You are on page 1of 1

Dakilang Diyos na siyang lumalang ng lahat.

Dinadakila at pinupuri
namin sa kaitaasan ang iyong ngalan. Salamat sa lahat ng biyaya at
pagpapala na ipinagkaloob mo sa bawat isa sa amin. Nawa’y tulungan
mo ang bawat isa sa amin na magkaroon ng pagmamahal, katalinuhan at
kalakasan ng loob sa Gawaing ito. Panalangin naming na ikaw ang
mangusap at manguna sa bawat isa sa amin. Nawa’y magamit namin sa
aming pang-araw-araw na buhay ang mga karanasan at aral na
mapupulot naming sa gawaing ito. Nawa’y ang manaig sa gawaing ito
ay hindi lang ang mahigpit na kompetisyon subalit ang magandang
relasyon at karanasan ng bawat kasapi sa Gawaing ito. Nawa’y ang
kabutihan ang siyang manaig sa gawaing ito. Nawa’y ang kagustuhan ng
aming puso at ang katotohanan ang siyang manguna. Ikaw O Panginoon
an gaming inspirasyon, aming tagapagligtas at tagapamagitan. Bigkisin
mo nawa ang bawat isa sa amin sa iisang adhika, pag-ibig,
pananampalataya lalo’t higit sa lahat sa iisang paglilingkod. Lahat ng
kapurihan ay ibinabalik namin sa Pangalan ni Hesus na
makapangyarihan. Amen.

You might also like