You are on page 1of 20

Republic of the Philippines

Department of Education
Region V
Division of Sorsogon
JUBAN NATIONAL HIGH SCHOOL
Cogon, Juban Sorsogon

FILIPINO 9
Kwarter 2

BELINDA D. BERMEJO
Guro sa Filipino
GAWAING PAMPAGKATUTO #1
Kwarter 1- FILIPINO 9

Pangalan: _____________________ Baitang/Seksyon: __________________

I.Kasanayang Pampagkatuto at Koda

MELC: Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

1. Nakasusuri sa pagkakaiba at pagkakatulad ng haiku at tanka sa estilo,paksa at sukat ng


mga ito.
2. Naipaliliwanag ang kahulugan at mensahe ng mga tula.
3. Nakapagpapahalaga sa kultura ng bansang Hapon na masasalamin sa panitikan nito.

II.Panimula (Susing Konsepto)


TANKA AT HAIKU NG JAPAN
Kapag binanggit ang bansang Japan ay di-maaaring hindi mabanggit ang sakura o
cherry blossoms. Ang bulaklak na ito na may iba-ibang kulay ay dinarayo ng mga turista lalo
na sa panahon ng tagsibol.
Ang makukulay na kimono ay tradisyunal na kasuotan ng mga Hapones. Ang sumo
wrestling ay isang uri naman ng palakasan sa bansang ito. At sino naman kayang kabataan
lalo na sa mga milenyal ang hindi nakaaalam ng anime? Isang istilo ito ng kartun ng Japan na
may nakakaaliw na mga karakter at kuwento. Kung pagkain naman ang pag-uusapan, ang
sushi ay isa sa mga sikat na pagkain sa Japan na ngayon ay kinahihiligan na ring kainin ng
mga Pinoy.
Malaki ang naging ambag ng Tsina at iba pang kalapit na bansa sa Silangang Asya sa
kultura ng Japan noong unang panahon. Sa ngayon,ang Japan ay isa sa nangungunang bansa
sa mundo dahil sa kanilang maunlad na ekonomiya at teknolohiya.
Sa kasalukuyan, ang pagiging modernisado ng kanilang kultura ay impluwensya naman
ng kulturang kanluranin mula sa Europa at Hilagang Amerika. Laganap ang impluwensiya ng
Japan sa mundo dahil sa kulturang popular nito kabilang na ang pelikula, telebisyon, anime,
manga komiks at iba pa.
Sa larangan naman ng panitikan ang haiku at tanka ng Japan ay maiikling tula na
lumaganap bilang isang paraan ng ekspresyon. Masasalamin din sa mga tulang ito ang
natatanging kultura ng bansa.
Narito ang ilang halimbawa ng haiku at tanka . Bigkasin nang wasto ang mga tula.

Haiku ni Fukuda Kodojin


Isinalin ni AMTolentino

Pulang talangka
Nagtago sa buhangin
Kristal na tubig
Haiku ni Basho
Isinalin ni AMTolentino

Hampas ng hangin
Napadpad ang paruparo
sa kakahuyan

Pansinin na ang dalawang haiku ay mabisang nailalarawan ang kalikasan sa


pamamagitan ng paglikha ng maliwanag na imahe sa ating isipan. Ang panahon ng tagsibol,
tag-init, taglagas at taglamig ay paborito ring paksa ng haiku. Binubuo ng 17 pantig ang haiku
na nahahati sa tatlong taludtod.

Tanka ni Hiroko Seki


Isinalin ni AMTolentino

Gibang kastilyo
Himig ng nagtatambol
Umalingawngaw
Sa sayaw ni Komachi
buwan man ay nangiti

Hindi maitagong galak naman ang nais iparating sa tanka ni Seki na masining niyang
nailarawan sa pamamagitan ng personipikasyon tulad ng sa linyang”‘buwan man ay nangiti.”
May kabuuang 31 pantig naman ang tanka na nahahati sa limang taludtod.

Tanka ni Prinsesa Nukada


Isinalin sa Filipino M.O. Jocson

Naghintay ako, oo
Nanabik ako sa ‘yo
Pikit-mata nga ako
Gulo sa dampi
Nitong taglagas

Paborito ring paksa sa tanka at haiku ang masisidhing damdamin tulad ng pag-ibig, pag-
iisa at kalungkutan tulad ng tanka ni Nukada. Para sa manunulat ng tanka at haiku, naipipinta
nila ang buhay sa pamamagitan ng makukulay at maririkit na berso na pupukaw sa
imahinasyon.

III.MGA GAWAING PAMPAGKATUTO

Pagsasanay 1
Panuto: Lagyan ng tsek kung tama at ekis X kung mali ang sumusunod na pahayag:
_______1. Unang sumibol ang haiku at tanka sa bansang Tsina.
_______2. Ang haiku at tanka ay maiikling tula.
_______3. Ang haiku ay binubuo ng 17 pantig na nahahati sa tatlong taludtod.

_______4. Samantala, ang tanka naman ay may sukat na 31 pantig na nahahati sa limang
taludtod.
_______5. Limitado lamang sa mga nakikita sa kapaligiran at kalikasan ang paksa ng haiku
at tanka.

Pagsasanay 2:

PANUTO: Sagutin ang mga katanungan batay sa mga impormasyong binasa mo.

1.Masasalamin ba sa haiku at tanka ang kultura ng Hapon?


_________________________________________________________________________
2. Batay sa mga halimbawa ng tanka at haiku, ano-anong paksa ang madalas gamitin sa
pagsulat nito?
_________________________________________________________________________
3. Isa-isahin naman ang damdaming inilalarawan sa mga maiikling tulang ito?
_________________________________________________________________________
4. Ilan ang kabuuang bilang ng pantig sa haiku at tanka?
_________________________________________________________________________
5. Paano hinahati ang mga pantig sa haiku at tanka?
_________________________________________________________________________

Pagsasanay 3 : Ipaliwanag Mo!

