Sa Iyong Banal na Pangalan. Basbasan mo po ang aming pagtitipon At kami’y kaluguran mo Sa gabing ito.
Pagyamanin Mo po, Panginoon
At maging nakaayon sa iyong kalooban Ang aming pagkikita-kita, Mula sa simula hanggang katapusan Ang layunin mong dakila sa aming buhay At maisagawa namin ngayon Ang aming mga gawain Na may kabutihan at pag-ibig Sa aming kapwa .
Kami po’y naninikluhod sa iyong harapan
Na kami’y iyong patnubayan At iwaksi sa aming isipan Ang anumang masasamang kaisipan Inggit at pakikipag-alitan Sa aming mga kapwa
Bigyan mo kami Ng sapat na lakas at katalinuhan Upang maibahagi naman namin Ang aming makakaya Sa aming lahat na nandito ngayon Sa pagtitipon at kasiyahang na ito.
Ilagay mo po sa aming diwa at puso
Ang pagmamahal Na hindi naghihintay Ng anumang kapalit Bagkus ay bukas-palad Na magkakaloob ng anumang tulong.