You are on page 1of 1

Panginoon, aming Makapangyarihan at Mapagmahal na Ama, ang aming mga puso ay puspos na

nagagalak sa mga bagay na ipinagkaloob Mo sa amin. Lahat po ng mga bagay na Inyong ibinibigay sa
amin ay patunay ng Inyong walang hanggang pagmamahal.

Gabayan Ninyo po kami sa gagawin namin na LAC Session sa araw na ito. Nawa ay aming
mapagtagumapayan ito ng puno ng karanasan at kaalaman. Maging bukas po ang aming isipan at puso
upang tanggapin ang mga kaalamang ibabahagi saamin.

Panginoon, marami man po kaming pinagdadaanan at pagdadaanan pa, naniniwala po kami na sa aming
paglalakbay ay Iyo kaming gagabayan. Sa Iyong karunungan, ang mga pasakit at mga paghihirap na ito
ang siyang magiging daan upang kami ay mas maging matatag at mabuting nilalang.

Taos-puso kaming humihingi ng tawad sa lahat ng aming kasalanan. Sa amin pong gagawing desisyon sa
hinaharap, ay patuloy Niyo po kaming gabayan. Tulungan Niyo po kaming hanapin ang kapayapaan at
patuloy na yakapin ang kabutihan.

Ang lahat pong ito ay aming ipinapanalagin, sa ngalan mo Panginoon. Amen

You might also like