PANUTO: Ipaliwanag ang nais ipahiwatig ng mga linya sa tulang iyong binasa.
1. kaluluwa’y nagalak _________________________________________
2. pikit-mata ________________________________________________
3. wakas ng paglalakbay_______________________________________
4. ulilang damo ______________________________________________
5. dampi ng taglagas__________________________________________

IV. PAGTATAYA
PANUTO: Lagyan ng emojing nakangiti 😊kung ang sumusunod na layunin ay iyong
nakamit, emojing malungkot 😩kung hindi naman nakamit.
___1. Nababatid ko ang ilang mahahalagang impormasyon tungkol sa Japan .
___2. Nagkaroon ako ng kaalaman sa pagkakatulad at pagkakaiba ng haiku at tanka.
___3. Naiisa-isa ko ang mga paksa na maaaring gamitin sa pagsulat ng haiku at tanka.
___4. Naipaliliwanag ko ang mensaheng nakapaloob sa haiku at tanka.
___5. Nagkaroon ako ng kabatiran sa tiyak na sukat at anyo ng isang haiku at tanka.
___6. Nabibigyan ko ng kahulugan ang mga piling salitang ginamit sa tula.
___7. Nalalaman ko ang impluwensiya ng Japan sa daigdig dahil sa kulturang popular nito.
___8. Kaya kong tukuyin ang damdaming inilalarawan sa tula.
___9. Kaya kong tukuyin ang kulturang nakapaloob sa isang haiku o tanka.
___10. Handa na ako sa mas malawak pang pagtalakay tungkol sa haiku at tanka.
V. SANGGUNIAN:

Cariňo, Lajarca , Peralta, et.al, Panitikang Asyano.Sunshine Interlinks Publishing House, Inc., 2014 website

Examples of Tanka Poetry”, Your Dictionary,com,Love To Know,Copyright 2020 https://bit.ly/2ZzrJgW Naakses noong Hulyo 13,2020

VI. SUSI SA PAGWAWASTO


Pagsasanay 1: 1.X 2. √ 3. √ 4. √ 5.X

Pagsasanay 2:

1.Oo, masasalamin sa haiku at tanka ang kultura ng Japan tulad ng mga halimbawang ipinakita na nagtatampok sa kalikasan,karanasan,
paniniwala at iba pa.
2.Madalas gamiting paksa sa haiku at tanka ang kalikasan, pag-iisa at pag-ibig.
3.Inilalarawan ang masisidhing damdamin tulad ng kalungkutan, galak, pag-asa, pag-ibig at iba pa.
4.Ang haiku ay may 17 pantig, nahahati sa tatlong taludtod.
5.Ang tanka ay may 31 pantig na nahahati sa limang taludtod

Pagsasanay 3:

1.Naliligayahan 2.Napilitang tanggapin 3.Natapos na ang pagsubok sa buhay 4.Nag-iisa na lamang


5.Pagpapalit o paglipas ng panahon

GAWAING PAMPAGKATUTO #2
Kwarter 1- FILIPINO 9

Pangalan: _____________________ Baitang/Seksyon: __________________

I.Kasanayang Pampagkatuto at Koda

MELC: Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang: Nagagamit ang ponemang
suprasegmental na diin, tono at antala/hinto sa pagbigkas ng tanka at haiku.

A. Nakababatid sa ponemang suprasegmental na diin, tono at antala/hinto.


B. Nakapagsasanay sa paggamit ng wastong diin, tono at antala/hinto sa pagpapahayag ng
kaisipan.
C. Nakabubuo ng sariling kathang tanka at haiku batay sa napiling paksa.

II.Panimula (Susing Konsepto)

PONEMANG SUPRASEGMENTAL
Ang ponema ay mula sa salitang Griyego na phoneme. Ito ay tumutukoy sa
makahulugang tunog. Sa paggamit ng suprasegmental, malinaw na naipahahayag ang
damdamin, saloobin, at kaisipang nais ipahayag ng nagsasalita. Sa pakikipagtalastasan,
matutukoy natin ang kahulugan, layunin o intensyon ng pahayag o ng nagsasalita sa
pamamagitan ng diin, tono o intonasyon, at antala o hinto sa pagbigkas at pagsasalita.

1.Diin- Ang lakas, bigat, o bahagyang pagtaas ng tinig sa pagbigkas ng isang pantig sa salita.
Ang diin ay isang ponema sapagkat sa mga salitang may iisang tunog o baybay, ang
pagbabago ng diin ay nakapagpapabago sa kahulugan nito. Maaaring gamitin sa pagkilala ng
pantig na may diin ang malaking titik.

Mga halimbawa: a) BU:hay- kapalaran ng tao bu:HAY-humihinga pa


b) LA:mang- natatangi la:MANG- nakahihigit; nangunguna

2.Tono/Intonasyon- Ang pagtaas at pagbaba ng tinig na maaaring makapagpasigla,


makapagpahayag ng iba’t ibang damdamin, makapagbigay- kahulugan, at makapagpahina ng
usapan upang higit na maging mabisa ang ating pakikipag-usap sa kapwa.
Nagpapalinaw ito ng mensahe o intensyong nais ipabatid sa kausap tulad ng pag-awit.
Sa pagsasalita ay may mababa,katamtaman, at mataas na tono. Maaaring gamitin ang bilang
1 sa mababa, bilang 2 sa katamtaman, at bilang 3 sa mataas.

3. Antala o hinto- bahagyang pagtigil sa pagsasalita upang higit na maging malinaw ang
mensaheng ibig ipahatid sa kausap. Maaaring gumamit ng simbolo kuwit (,), dalawang guhit
na pahilis (//), o gitling (-).

Mga halimbawa:
a) Hindi/ ako si Joshua. (Ang hinto ay pagkatapos ng HINDI. Nagbibigay ito ng kahulugan na
ang nagsasalita ay nagsasabing siya si Joshua na maaaring siya’y napagkamalan lamang na
ibang tao.)

b) Hindi ako, si Joshua. (Ang hinto ay nasa AKO. Pagpapahiwatig ito na ang kausap ay
maaaring napagbintangan ng isang bagay na hindi ginawa. Kaya sinasabi niyang hindi siya
ang gumawa kundi si Joshua.)

c) Hindi ako si Joshua. (Pagbigkas ito na nasa hulihan ang hinto. Nagpapahayag ito na
itinatanggi ng nagsasalita na siya si Joshua.)
Tandaan!
? = tinatawag itong glottal stop o nangangahulugang sa pagbigkas ng salita ay tila
may pumipigil sa paglabas ng hanging galing sa bibig.
Hal. /SU:ka?/ = vinegar

h = glottal fricative ay nangangahulugang sa pagbigkas ay malayang lalabas ang


hangin mula sa bibig.
Hal. /SU:kah/ = vomit

III.MGA GAWAING PAMPAGKATUTO

Pagsasanay 1: Diin
Panuto: Isulat ang kahulugan ng mga salitang pareho ang baybay subalit magkaiba ang
bigkas.
1. /SA:ka/ = _____________________ /sa:KA/ = _______________________
2. /BU:hay/ = _____________________ /bu:HAY/ = _______________________
3. /PA:so/ = _____________________ /pa:SO / = _______________________
4./BU:kas/ = _____________________ /bu:KAS/ = _______________________
5. /TA:la / = _____________________ /ta:LA/ = _______________________

Pagsasanay 2: Tono
Panuto: Tukuyin ang wastong tono ng bawat pahayag batay sa layunin nito. Gamitin ang
bilang 1 sa mababa, 2 sa katamtaman, at bilang 3 sa mataas.
1. kanina = _________________ , pag-aalinlangan
kanina = _________________ ,pagpapatibay, pagpapahayag
2. mayaman = _________________, pagtatanong
mayaman = _________________, pagpapahayag
3. magaling = _________________, pagpupuri
magaling = _________________, pag-aalinlangan
4. kumusta = _________________,pagtatanong na masaya
kumusta = _________________,pag-aalala
5. Ayaw mo = __________________,paghamon
Ayaw mo = __________________,pagtatanong

Pagsasanay 3: Antala/Hinto
Panuto: Basahin at ibigay ang kahulugan ng sumusunod na pangungusap batay sa antala o
hinto.
1. Hindi, si Arvyl ang sumulat sa akin.
__________________________________________________________________________
2. Wrenyl, Matthew, Mark ang tatay ko.
__________________________________________________________________________
3. Hindi siya ang kaibigan ko.
__________________________________________________________________________
4. Sino si Alvin Patrimonio?
__________________________________________________________________________
5. Tulungan mo ang iyong kuya, Allan.
__________________________________________________________________________
IV. PAGTATAYA

Panuto: Bilugan ang letra ng wastong sagot.


