You are on page 1of 1

Ama naming banal at makapangyarihan sa lahat

Maraming salamat po sa isang masaganang buhay at malusog na


katawan ang iyong ibinigay sa amin.

Maraming salamat sapagkat binigyan Ninyo kami ng panibagong araw at


pagkakataon na muli naming magampanan ang aming trabaho sa araw-
araw.

Dalangin po namin Ama na gabayan Nyo po kami at ang aming


pinagtatrabahuhan sa araw na ito.

Tulungan Mo po kami na maisakatuparan namin ng maayos,


matagumpay at puno ng pagmamahal ang aming responsibilidad sa
araw-araw.

Ama kayo po ang manguna sa aming gawain sa araw na ito at


gabayan Mo po kami sa aming bawat gagawin at desisyon.

Amin pong inaalay ang aming trabaho sa Iyo ama, tulungan Mo po


kami na magawa namin aming mga Gawain ng kalugod-lugod sa Inyo.

Muli, maraming salamat po. Patuloy Mo po kaming ingatan kasama ng


aming pamilya, mga mahal sa buhay, kapwa manggagawa at mga
namumuna sa amin.

Tunay Kang dakila Panginoon, ito ang aming hinihiling sa ngalan ng


Iyong Anak na si Cristo Hesus, Amen

You might also like