You are on page 1of 1

Manalangin Tayo.

Sa ngalan ng Ama, ng Anak, at ng Ispirito Santo, Amen.


Ama namin sa langit, kami po ay nagpapasalamat sa panibagong
araw na ito. Salamat po at kami’y nagising nang ligtas kasama ang
aming mga mahal sa buhay.
Panginoon, kami po ay humihingi ng kapatawaran sa aming nga
pagkakasala. Tanglawan Mo po ng liwanag ang aming mga puso, at
bigyan kami ng lakas ng loob na harapin ang lahat ng mga pagsubok
na darating sa amin.
Gabayan Mo po ang mga matatanda at ang mga maysakit.
Pagalingin Niyo po sila. Patnubayan Niyo po ang lahat ng mga
manggagawa lalo na ang mga kawani ng pamahalaan. Bigyan Niyo
po sila ng lakas at talino upang magampanan nila nang tama ang
kanilang mga tungkulin. Iligtas Niyo po kami sa mga sakuna at
kapahamakan.
At higit sa lahat, bigyan Niyo po kami ng kahinahunan na tanggapin
ang mga bagay na hindi na namin kayang baguhin. Lakas ng loob na
baguhin ang mga bagay na kaya pa namin. At ng katalinuhang
malaman ang pagkakaiba ng dalawa.
Lahat ng ito’y aming hinihiling sa pangalan ni Hesus na aming
tagapagligtas.
Amen.
Sa ngalan ng Ama, ng Anak, at ng Ispirito Santo, Amen.

You might also like