1. Ito ay tumutukoy sa bahagyang pagtigil sa pagsasalita upang higit na maging malinaw ang
mensaheng nais ipabatid sa kausap.
A. antala B. tono C. diin D. ponema
2. Ito ay ang pagtaas at pagbaba ng tinig na maaaring makapagpasigla, makapagpahayag ng
iba’t ibang damdamin at makapagbigay ng kahulugan.
A. antala B. tono C. diin D. ponema
3. Ito ay ang lakas, bigat o bahagyang pagtaas ng tinig sa pagbigkas ng isang pantig sa
salita. A. antala B. tono C. diin D. ponema
4. Pinakamaliit na yunit ng salitang may kahulugan.
A. morpema B. ponema C. salitang-ugat D. pantig
5. Hindi maganda ang tubo ng halaman kaya namatay. Paano binibigkas ang salitang may
salungguhit sa pangungusap?
A. /tu.boh/ B. /TU.bo/ C. /tu.bo?/ D. /tu.BO/

V. SANGGUNIAN:
Aklat : Cariňo, Lajarca , Peralta, et.al, Panitikang Asyano.Sunshine Interlinks Publishing House, Inc., 2014

VI. SUSI SA PAGWAWASTO


Pagsasanay 1:
1. /SA:ka / = araro /sa:KA/ = may kasunod pa 2./BU:hay/ = life /bu:HAY/ = kumikilos, gumagalaw
3. /PA:so / = burn /pa:SO / = lagayan ng halaman 4. /BU:kas/ = kinabukasan /bu:KAS/ = open
5. /T A:la/ = bituin /ta:LA/ = listahan

Pagsasanay 2:
1. kanina = 213 kanina = 231 2. mayaman = 213 mayaman = 231
3. magaling = 1,2,3 magaling = 213 4. kumusta = 1,2.3 kumusta = 3,1,2
5. ayaw mo = 3,2,1 ayaw mo = 2,1,3

Pagsasanay 3:
1. Ibig sabihin ay si Arvyl ang sumulat sa kanya hindi ang ibang tao.
2. Ipinapakilala kina Wrenyl, Matthew at Mark ang kanyang ama
3. Itinatanggi ang isang tao.
4. Hindi niya kilala si Alvin Patrimonio.
5. Inuutusan si Allan na tulungan ang kanyang kuya.

Pagtataya:
1. A 2. B 3. C 4. B 5. B
GAWAING PAMPAGKATUTO #3
Kwarter 1- FILIPINO 9

Pangalan: _____________________ Baitang/Seksyon: __________________

I.Kasanayang Pampagkatuto at Koda

Nabibigyang-puna ang kabisaan ng paggamit ng hayop bilang mga tauhan na parang taong
nagsasalita at kumikilos.
1. Naiaantas ang mga salita (clining) batay sa tindi ng emosyon o damdamin.
2. Naipakikita ang transpormasyong nagaganap sa tauhan batay sa pagbabagong pisikal,
emosyonal at intelektwal.
3. Naibabahagi ang kakaibang katangian ng pabula sa tulong ng binasang akda.

II.Panimula (Susing Konsepto)


