ang 1
pagtapik sa balikat, paghablot, pagkamay, o pagpisil, ay mga paraan upang
mapabatid ang isang mensahe. 2
6. Proksemika (Proxemics)- Ito ay pag-aaral ng komunikatibong gamit ng espasyo, 3
isang katawagang binuo ng antropologong si Edward T. Hall (1963). Maaaring ang
kalahok sa komunikasyon ay nasa pampublikong lugar tulad ng isang nagtatalumpati 4

Page | 3 MDOCS Service Excellence Respect Virtue Empathy Vivire servire est. (To live is to serve.)
Inihanda ni: Bb: SHAINE MAIKO G. MARIGOCIO, LPT Contact Number: 09488123083
LEARNING MODULE FILIPINO 11
Peter St. Zone III, Socorro, Oriental Mindoro Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang
Pilipino

5 ARALIN 4: KAKAYAHANG DISKORSAL

LECTURE 2 (4HOURS)
KARAGDAGANG GAWAIN
Ano ang Kakayahang Diskorsal?
MAIKLING GAWAIN! -Tumutuon hindi sa interpretasyon ng mga indibidwal na
Pagsulat ng sanaysay. Pumili ng isa (1) sa mga premis sa ibaba pangungusap kundi koneksiyon ng magkakasunod na pangungusap tungo sa isang
at sumulat ng sanysay batay sa napiling premis. makabuluhang kabuuan (Savignon,2007)
1. “Ang kahulugan ng sinasabi ng tao ay hindi lamang nakabatay sa mga salitang - Pagtiyak sa kahulugang ipinahahayag ng mga teksto o sitwasyon ayon sa
kaniyang binibigkas kundi nasa kung paano niya ito binigkas. Nagreresulta sa konsteksto
pagkakaroon ng iba’t ibang kahulugan o interpretasyon ang binitawang salita dahil sa - Saklaw nito ang pagkakaugnay ng serye ng mga salita o pangungusap na
paraan ng pagbibitaw ng salita.” bumubuo ng isang makabuluhang teksto.
2. “Ang kahulugan ng sinasabi ng tao- berbal man o di- berbal- ay nakaayon sa Dalawang bagay na isinasaalang-alang
kulturang kaniyang kinabibilangan. 1. Cohesion o pagkakaisa
2. Coherence o pagkakaugnay-ugnay
3. “Ang kahulugan ng sinasabi ng tao ay nabubuo sa pamamagitan ng pakikipag Halimbawa: Ang kaugnayan ay tumutukoy sa kung napagdidikit ang kahulugan ng
negosasyon o pakikipagtalaban ng kahulugan sa kausap.”
mga pangungusap o pahayag sa paraang pasalita o pasulat.
Tasahin ang gawain batay sa Pamantayang nasa ibaba.
A: Sobrang kalat naman dito!
Pamantayan Deskripsyon Puntos
B: Huhugasan ko na lang ang mga plato.
Organisasyon  Malinaw at naipaliliwanag ang 10
Mapapansin sa senaryo na walang pang-ugnay na gramatikal o leksikal ang
tinutukoy ng premis
mga pahayag. Gayunpaman, ang palitan ng pahayag ay may kaugnayan dahil
 Lohikal ang pagkakasunod-sunod ng
naunawaan ni B ang pagkadismaya ni A at mula rito ay tumugon nang nararapat.
mga ideya.
Tumutukoy ang kaisahan sa kung paano napagdidikit ang dalawang ideya sa
Estilo  Sapat ang mga patunay at detalyeng 10 lingguwistikong paraan. Ang isang taong nagpapahayag nang may kaisahan at
magkaugnay ay masasabing may kakayahang diskorsal.
ginamit
 Maayos at mabisa ang paggamit ng
Anim na Pamantayan sa Pagtataya ng Kakayahang Pangkomunikatibo
wika
Ang kakayahang komunikatibo ay sinusukat nang sama-sama at hindi isa-
Anyo  Angkop ang pormat na ginamit 5
isa. Hindi maaaring sabihing ikaw ay may kakayahang pragmatic ngunit walang
kakayahang sosyolingguwistiko o kaya naman may kakayahang diskorsal pero
 Wasto ang pagkakasulat ng
walang kakayahang lingguwistiko. Dapat tandaan na ang isang taong may
pangungusap
kakayahan sa wika ay dapat magtaglay hindi lang ng kaalaman tungkol dito kundi ng
Kabuuan 25 kahusayan, kasanayan, at galing sa paggamit ng wikang angkop sa mga sitwasyong
pangkomunikatibo (Bagari, et. al. 2007).

