You are on page 1of 2

RITO NG PAGSUSUNOG NG ABO

Sa ngalan ng Ama at ng Anak + at ng Espiritu Santo


R. Amen

Panginoon Ikaw ay aming kanlungan sa bawat salinlahi. Ipabatid mo sa amin kung gaano kaiksi ang
buhay upang matamo namin ang karunungan ng Puso.

Luwalhati sa Ama at sa Anak at sa Espiritu Santo


R. Kapara noong unang-una ngayon at magpasawalang hanggan. Amen

PAMBUNGAD NA PANALANGIN

Punong Tagapagdiwang
O Diyos ng Awa, nilikha mo kami mula sa alabok at kaisa ng simbahan, hinimok kaming sumunod sa
tawag ng iyong Ebanghelyo. Gawaran mo kami ng iyong habag, habang aming inihahanda ang mga abo
na tanda ng aming paglalakbay sa ilang ay makasumpong sa bukal ng muling pagsilang na may
masidhing pagkauhaw sa katarungan.

Ang amin nawang kawanggawa ay makapagbigay lingkod sa iyong sambayanan at ihantong kami sa
kapayapaan. Nawa'y pabanalin ng panalanging ito ang lahat ng aming mga gawa, hanggang humantong
kami sa kapayapaan. Nawa'y pabanalin ng panalanging ito ang lahat ng aming mga gawa, hanggang
humantong kami sa inihandang hapag kung saan ikaw ay naghahari kasama ni Kristoat ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan.

Amen.

( Ilalagay ngayon ng mga tao ang kanilang palaspas sa lalagyang inihanda sabang binabasa ang Salmo
51.
Matapos ang paglalagay susunugin ang mga palaspas habang umaawit ng karampatang himig.
Kapag ito ay ginawa sa loob ng misa, papasok ang punong tagapagdiwang at mga tao sa simbahan. Ang
punong tagapagdiwang ay hahalik sa dambana, tutuloy ang misa sa kanyang upuan at agad na
babangitin ang Pambungad na Panalangin ng misa at itutuloy ang misa ayon sa nakagawian.
Kung hindi sa loob ng misa ito ginawa itutuloy ang mga sumusunod.)

PANALANGIN NG PAGLUHOG

Punong Tagapagdiwang
Nababatid ng Panginoon kung saan tayo nagmula, at batid niyang tayo ay alabok. Hilingin natin sa kanya
na tayo'y patawarin at hilumin ang mga sugat na buhat sa kasalanan.
Ang Ating itutugon:

R. Panginoon dinggin mo kami


Ipagkaloob mo sa amin ang biyaya ng tunay na pagbabalik loob upang mapagtagumpayan ang lahat ng
tukso.
R. Panginoon ...

Palakasin mo kami sa kapangyarihan ng Espiritu Santo.


R. Panginoon ...

Ipagkaloob mo sa amin ang tapang ng loob upang mapagtagumpayan ang lahat ng tukso.
R. Panginoon ...

Tulungan mo kaming matanto ang tunay na halaga ng aming buhay


R. Panginoon ...

Panibaguhin mo ang iyong pag-ibig sa amin, at itulot mong maging saksi mo kami sa pang araw-araw na
buhay.
R. Panginoon...

Punong Tagapagdiwang

Panginoong Diyos, hindi mo hinangad na mamatay ang makasalanan bagkus sila'y magbalik loob. Sa
iyong habag isaalang-alang mo ang kahinaan ng aming katayian. Batid naming kami ay alabok at sa
alabok din kami babalik dahilan sa aming kasamaan. Magdalang awa ka sa amin, patawarin mo ang
aming pagkukulang at ipagkaloob mo saq amin ang gantimpala ng lahat ngf nagsisisi sa pamamagitan ni
Kristong aming Panginoon.

Amen.

Sumainyo ang Panginoon


R. At sumainyo rin

Pagpalain kayo ng Makapangyarihang Diyos Ama + Anak at Espiritu Santo


R. Amen

Tapos na ang ating pagdiriwang humayo kayo sa kapayapaan ni Kristo.


R. Salamat sa Diyos

You might also like