“Ang Hatol ng Kuneho”
Isinalin sa Filipino ni Vilma C. Ambat
Noong unang panahon, nang ang mga hayop ay nakapagsasalita pa, may isang tigreng
naghahanap ng pagkain sa gubat. Sa kaniyang paglilibot, nahulog siya sa napakalalim na
hukay. Paulit-ulit na sinubukan ng tigre ang makaahon, subalit siya ay nabigo. Sumigaw siya
nang sumigaw upang humingi ng tulong subalit walang nakarinig sa kanya.
Kinabukasan, muling sumigaw ang tigre upang humingi ng tulong hanggang mapaos.
Gutom na gutom at hapong-hapo na ang tigre. Lumupasay na lamang siya sa lupa. Naisip
niyang ito na ang kaniyang kamatayan. Walang ano-ano ay nakarinig siya ng mga yabag.
Nabuhayan siya ng loob at agad tumayo.“Tulong! Tulong!” muli niyang isinigaw.
“Ah! isang tigre!” sabi ng lalaki habang nakadungaw sa hukay. “Pakiusap! Tulungan mo
akong makalabas dito,” pagmamakaawa ng tigre. “Kung tutulungan mo ako, hindi kita
makalilimutan habambuhay.”
Naawa ang lalaki sa tigre subalit naisip niyang baka kainin siya nito. “Gusto sana kitang
tulungan subalit nangangamba ako sa maaaring mangyari. Patawad! Ipagpapatuloy ko na ang
aking paglalakbay”, wika ng lalaki at nagpatuloy sa paglalakad.
“Sandali! Sandali! Huwag mong isipin iyan,” pakiusap ng tigre. “Huwag kang mag- alala,
pangako ko hindi kita sasaktan. Nagmamakaawa ako, tulungan mo ako. Kapag ako ay
nakalabas dito tatanawin kong malaking utang na loob!”
Tila labis na nakakaawa ang tinig ng tigre kaya bumalik ang lalaki upang tulungan ito.
Nakahanap siya ng troso at dahan-dahan niyang ibinaba sa hukay. “ Gumapang ka dito,” sabi
ng lalaki. Gumapang ang tigre sa troso hanggang makaahon sa hukay. Nakita ng tigre ang
lalaking tumulong sa kanya. Naglaway ang tigre at naglakad paikot sa lalaki.
“Sandali!” Hindi ba nangako ka sa akin na hindi mo ako sasaktan? Ito ba ang paraan mo
ng pagpapasalamat at pagtanaw ng utang na loob?” sumbat ng lalaki sa tigre.
“Wala na akong pakialam sa pangakong iyan dahil nagugutom ako! Hindi ako kumain
nang ilang araw!” tugon ng tigre.
“Sandali! Sandali!” ang pakiusap ng lalaki. “Tanungin natin ang puno ng Pino kung tama
bang kainin mo ako.”
“Sige,” ang wika ng tigre. “Pero pagkatapos natin siyang tanungin, kakainin na kita. Gutom na
gutom na ako.” Ipinaliwanag ng tigre at ng lalaki sa puno ng Pino ang nangyari.
“Anong alam ng tao sa pagtanaw ng utang na loob?” tanong ng puno ng Pino. “ Bakit
ang mga dahon at sanga namin ang kinukuha ninyo upang mapainit ang inyong mga tahanan
at maluto ang inyong mga pagkain? Mga taon ang binibilang namin upang lumaki. Kapag
kami’y malaki na pinuputol ninyo. Ginagamit ninyo kami sa pagpapatayo ng inyong mga bahay
at pagpapagawa ng inyong mga kasangkapan. At isa pa, tao rin ang humukay ng butas na
iyan. Utang na loob! Huwag ka nang magdalawang isip, Tigre. Sige pawiin mo ang iyong
gutom.”
“O, anong masasabi mo doon?” tanong ng tigre habang nananakam at nginungusuan
ang lalaki.
Sa mga sandaling iyon ay dumaan ang isang baka. “Hintay! Hintay!” pakiusap ng lalaki.
“Tanungin natin ang baka sa kaniyang hatol.” Sumang-ayon ang tigre at ipinaliwanag nila sa
baka ang nangyari. Hiniling ng dalawa ang opinyon ng baka. “Sa ganang akin, walang duda sa
kung ano ang dapat gawin,” wika ng baka sa tigre. “Dapat mo siyang kainin! Tingnan mo, mula
nang kami ay maisilang naglilingkod na kami sa mga tao. Kaming mga baka ang nagbubuhat
ng mabibigat nilang dalahin. Inaararo namin ang bukid upang makapagtanim sila. Subalit, ano
ang ginagawa nila kapag kami ay tumanda na... pinapatay kami at ginagawang pagkain!
Ginagamit nila ang aming balat sa paggawa ng kung ano-anong bagay. Kaya huwag mo na
akong tanungin tungkol sa pagtanaw ng utang na loob. Kainin mo na ang taong iyan.”
“Tingnan mo, lahat sila ay sumasang-ayon sa akin. Kaya humanda ka na sa iyong
kamatayan!” wika ng tigre habang bumubuwelo upang sakmalin ang lalaki. Alam na ng lalaki
na ito na nga ang kaniyang katapusan. Nang biglang dumating ang lumulukso-luksong kuneho.
“Sandali! Tigre! Sandali!” sigaw ng lalaki. “Ano na naman!” singhal ng tigre. “Pakiusap, bigyan
mo pa ako ng huling pagkakataon.Tanungin natin ang kuneho para sa kaniyang hatol kung
dapat mo ba akong kainin.” “Ah! Walang kuwenta! Alam mong ang sagot niya. Pareho lang sa
sagot ng puno ng Pino at ng baka.” “Pakiusap, parang awa mo na!” pagsusumamo ng lalaki.
“O sige, pero huli na ito. Gutom na gutom na ako!” sagot ng tigre. Isinalaysay ng tigre at ng
lalaki ang nangyari. Matamang nakinig ang kuneho. Ipinikit ang kaniyang mga mata at
pinagalaw ang kaniyang mahahabang tainga. Pagkalipas ng ilang sandali, muli niyang idinilat
ang kaniyang mga mata. Malumanay at walang ligoy na nagsalita ang kuneho. “Naiintindihan
ko ang inyong isinalaysay. Subalit kung ako ang magpapasya at magbibigay ng mahusay na
hatol dapat tayong magtungo sa hukay. Muli ninyong isasalaysay sa akin ang nangyari. Ituro
ninyo sa akin ang daan patungo doon,” wika ng kuneho. Itinuro ng tigre at ng lalaki ang hukay
sa kuneho. “Tingnan natin, sabi mo nahulog ka sa hukay at ikaw naman ay nakatayo dito sa
itaas”, wika ng kuneho sa tigre at sa lalaki. “ Pumunta kayo sa mga posisyon ninyo noon, upang
mapag-isipan ko pang mabuti ang aking hatol.”
Tumalon agad ang tigre nang hindi nag-iisip. Ang nais lamang niya ay matapos agad
ang usapan nang makain na niya ang tao. “Ah! ganito ang kalagayan ninyo noon. Ikaw, tigre
ay nahulog sa hukay at hindi makaahon. Ikaw naman lalaki, narinig mo ang paghingi ng saklolo
kaya tinulungan mo ang tigre. Ngayon maaari na akong magbigay ng aking hatol. Ang
problemang ito ay nagsimula nang tulungan ng tao ang tigreng makalabas sa hukay”,
paliwanag ng kuneho na tila may ibang kausap. “Sa ibang salita, kung ang tao ay hindi
nagpakita ng kabutihan at iniwan ang tigre sa hukay, walang naging problema. Kaya naisip ko
na magpatuloy ang tao sa kaniyang paglalakbay at dapat na manatili ang tigre sa hukay.
Magandang umaga sa inyong dalawa!” wika ng matalinong kuneho at nagpatuloy sa kaniyang
paglukso.
III.MGA GAWAING PAMPAGKATUTO

Pagsasanay 1
Panuto: Basahing mabuti ang bawat pangungusap. Lagyan ng (X) ang tamang sagot at isulat
ito sa patlang.
1.Kilala bilang "ama ng Pabula"
_______ Edgar Allan Poe _______ Aesop ______ Tagore ______ Kurishumi
2. Ang kahalagahan ng pag-aaral sa Pabula.
_______ pampalipas oras _______ nagbibigay ng aral
_______ nakapupukaw ng interes _______ nakatutulong upang mahasa ang pagbasa
3. Ang mga tauhan sa pabulang “Ang Hatol ng Kuneho”
_______ Amonggo, Ipot-Ipot, Tigre, Baka
_______ Prinsesa Tutubi, Tubino, Puno ng Pino, Tigre
_______ Puno ng Pino, Tao, Kalabaw, Tigre
_______ Puno ng Pino, Lalaki/Tao, Tigre, Baka
4. Ang naging hatol ng kuneho sa tao.
_______ Pinagsisihan ng Tigre ang kanyang nagawa
_______ Ang Tao at Tigre ay nakaalis sa hukay
_______ Naiwan ang tao sa hukay
_______ Ang Tigre ay naiwan sa hukay
5. Ang aral na mahihinuha sa pabulang “Ang Lobo at Ang Ubas
_______ huwag sumuko sa pag-abot sa pangarap
_______ hindi lahat ng naririnig natin ay dapat paniwalaan
_______ may mga bagay na hindi para sa atin
_______ magkaroon ng tiwala sa sarili

Pagsasanay 2
Tukuyin ang damdaming ipinahihiwatig ng mga sumusunod na pahayag.
1. Paulit-ulit na sinubukan ng Tigre na siya ay umahon subalit siya ay _________.
a. nasawi b. natalo c. nabigo d. nagapi
2. Ang lalaki ay _______ sa Tigre subalit naisip niyang baka kainin siya nito.
a. kinahabagan b. kinaawaan c. naawa d. nahabag
3. Gusto sanang tulungan ng lalaki ang Tigre subalit siya’y __________.
a. nag-aalinlangan b. natatakot c. kinakabahan d. nangangamba
4. Ang tao ay _________ng Puno ng Pino.
a. sinabihan b. sinumbatan c. pinagalitan d. pinagsabihan
5. Hindi pinakinggan ng Tigre ang _________ ng tao.
a. pagsusumamo b. pagmamakaawa c. pakiusap d. panawagan

Pagsasanay 3
Panuto:Punan sa patlang ang hinihinging sagot upang maipakita ang transpormasyong
nagaganap sa tauhan batay sa pagbabagong pisikal,emosyonal at intelektwal.

