You are on page 1of 13

BUILD MY HOME

PRAYER
(ANG DASAL PARA SA BUILD MY HOME)
BMH Prayer

Ama, nagpapasalamat po kami


sa iyong walang hanggang
pagmamahal at habag sa amin.
Amang makapangyarihan sa
lahat na gumawa ng langit at
lupa, isinasaayos po ninyo ang
Lahat ng bagay. Sa
pamamagitan ng Banal na
Espiritu ay itinuturo niyo sa
amin kung ano ang aming
gagawin at mga plano. Salamat
po, O Diyos sa pagkakaloob
Mo sa amin ng mga taong
namumuno at nagsusulong
upang magkaroon ng katuparan
ang proyektong ito. Salamat po
sa pagbibigay ninyo ng mga
taong busilak na puso upang
Ang gawaing ito ay magkaroon
ng kaganapan. Panginoon,
salamat po sa mga biyaya,
tulong, at proteksyon na inyong
ipinagkaloob sa mga taong nasa
likod ng proyecton ito sampu ng
kanilang pamilya.
Ama, patawarin po niyo kami
na kung minsan ay nag-
aalinlangan kami tungkol sa
proyektong ito. Palakasin po
ninyo kami sa panahong kami’y
pinaghihinaan ng loob dahil sa
Mga pangamba’t bagabag at
nawa’y pagliwanagin po ninyo
ang aming kaisipan kapag
kami’y nadidiliman. Panginoon,
hinihiling po namin na gabayin
ninyo kami upang maitayo na
Ang aming minimithing
tahanan. Patnubayan at
pagpalain po ninyo ang mga
taong buong pusong tumutulong
dito. Ama, nawa’y patuloy n’yo
po kaming lukuban ng iyong
Banal na Espiritu
Upang ang aming mga
pagpaplano ay naaayon sa
inyong kagustuhan. Bigyan po
ninyo kami ng mga
manggagawang may
magandang kalooban, malakas
Na pangangatawan at malinaw
na kaisipan upang magawa
naming ng maayos ang mga
gawain na ipinagkatiwala sa
amin. Iligtas po ninyo kami sa
anumang kapamahakan sampu
Ng aming pamilya upang wlang
maging hadlang sa proyektong
ito. Panginoon, itulot mo po na
marami pa kaming mga kapatid
na mabuksan ang kaisipan at
hipuin ang kanilang mga puso
Upang patuloy na suportahan
ang proyektong ito. Ito po ay
aming hinihiling at
idinadalangin sa
makapangyarihang pangalan ng
iyong
Anak na si Hesus, kaisa ng
Mahal na Birheng Maria at ng
Espiritu Santo. Amen

You might also like