You are on page 1of 2

Panginoon naming Diyos, patnubayan mo po ang araw na

ito sa aming lahat upang magampanan namin ang aming


sariling tungkulin. Bigyan mo kami ng gabay at pagkalinga
sa pagtupad ng aming mga gawain. Bigyan mo kami ng
tulong sa aming mga desisyong ginagawa. Pagpalain mo
ang aming mga guro sa matiyagang paghahatid sa amin ng
mga leksyon sa araw-araw. Pagpalain mo rin ang aming
mga magulang sa patuloy na pagsuporta sa amin.
Maraming salamat po, Panginoon sa lahat ng biyayang
inyong ibinibigay sa aming lahat. Ikaw po ang aming
sandigan at kalakasan. Amen.
Pangwakas na Panalangin sa Pagpupulong (Meeting)
Panginoon po naming Diyos Salamat po sinamahan mo po
kami sa buong panahon ng aming pagpupulong Anuman po
ang aming pinag-usapan at pinagkasunduan Nawa'y
naunawaan at matupad ng bawat isa sa amin Lagi naming
tatandaan Hindi kami nag-iisa Nariyan ka po tutulong sa
aming mga gagawin Sapagkat naniniwala po kami
Magagawa namin ang lahat Sa tulong at patnubay mo po sa
amin Patuloy mo kaming bigyan ng karunungan Lalo na ng
masunuring puso sa iyong kalooban Patuloy mong
pagpalain ang bawat isa sa amin.  Tumagos ang
masaganang biyaya sa aming mga tahanan.  Hinihiling po
namin ang lahat.  Sa ngalan ni Hesus Na aming Dakilang
Tagapagligtas.  Amen...   

You might also like