PISIKAL EMOSYONAL INTELEKTWAL


KUNEHO
TIGRE
BAKA
IV. PAGTATAYA
Panuto: Basahin ang mga pahayag at tukuyin ang nagsasalita.
_________________1. Kung tutulungan mo ako, hindi kita makakalimutan habangbuhay.”
_________________2. Kapag kami’y malaki napinuputol ninyo.”
_________________3. Inaararo naming ang bukid upang makapagtanim sila.”
_________________4. Wala na akong pakialam sa pangakong iyan.”
_________________5. Kaya naisip ko na magpatuloy ang tao sa kanyang paglalakbay.”

V. SANGGUNIAN:
Vilma C. Ambat et. al. Panitikang Asyano Modyul ng Mag-aaral sa Filipino 9. Pasig City: Vibal Group, Inc. 2014.
https://app.quizalize.com/view/quiz/filipino-pabula-ang-hatol-ng-kuneho-0905acff-865f- 406b-9a04-aab1c190f41a
https://www.slideshare.net/JenitaGuinoo/ang-hatol-ng-kuneho-gr9-filipino-aralin-22

VI. SUSI SA PAGWAWASTO


Pagsasanay 1: 1.Aesop 2. Nagbigay ng aral 3. Puno ng Pino, Lalaki/Tao, Tigre, Baka
4.Ang Tigre ay naiwan sa hukay 5.Hindi lahat ng naririnig natin ay dapat paniwalaan

Pagsasanay 2 : 1.C 2.C 3.D 4.B 5.C

Pagsasanay 3: sarling sagot

Pagtataya: 1.Tigre 2. Puno ng Pino 3.Baka 4.Tigre 5.Kuneho

GAWAING PAMPAGKATUTO #4
Kwarter 1- FILIPINO 9

Pangalan: _____________________ Baitang/Seksyon: __________________

I.Kasanayang Pampagkatuto at Koda

Sa pagtatapos ng aralin, ikaw ay inaasahang:


A. Nagagamit ang iba’t ibang ekspreyon sa pagpapahayag ng damdamin.
B. Nakapagsasanay gamit ang modal na malapandiwa sa pagpapahayag ng kaisipan.
C. Naisusulat muli ng isang pabula sa paraang babaguhin ang karakter ng isa sa mga tauhan
nito.

II.Panimula (Susing Konsepto)

Ang Modal
➢ Ito ay tinatawag na malapandiwa. Ginagamit ang mga itong pantulong sa pandiwang nasa
panggaanong pawatas. Ang mga ito ay ginagamit bilang panuring na may kahulugang tulad ng
pandiwa. Ang mga modal ay mga pandiwang hindi nagbabago, limitado kapag binanghay, o
walang aspeto.
Ang mga halimbawa nito ay ang sumusunod: ibig, nais, gusto, kailangan
➢ May dalawang gamit ang modal.
▪ 1. Bilang malapandiwa (subalit di tulad ng ganap na pandiwa,wala itong aspeto)
Halimbawa: Gusto niyang makaahon sa hukay.
Ibig ng puno at ng baka na kainin ng tigre ang tao.
▪ 2. Bilang panuring na may kahulugang tulad ng pandiwa (nagbibigay turing sa isa pang
pandiwang nasa anyng pawatas)
Halimbawa: Gusto niyang maglakbay muli.
Ibig ng kuneho na makita ang hukay kung saan nahulog ang tigre.
➢ May apat na uri ang modal.
▪ 1. Nagsasaad ng pagnanasa, paghahangad, at pagkagusto
Halimbawa: Gusto kong mamitas ng mga bulaklak.
▪ 2. Sapilitang pagpapatupad
Halimbawa: Dapat sundin ang sampung utos ng Panginoon.
▪ 3. Hinihinging mangyari
Halimbawa: Kailangan mong magpursigi sa iyong pag-aaral.
▪ 4. Nagsasaad ng posibilidad
Halimbawa: Puwede kang umasenso sa buhay, basta’t magsumikap ka.

Basahin at unawain ang teksto.