Page | 4 MDOCS Service Excellence Respect Virtue Empathy Vivire servire est. (To live is to serve.)
Inihanda ni: Bb: SHAINE MAIKO G. MARIGOCIO, LPT Contact Number: 09488123083
LEARNING MODULE FILIPINO 11
Peter St. Zone III, Socorro, Oriental Mindoro Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang
Pilipino

Anim na pamantayan ayon kina Canary at Cody (2000): habang ang Kakayahang sosyolinggwistik, ang pag-unawa batay sa pagtukoy sa
1. Pakikibagay (Adaptability) sino, paano, kalian, saan, at bakit nangyari ang sitwasyong komunikatibo. Sa
Kakayahang mabago ang pag-uugali at layunin upang maisakatuparan ang aralin 3 naman ay nalaman mo ang mga anyo ng di-verbal na komunikasyon:
pakikipag-ugnayan. Makikita ang kakayahang ito sa sumusunod: ang Kinesika, ekspresyon ng mukha (Pictics), galaw ng mata (Oculesics),
a. pagsali sa iba’t ibang interaksiyong sosyal Vocalics, pandama (Haptics), Proxemics, at Chronemics. Nalaman mo rin ang
pangatlo at pang-apat na kakayahan ang kakayahang Pragmatik: pagtukoy sa
b. pagpapakita ng pagiging kalmado sa pakikisalamuha sa iba c.
kahulugan ng sitwasyong sinasabi, di-sinasabi, ikinikilos ng taong kausap;
kakayahang ipakita ang kaalaman sa pamamagitan ng wika d. kakayahang
kakayahang diskorsal: pagtiyak sa kahuluganng ipinapahayag ngmga teksto/
magpatawa habang nakikisalamuha sa iba sitwasyon ayon sa konteksto. Sadyang maraming dapat isaalang- alang upang
2. Paglahok sa Pag-uusap (Conversational Involvement) Kakayahan ng makamit ng isang tao ang kakahayang pangkomunikatibo o masasabi nating
isang taong gamitin ang kaalaman tungkol sa anumang paksa sa pakikisalamuha sa maging isang mabuting komunikeytor.
iba. Makikita ito kung taglay ang sumusunod: KARAGDAGANG GAWAIN
a. kakayahang tumugon
b. kakayahang makaramdam kung ano ang tingin sa kanya ng ibang tao MAIKLING GAWAIN!
c. kakayahang makinig at mag-pokus sa kausap
3. Pamamahala sa Pag-uusap (Conversational Management) Pagsulat ng reaksyong papel. Basahin ang artikulong “Status
Kakayahan ng isang taong pamahalaan ang pag-uusap, nakokontrol nito ang daloy Update: Social Media at Mapanghimasok na Eksperemento ng
ng usapan at kung paanong ang mga paksa ay nagpapatuloy at naiiba.
Facebook sa ating News Feeds” na isinulat ni Rick Bahague para sa Bulatlat .com
4. Pagkapukaw-damdamin (Empathy)
Pagpapakita ng kakayahang mailagay ang damdamin sa katauhan ng ibang tao at gawin ang mga sumusunod. Lumikha ng isang reaksyong papel tungkol sa binasang
pag-iisip ng posibleng mangyari o maranasan kung ikaw ay nasa kalagayan ng isang artikulo. (SUNDAN ANG LINK SA IBABA, O HUMINGI NG KOPYA NG SOFT COPY SA
tao o samahan. GURO https://www.bulatlat.com/2014/07/09/status-update-social-media-at-
5. Bisa (Effectiveness) mapanghimasok-na-eksperimento-ng-facebook-sa-ating-news-feeds/ )
Kakayahang mag-isip kung ang kanyang pakikipag-usap ay epektibo at nauunawan.
6. Kaangkupan (Appropriateness) ______________________________________________________________
Kakayahan ng isang taong maiangkop ang wika sa sitwasyon, sa lugar ng ______________________________________________________________
pinagyayarihan ng pag-uusap, o sa taong kausap. ______________________________________________________________
______________________________________________________________
TANDAAN! ______________________________________________________________
Sa pagtuturo at pagkatuto ng wika, hindi sapat na matutuhan lang ang ______________________________________________________________
mga tuntuning panggramatika. Ang pangunahing layunin sa pagtuturo ng wika
ay magamit ito nang wasto sa mga angkop na sitwasyon upang maging maayos
ang komunikasyon, maipahatid ang tamang mensahe, at magkaunawaan nang
lubos ang dalawang taong nag-uusap. Kapag umabot na rito, masasabing ang
taong ito ay nagtataglay ng kakayahang pagkomunikatibo o communicative
competence.
Nalaman mong ang Kakayahang Lingguwistiko/Istruktural/
Gramatikal ay pag-unawa at paggamit sa kasanayan sa ponolohiya,
morpolohiya, sintaks, semantika, gayundin ang mga tuntuning pangortograpiya

Page | 5 MDOCS Service Excellence Respect Virtue Empathy Vivire servire est. (To live is to serve.)
Inihanda ni: Bb: SHAINE MAIKO G. MARIGOCIO, LPT Contact Number: 09488123083

You might also like