You are on page 1of 1

PANALANGIN PARA SA MGA NASALANTA NG BAGYO

Magandang gabi po Lord. Salamat Panginoo at kami ay ligtas pagkatapos ng


kalamidad, binigyan mo kami ng bagong pag-asa. Sama-sama nating ipanalangin
an gating mga kapatid na lubos na aapektuhan ng kalamidad.
Panginoong Diyos, maraming salamat po sa lahat ng mga biyayang aming
tinanggap, hindi man kami karapat-dapat ngunit nariyan kayo lagi upang kami ay
kupkupin. Panginoong Hesus narito kaming Iyong mga anak sama-samang
dumudulog sa Iyong harapan upang humingi ng awa at habag upang kami ay
tulungan, iligtas ang mga nasalanta ng bagyo. Batid Mo Panginoon ang dulot ng
kalamidad na ito kaya hiing naming Panginoon na palakasin Mo kami at huwag
itulot na kami ay panghinaan ng loob. Bigyan Mo kami ng tibay at lakas upang
paglabanan ang hirap at sakit na dulot nito. Tulungan Mo kami Panginoon na Ikaw
ang tanging Tagapagligtas. Iligtas ang bawat isa sa amin at pangalagaan. Lahat po
ng ito ay tanging binabalik namin lahat ng papuri at pasasalamat sa pangalan ng
Iyong anak na si Hesus. AMEN.

Sa ngalan ng Ama, ng Anak at ng Espiritu Santo. AMEN

You might also like