“Nagkamali ng Utos”
Sa malayong kaharian ng mga tutubi ay may naninirahang isang prinsesang tutubi.
Siya’y bugtong na anak nina Haring Tubino at Reyna Tubina ng kahariang Matutubina. Mahal
na mahal ng hari at reyna ang anak nila. Sinasabing ipaglalaban ng buong kaharian ang
anumang kaapihan ni Prinsesa Tutubi.
Si Prinsesa Tutubi ay mahilig mamasyal at magpalipad-lipad sa papawirin. Lagi niyang
kasa-kasama ang kaniyang mga piling dama at mga tagasubaybay na mangyari pa ay pawang
mga tutubi rin.
Si Prinsesa Tutubi ay mahilig mamasyal at magpalipad-lipad sa papawirin. Lagi niyang
kasa-kasama ang kaniyang mga piling dama at mga tagasubaybay na mangyari pa ay pawang
mga tutubi rin.
Isang araw, naisipan niyang lumipad patungo sa labas ng kaharian. Ibig niyang alamin
kung ano ang daigdig sa labas ng kanilang kaharian. Tumakas siya sa kaniyang mga dama at
tagasubaybay. Mag-isa niyang nilakbay ang malawak na papawirin.
Maligayang-maligaya si Prinsesa Tutubi. Umaawit-awit pa siya sa kaniyang paglipad.
Wiling-wili siya sa lahat ng kaniyang nakikita.Totoong nalibang si Prinsesa Tutubi at hindi niya
napansin ang pamumuo ng maiitim na ulap sa papawirin.
Huli na nang ito ay mapuna ni Prinsesa Tutubi. Mabilis man siyang lumipad pabalik sa
kaharian ay inabutan din siya ng malakas na ulan.
“Titigil muna ako sa punongkahoy na ito”, ang sabi sa sarili ng prinsesa.
Ngunit sa punongkahoy pala namang iyon ay maraming mga matsing. Pinaalis nilang
pilit ang nakikisilong na tutubi. Bawat dapuang sanga ni Prinsesa Tutubi ay niyuyugyog ng mga
matsing. Hindi lamang iyon. Pinagtawanan pa nila ang prinsesa.
“Kra-kra-kra! Nakakatawa. Malaki pa sa kaniyang tuhod ang kaniyang mga mata,” ang
malakas na sabi ng isa. Sinundan ito ng malakas na hagikgikan ng mga matsing.
Sa laki ng galit ni Prisesa Tutubi umuulan pa ay umalis na siya sa punongkahoy na iyon
at lumipad pauwi sa palasyo. Tuloy-tuloy siya sa silid ng kaniyang amang hari. Kaniyang
isinumbong kay Haring Tubino ang mga matsing. Laking galit ng hari. Nagpatawag agad ang
hari ng isang kawal.
“Pumunta ka ngayon din sa kaharian ng mga matsing,” ang utos niya sa kawal. “Sabihin
mong dahil sa ginawa nila sa aking anak na Prinsesa, gusto kong hamunin ang kaharian ng
mga matsing sa isang labanan.”
Mabilis na lumipad ang inatasang kawal. Pagdapo niya sa kaharian ng mga matsing ay
walang paligoy-ligoy niyang sinabi ang kaniyang pakay. Malakas na tawanan ng mga matsing
ang naging sagot sa pahayag ng kawal na tutubi.
“Mga tutubi laban sa mga matsing! Ha-ha-ha-ha!” Muling nagtawanan ang mga matsing.
“ Nakakatawa, ngunit pagbibigyan namin ang inyong hari,” ang sabi ng pinuno. “ Ang mga
matsing laban sa mga tutubi!”. Nagtawang muli ang mga matsing.
“Kailan at saan gaganapin ang labanan?” ang tanong ng pinuno.
“Bukas ng umaga sa gitna ng parang!” ang tugon ng kawal.
“Magaling! Bukas ng umaga sa gitna ng parang, kung gayon,” ang masiglang pag-ulit ng
matsing sa sinabi ng tutubi.
Bumalik sa kanilang kaharian ang kawal na tutubi at ibinalita sa Haring Tubino ang
naging katugunan ng mga matsing.
Kinabukasan naroroon na sa isang panig ng parang ang hukbo ng mga matsing. Anong
daming matsing. Waring ang buong kamatsingan ay naroroon at pawang sandatahan. Bawat
isa ay may dalang putol ng kahoy na pamukpok.
Nasa kabilang panig naman ng parang ang makapal na hukbo ng mga manlilipad na
tutubi.
“Kailangang pukpukin ninyo ang bawat makitang tutubi,” ang malakas na utos ng haring
matsing.
Sa kabilang dako naman ay ibinigay na rin ng pinuno ng mga tutubi ang kaniyang utos.
“Dapat nating ipaghiganti ang kaapihan ni Prinsesa Tubina. Kailangang magbayad ang mga
matsing. “Dumapo sa ulo ng mga matsing. Kapag may panganib ay dagling lumipad,” ang
malinaw at marahan niyang utos.
Nagsalubong sa gitna ng parang ang mga manlilipad na tutubi at ang hukbo ng sandatahang
matsing. Buong-buo ang pagtitiwala ng mga sandatahang matsing sa kanilang sandatang
pamukpok. Matatapang din namang sumunod ang mga kawal na tutubi palibhasa ay nais nilang
ipaghiganti ang kaapihan ng prinsesa at ng buong kahariang Matutubina.
Nagsimula ang labanan. Dapo at lipad, dapo at lipad ang mga tutubi. Pukpok dito, pukpok
doon naman ang mga matsing. Kung tatanawin buhat sa malayo ang labanan, ay wari bang
matsing laban sa matsing. Nakita ng pinuno ng mga matsing ang pangyayari. Nagkamali siya
ng utos. Hindi nalaman agad na sa ulo pala ng kaniyang mga kawal darapo ang maliliksing
tutubi. Babaguhin sana niya ang kaniyang utos, subalit huli na ang lahat. Isang kawal na
matsing ang pilit na pinukpok pa ang tutubi sa ulo ng pinunong matsing. Kayat nang matapos
ang labanan ay nakabulagtang lahat ang mga matsing. Samantala, walang sinumang tinamaan
sa mga mabilis umiwas at lumipad na mga tutubi. Naipaghiganti nila ang pagkaapi ng kanilang
prinsesa at ng buong kahariang Matutubina.

https://www.academia.edu/35565245/Filipino_9_tg_draft_4.1
III.MGA GAWAING PAMPAGKATUTO

Pagsasanay 1
Panuto: Tukuyin kung sino ang nagwika ng sumusunod na pahayag. Piliin ang iyong sagot sa
loob ng kahon.

Haring Tubino Prinsesa Tutubi Mga Matsing


Kawal Reyna Tubina Hari ng Matsing

__________ 1. “Titigil muna ako sa punongkahoy na ito.”


__________ 2. “Kra-kra-kra! Nakakatawa. Malaki pa sa kanyang tuhod ang kanyang mga
mata.”
__________ 3. “Sabihin mong dahil sa ginawa nila sa aking anak na prinsesa, gusto kong
hamunin ang kaharian ng mga matsing sa isang labanan.”
__________ 4. “Kailangang pukpukin ninyo ang bawat makitang tutubi”.
__________ 5. “Dumapo sa ulo ng mga matsing,. Kapag may panganib ay dagling lumipad,”

Pagsasanay 2
Panuto: Tukuyin ang isinasaad ng modal na ginamit sa pangungusap. Letra lamang ang
isasagot.
Mga Pagpipilian: A. Nagsasaad ng posibilidad C. Hinihinging mangyari
B. Nagsasaad ng pagnanasa D. Sapilitang pagpapatupad/mangyari
____1. Ibig kong mawala na ang Corona Virus sa ating bansa.
____2. Dapat tayong sumunod sa mga protocol na ipinapatupad sa kasalukuyan para na rin
sa ating kaligtasan.
____3. Maaari pa namang nating mapababa ang bilang ng kaso ng positibo sa ating bansa,
basta’t magkaisa tayo!
____4. Kailangang lagi tayong magsuot ng mask kapag lalabas ng bahay, dumistansya sa
ibang tao, at mag-sanitize palagi ng ating mga kamay upang makaiwas sa virus at mapanatili
ang kaligtasan natin at ng ating pamilya.
____5. Gusto nating lahat na matapos na ang pandemyang ito.

