You are on page 1of 2

PANANAKIT SA BATA BILANG PAGDIDISIPLINA, DAPAT BANG IPAGBAWAL?

GMA NEWS TV: Balitanghali

Balitang-ulat ni Kara David

Agosto ng mamatay ang isang batang babae sa Cebu matapos pagmalupitan daw ng kanyang madrasta.

Anim na estudyante naman ng Santiago, Isabela ang pinakain umano ng chalk ng kanilang guro ilang
linggo na ang nakaraan. Ilan lamang ito sa mga kaso ng pang-aabuso sa mga bata na naging laman ng
balita.

Sa isang pag-aaral lumabas na 82% ng mga bata sa Pilipinas ang nakaranas na ng pisikal na pananakit sa
kamay ng kanilang mga magulang. Ayon naman sa UNICEF, 60% ng mga nanay sa Pilipinas ang umaming
pinarurusahan nila ang kanilang mga anak at 3% sa kanila ay gumamit ng matinding pananakit.

Ito rin ang dahilan kung bakit isinusulong ng ilang mambabatas ang pagbabawal sa corporal punishment
o pananakit sa mga bata bilang paraan ng pagdidisiplina. Sa kongreso, nasa 3 rd Reading ang House Bill
4455 na nagbabawal sa corporal punishment at nagsusulong ng alternatibong paraan ng pagdidisiplina.

Sa Quezon City naman balak ihain ni Councilor John Ansel de Guzman ang ordinansa kung saan maaaring
makatulong ang magulang, guro, yaya, guardian, at iba pang nakatatanda kapag sinaktan nila ang bata
bilang paraan ng pagdidisiplina.

Sa ilalim ng ordinansa, matatawag na corporal punishment ang pamamalo, panununtok, pananadyak, at


paggamit ng iba’t ibang bagay tulad ng baston, sapatos, sinturon, at iba pa. Bawal din ang pamimingot,
pananabunot, pangungurot at pagpilit ng kamay. Ganoon din ang mga parusang pagpapaluhod sa asin,
pagkulong, pagkakait ng pagkain, pagtatali, pagbitin, at iba pang gawaing nakasasakit sa bata. Pati
paninigaw, pagmumura, pagpapahiya, at pagbabanta ay balak ding ipagbawal.

Maaaring makulong nang hindi hihigit sa anim na buwan o multang P1,000 ang lalabag dito.

Aminado si De Guzman na siya mismo ay nakaranas din ng corporal punishment noon. At aniya, minsan
daw lalo lang nauuwi sa pagrerebelde ang bata kapag sinaktan sila ng magulang o guro.

Sa akin po ay hindi naman po ‘yun ang tamang pagtrato sa kanilang anak. Dapat po tratuhin sila nang
maayos. Kasi po sa ginagawa nila hindi rin po sila tatratuhin ng kanilang mga anak eh, nang maayos din
po. Baka po bastusin din sila.”(pahayag ni De Guzman)

Pero may agam-agam ang ilang guro sa panukalang ordinansa ng Quezon City. Bagama’t sang-ayon
silang di dapat ang bata, masyado naman daw mabigat na kasuhan o tingnan bilang mga criminal ang
mga guro o magulang na magsasagawa nito. Baka rin daw mas maging pasaway ang mga bata dahil dito.

“Ang fear namin, baka kaunting taas ng boses naming may batang kakasuhan kami agad. Na-diminish
siguro ang aming authority at saka baka masobrahan ang karapatan ng bata ng hindi na alam ‘yung
responsibilidad nila”(paliwanag ni Evangeline Abubakar, isang guro)

Taliwas naman ito sa pananaw ng NGO na Plan International. Anila, kapag sinaktan ang mga bata, lalo
raw itong magiging bayolente.
“The problems of bullying, the problems even of the children in conflict with the law, various problems
involving children are related to their experiences at home. They have all experience some forms of
violence in the home,” pahayag ni Airah Cadiogan, media relations at anti-corporal punishment project
campaign coordinator ng Plan International.

Magkakaiba naman ang opinyon ng ilang mga magulang sa naturang panukalang ordinansa. (Narito ang
kanilang mga pahayag)

“Pangaralan mo siya, huwag papaluin kasi pag pinalo lalong maging rebelde ang bata”

“paano kung gumawa ng kalokohan, hindi mo ba papaluin? O di papaluin di ba! Depende lang sa
pagpalo.

“Pagsabihan mo lang ng magandang katuruan ang bata. Kasi kapag pinalo mo gaganti yun!”

Kapag hindi rin patikimin ang bata ng pagkurot nang kaunti, hindi rin matatauhan ang bata. Kailangan
ding mayroong respeto ang bata sa magulang, ang magulang din kailangang may respeto sa mga anak.”

Ayon naman kay De Guzman. Hindi raw agad ikukulong ang lalabag sa ordinansa. Isasailalim daw muna
ang guro o magulang sa counseling at assessment.

You might also like