Pagsasanay 3
Panuto: Isulat sa patlang ang titik ng tamang sagot.
_______1. Ito ay tinatawag ding malapandiwa.
A. pandiwa B. modal C. pang-abay D. pantukoy
_______2. Ang sumusunod ay mga uri ng modal, maliban sa isa.
A. Nagsasaad ng pagnanasa, paghahangad o pagkagusto B. Sapilitang pagpapatupad
C. Nangangakong mangyari D. Nagsasaad ng posibilidad
_______3. Ang modal ay ginagamit bilang _____?
A. malapandiwa B. panuring na may kahulugang tulad ng pandiwa
C. letrang A at B D. wala sa nabanggit
_______4. Ang sumusunod ay mga halimbawa ng modal, maliban sa isa.
A. gusto B. ibig C. dapat D. marahil
_______5. Ang _______ ang nagkamali ng utos.
A. Matsing B. Tutubi C. Kawal D. Prinsesa

IV. PAGTATAYA

Panuto: Isulat ang TAMA kung wasto ang isinasaad ng pahayag, at MALI kung hindi wasto.
_______1. Mga hayop ang tauhan sa pabula.
_______2. Ang modal ay pandiwang walang aspekto.
_______3. Ang mga Koreano at mga Pilipino ay kapwa mapagmahal sa pamilya.
_______4. Ang pinuno ng mga matsing ang siyang nagkamali ng utos.
_______5. May apat na uri ang modal.
_______6. Ang modal ay ginagamit bilang panuring na may kahulugang tulad ng pandiwa.
_______7. Si Prinsesa Tutubi ay nawili sa paglipad-lipad kaya’t inabot ng ulan.
_______8. May dalawang gamit ang modal.
_______9. Ang gusto, ibig, dapat, maaari at kailangan ay mga halimbawa ng modal.
_______10. Ang paggamit ng modal ay nakapagpapahayag din ng damdamin.

V. SANGGUNIAN:
Panitikang Asyano (Modyul ng Mag-aaral sa Filipino) Romulo N. Peralta et.al
https://www.academia.edu/35565245/Filipino_9_tg_draft_4.1
https://www.google.com/search?q=businessman+with++trophy+isolated+happy+cartoon &tbm=isch&ved=2ahUKEwj03-
S14pzqAhVxxYsBHamLD2UQ2- cCegQIABAA&oq=businessman+with++trophy+isolated+happy+cartoon&gs_lcp=CgNpb
WcQAzoECCMQJ1Df8QJYjI4DYISTA2gAcAB4AIAB2wWIAYcgkgEMMC4zLjEwLjEuN
i0xmAEAoAEBqgELZ3dzLXdpei1pbWc&sclient=img&ei=8X30XrSjCvGKr7wPqZe- qAY&bih=657&biw=1366

VI. SUSI SA PAGWAWASTO


Pagsasanay 1 1.Prinsesa Tutubi 2.Mga Matsing 3.Haring Tubino 4.Haring Matsing 5.Haring Tubino

Pagsasanay 2: 1.B 2.D 3.A 4.C 5.B

Pagsasanay 3: 1.B 2.C 3.C 4.D 5.A

Pagtataya: 1.Tama 2.Tama 3.Tama 4.Tama 5.Tama


6.Tama 7.Tama 8.Tama 9.Tama 10.Tama
GAWAING PAMPAGKATUTO #5
Kwarter 1- FILIPINO 9

Pangalan: _____________________ Baitang/Seksyon: __________________

I.Kasanayang Pampagkatuto at Koda

Sa pagtatapos ng aralin, ikaw ay inaasahang:


A. Natutukoy ang mga salitang may natatagong kahulugan mula sa parabulang binasa.
B. Nagagamit ang mahihirap na salita sa pagbuo ng pangungusap.
C. Nabibigyan ng iba pang kahulugan ang mga salitang ginamit sa pangungusap.

II.Panimula (Susing Konsepto)

PAGPAPAKAHULUGANG METAPORIKAL AT LITERAL


Ngayon naman, talakayin natin ang pagpapakahulugang meetaporikal at literal pagkatapos ay susuriin
natin ang parabula na “Alibughang Anak”.

METAPORIKAL
• Ang pagpapakahulugang metaporikal ay pagbibigay-kahulugan sa salita bukod pa sa literal
na kahulugan nito.
• Ito ay nakabatay kung paano ginamit ang salita sa pangungusap.
• Tumutukoy ito sa kahulugan ng salita batay sa representasyon o simbolismo.
• Ito ay taliwas sa literal na pagpapakahulugan.

LITERAL
• Ang literal na pagpapakahulugan ay tumutukoy sa tunay na kahulugan ng salita.
• Ito ay walang malalim na kahulugan o ideya.

Halimbawa: Pawis
(Literal): Huwag kang magpatuyo ng pawis para ikaw ay hindi ubuhin.
(Metaporikal): Alalahanin mo na pawis ko ang ipinambayad ko sa tuition fee mo.

Halimbawa: Plastik
[Literal]: Ilagay mo sa loob ng plastik ang iyong binili para madaling bitbitin.
[Metaporikal]: Ang plastik naman ng ngiting ibinigay ni Charles sa kanyang kalaban.

“Ang Talinghaga ng Alibughang Anak”

11 Sinabi niya: May isang lalaking may dalawang anak na lalaki. 12 Ang nakakabatang
anak ay nagsabi sa kaniyang ama: Ama, ibigay mo sa akin ang bahagi ng mga ari- arian na
nauukol sa akin. Binahagi ng ama sa kanila ang kaniyang kabuhayan.
13 Lumipas ang ilang araw, pagkatipon ng lahat ng sa kaniya, ang nakakabatang anak
na lalaki ay umalis. Nagtungo siya sa isang malayong lupain at doon nilustay ang kani¬yang
ari-arian. Siya ay namuhay ng magulong pamumuhay. 14 Ngunit nang magugol na niya ang
lahat, nagkaroon ng isang matinding taggutom sa lupaing iyon at nagsimula siyang
mangailangan. 15 Humayo siya at sumama sa isang mamamayan ng lupaing iyon. At siya ay
sinugo niya sa mga bukirin upang magpakain ng mga baboy.
16 Mahigpit niyang hinangad na kumain ng mga bunga ng punong-kahoy[a] na
ipinakakain sa mga baboy sapagkat walang sinumang nagbigay sa kaniya. 17 Nang manauli
ang kaniyang kaisipan, sinabi niya: Ang aking ama ay maraming upahang utusan. Sagana sila
sa tinapay samantalang ako ay namamatay dahil sa gutom. 18 Tatayo ako at pupunta ako sa
aking ama. Sasabihin ko sa kaniya: Ama, nagkasala ako laban sa langit at sa iyong paningin.
19 Hindi na ako karapat-dapat na tawaging anak mo. Gawin mo akong isa sa iyong mga
upahang utusan. 20 Sa pagtayo niya, pumunta siya sa kaniyang ama, ngunit malayo pa siya
ay nakita na siya ng kaniyang ama at ito ay nahabag sa kaniya. Ang ama ay tumakbo at niyakap
at hinagkan siya.
21 Sinabi ng anak sa kaniya: Ama, nagkasala ako laban sa langit at sa iyong paningin.
Hindi na ako karapat-dapat na tawaging anak mo. 22 Gayunman, sinabi ng ama sa kaniyang
mga alipin: Dalhin ninyo ang pinakamainam na kasuotan at isuot ninyo sa kaniya. Magbigay
kayo ng singsing para sa kaniyang kamay at panyapak para sa kaniyang mga paa. 23 Magdala
kayo ng pinatabang guya at katayin ito. Tayo ay kakain at magsaya. 24 Ito ay sapagkat ang
anak kong ito ay namatay at muling nabuhay. Siya ay nawala at natagpuan. Sila ay
nagsimulang magsaya.
25 At ang nakakatanda niyang anak ay nasa bukid. Nang siya ay dumarating at malapit
na sa bahay, nakarinig siya ng tugtugin at sayawan. 26 Tinawag niya ang isa sa kaniyang mga
lingkod. Tinanong niya kung ano ang ibig sabihin ng mga bagay na ito. 27 Sinabi ng lingkod sa
kaniya: Dumating ang kapatid mo. Nagpakatay ng pinatabang guya ang iyong ama sapagkat
ang kapatid mo ay natanggap niyang ligtas at malusog. 28 Nagalit siya at ayaw niyang
pumasok. Dahil dito lumabas ang kaniyang ama at namanhik sa kaniya. 29 Sumagot siya sa
kaniyang ama. Sinabi niya: Narito, naglingkod ako sa iyo ng maraming taon. Kahit minsan ay
hindi ako sumalangsang sa iyong utos. Kahit minsan ay hindi mo ako binigyan ng maliit na
kambing upang makipagsaya akong kasama ng aking mga kaibigan. 30 Nang dumating itong
anak mo, nagpakatay ka para sa kaniya ng pinatabang guya. Siya ang nag-aksaya ng iyong
kabuhayan kasama ng mga patutot.
31 Sinabi ng ama sa kaniya: Anak, lagi kitang kasama at lahat ng akin ay sa iyo. 32 Ang
magsaya at magalak ay kailangan sapagkat ang kapatid mong ito ay namatay at muling
nabuhay. Siya ay nawala at natagpuan.

III.MGA GAWAING PAMPAGKATUTO

Pagsasanay 1

Panuto: Tukuyin kung ang mga pangungusap ay pagpapakahulugang literal o metaporikal.


Isulat ang L kung literal at M naman kung metaporikal.
____1. Ama ibigay mo sa akin ang bahagi ng mga ari-arian na nauukol sa akin.
____2. Sapagkat ang anak kong ito ay namatay at muling nabuhay.
____3. Ama, nagkasala ako laban sa langit at sa iyong paningin.
____4. Naglingkod ako sa inyo nang maraming taon kahit minsan ay hindi ay hindi ako
sumuway sa utos.
____5. Anak, lagi kitang kasama ang lahat ng akin ay sa iyo.
Pagsasanay 2

Panuto: Salungguhitan sa pangungusap ang salitang may iba pang kahulugan.


1. Lahat tayo ay may kanya-kanyang papel sa buhay.
2. Siya ay isang ahas dahil matagal na siyang nagbabalak ng masama sa kanyang kaibigan.
3. Ang susi sa kanyang tagumpay ay ang pagiging matiyaga sa pag-aaral.
4. Siya ang boses ng taumbayan sa pagpaparating ng kanilang mga hinaing.
5. Intindihin mo na lamang siya at habaan mo ang iyong pisi.

Pagsasanay 3: Try Mo! -Tingnan natin ang iyong kakayanan sa pagbuo ng pangungusap.
Panuto: Bumuo ng sariling pangungusap gamit ang mga sumusunod na salita. Batayan sa
Pagmamarka: 5 puntos: Tama ang pagpapakahulugan ng salita sa pangungusap. 3 puntos:
Isa lamang ang nagamit na wasto sa pangungusap.
1. Tinik
(Literal)________________________________________________________________
(Metaporikal)___________________________________________________________
2. Damo
(Literal)________________________________________________________________
(Metaporikal)___________________________________________________________
3. Oras
(Literal)________________________________________________________________
(Metaporikal____________________________________________________________
4. Krus
(Literal)________________________________________________________________
(Metaporikal____________________________________________________________
5. Tigre
(Literal)________________________________________________________________
(Metaporikal____________________________________________________________

IV. PAGTATAYA

Panuto: Ibigay ang kahulugan ng mga salitang may kulay kung saan ang kahulugan ay makikita
mismo sa loob ng pangungusap.
____________________________1. Ang mga ina ay binansagang ilaw ng tahanan sapagkat
sila ang dahilan kung bakit nagiging maliwanag ang bahay sa aspeto ng kalinisan at pag-
aaruga sa mga nakatira dito.
____________________________2. Sa wakas ay natuloy na rin ang matagal nang hinihintay
na pag-iisang dibdib nina Maria at Jose, ang kasal ay naganap sa San Joacquin Church.
____________________________3. Kahit katatanggap pa lang ni Lenie ng kanyang sweldo,
ay butas na ang kanyang bulsa dahil sa bayaran sa kuryente at tubig kung kaya’t kinakailangan
niyang mangutang sapagkat ubos na ang kanyang pera.
____________________________4. Makapal ang palad ni Dexter kaya naipagawa niya ang
kanyang pangarap na bahay dahil sa kanyang pagiging masipag.
____________________________5. Halos araw-araw na lang ay usad pagong ang takbo ng
mga sasakyan sa EDSA, kaya’t sa pagiging mabagal nito, marami ang nahuhuli sa trabaho.
V. SANGGUNIAN:

https://www.biblegateway.com/passage/?search=Lucas+15%3A11-
32&version=SNDhttps://www.coursehero.com/file/38305921/1234567pptx/
https://www.freepik.com/premium-photo/obese-fat-boy-covering-ears-ignoring-annoying-loud-noise-isolated_7190835.htm
https://www.philstar.com/pang-masa/punto-mo/2018/06/26/1828006/editoryal-mag-create-ng-trabaho-para-walang-tambay
https://science.howstuffworks.com/life/genetic/twin.htm
https://www.parents.com/baby/development/sibling-issues/raising-an-only-child/
http://meannevinalay.blogspot.com/2015/06/hinaing-ng-isang-magulang.html

VI. SUSI SA PAGWAWASTO

Pagsasanay 1: 1.M 2.L 3.M 4.M 5.L

Pagsasanay 2: 1. Papel sa buhay 2. Ahas 3. Susi 4. Boses 5. Pisi

Pagsasanay 3: Sariling sagot

Pagtataya: 1. Ina 2. Kasal 3. Ubos ang kanyang pera . 4. Masipag 5. Mabagal

You might also like