You are on page 1of 9

MAGANDA VS.

PANGIT
Kung dalawa lang ang pagpipilian, SINO ang
iyong
iibigin at pakakasalan: Taong PANGIT ang
itsura,
ngunit maganda ang ugali? O taong
MAGANDA
ang itsura, ngunit pangit ang ugali?
Mula sa panulat nina:
GONIE T. MEJIA nagtanggol sa panig ng
PANGIT ANG ITSURA
NGUNIT MAGANDA ANG UGALI
RAFAEL A. PULMANO nagtanggol sa
panig ng MAGANDA ANG ITSURA
NGUNIT PANGIT ANG UGALI; sumulat din ng
iskrip ng LAKANDIWA

LAKANDIWA (Panimula)
Malugod na nagpupugay sa balanang
nanonood
At sa mga nakikinig itong aba ninyong
lingkod
Sa tagisan ng katwiran ng dalawang
magsasalpok
Narito ang paksa ngayong sa bayan ay
idudulog:
Halimbawang dalawa lang ang pupwedeng
pagpilian
Sino ang yong iibigin, yayayaing magpakasal

Ang tao bang PANGIT ngunit may


magandang kalooban?
O itsura'y MAGANDA nga, ang ugali'y pangit
naman?
Yamang inyong nabatid na ang paksa ng
pagtatalo
Simulan na agad natin ang bakbakang todotodo
Si GONIE T. MEJIA po ang syang unang
magbeberso
Isalubong sana ninyo'y palakpakang
masigabo!

Pag-aasawa'y di biro, di raw kaning isusubo


Na dagliang iluluwa kapag ikaw ay napaso
Pagsisisi ang katugon kung ang pinili ng puso
Panlabas na kagandahan, kalooba'y di
matanto.
Higit ko pang pipiliin ang babaeng di
maganda
Na mayroong kaloobang butihin sa
pagsasama
Kaysa isang maalindog ang panlabas na
itsura
Ngunit huwad ang damdamin, ang puso at
kaluluwa.
Aanhin ko'ng kagandahang nagmamaliw,
kumukupas
Sa buhay ko'y magpapako sa dusa at
paghihirap?
Dama ko lang ang ligaya kapag siya ay
kayakap
Kapalit ng pagtitiis habang buhay, hanggang
wakas.
Tuwiran kong sinasabi, walang bahid
alinlangan
Pangit man ang liliyagin, ligaya kong
tinatanaw
Masakit man sa paningin, Bakekang ang
kagandahan,
Buong tapat mamahalin kung ginto ang
kalooban.
LAKANDIWA
Si Gonie ay sumandaling aawatin ko po
muna
Sapagkat ang kalaban nya'y nagwawala
kanina pa
Si RAFAEL A. PULMANO na makata ng Laguna
Salubungin din po natin ng palakpak na
masigla!
RAFAEL PULMANO (Unang Tindig)

GONIE MEJIA (Unang Tindig)

Nabigyan po ng pag-asa ni Gonie ang mga


pangit
Na sa balagtasang ito'y marami ang
nakikinig
Paumanhin, ang mang-uto ng kapwa ay di ko
hilig
Kung ano ang nasa dibdib ay syang tulak
niring bibig.

Tinatangay ng panahon, bawat angking


kamusmusan
Upang tayo ay idako sa panahong kabataan
Pag-usad ng mga taon, pagsapit sa wastong
gulang,
Bawat isa'y hahanap ng sa buhay ay
makakatwang.

Kahit na nga panlabas lang at batid kong


lilipas din,
Kagandahan ang hanap ko sa babaeng iibigin
Matapunan lang ng ngiti at magiliw nyang
pagtingin
Hindi lamang parang Langit, damdam ko
pa'y nasa Heaven.

Ang mata ay tinuturing na bintana ng


kalulwa
Bibliya po ang may sabi, at mayroon ding
nagwika,
Kung ang mata ay ginawa upang tao'y
makakita
Hindi siya masisisi kung sa ganda mahalina.
Si Gonie po ay walang taste kaya di ko
masisisi
Ngunit kayong merong isip na sa laban
sumasaksi,
Limiin nang buong ingat ang kanya pong
sinasabi
At tugunin ang tanong ko upang tayo'y
magkaigi.
Paano ka maglalambing at hahalik nang lipsto-lips
Sa babaeng nguso'y biyak, ngipin bungi,
dila'y lawit?
Ang laway ay tumutulo, ang ilong ay korteng
atis?
At ang matang mapupungay ay maghapong
nakatirik?
GONIE MEJIA (Ika-2 Tindig)
Tumpak nga ang mga mata'y bintana ng
kaluluwa
Ito din ang magsasabing dustain mo ang
makita
Bibliya rin po ang nagwika, kung
magkakasala'y mata,
Dukutin mo ito pagkat mas mainam pang
bulag ka.
Ako daw po ay walang taste at wala ding
kaisipan
Hindi kaya kay Rafael nababagay ang
paratang?
Malinaw ang aming paksa, ngunit siya'y
nanlalamang
Dinako ang aking panig sa di dapat
kapuntahan.
Iibigin ko ay pangit na may gandang
kalooban
Sa sandali pong panahon, umiba na ang
usapan
Pagkat po iginigiit sa hinayag na katwiran
Ay babaeng walang silbi na tila ba isang
bangkay.
Sa mabunying Lakandiwa, hukom nitong
balagtasan,
Hanggang saan ba ang limit ng sinabing
kapangitan?
Hinihiling ko po ngayon, kayo sana'y
mamagitan
Upang akin pong matiyak ang panig kong
ilalaban.

LAKANDIWA (Paglilinaw ng Paksa)


Sa hiling ng taga-Tarlac na makatang si Gonie
po
Ako ngayo'y papagitna hindi upang
sumaklolo
Lilinawin lang po natin ang sakop ng paksa't
isyu
Na pinagdidiskusyunan ng dalawang
nagtatalo.
Hindi ako, kundi kayong pumasok sa
tunggalian
Ang bibigyan ko ng laya upang lagyangkahulugan
Ang salitang "PANGIT" maging panloob o
panlabas man
Walang limit, walang bawal, ang matira ay
matibay.
Si Rafael ang syang muling papagitna at
babanat
At yayamang di na pwedeng si Gonie ay
makaatras
Sila'y aking hihilingang magkamay na't
forget the past
Kayo namang madlang people magpaulan ng
palakpak!
RAFAEL PULMANO (Ika-2 Tindig)
Katunggali ko po pala'y sumbungero at
iyakin
Sumusugod nang di batid ang peligrong
susuungin
Ang paksa ay malinaw pa sa bituing
nagniningning
Di lang mata, pati utak, dapat na nyang
paiksamin.
Pinipili niyong pintor ang larawang iguguhit
Pihikan din ang eskultor sa modelong iuukit
Manunulat, kompositor lahat sila'y
nagnanais
Ng magandang inspirasyon, inspirasyong
hindi pangit.
Naturingang makata po at alagad sya ng
sining
May damdaming pag pinukaw ng marikit na
tanawin
Ay kaagad nagaganyak na lumikha ng awitin
Bakit ngayo'y umaayaw sa magandang
ginigiliw?
Kung ang unang halimbawa'y di matanggap
ni Gorgonio
Dahil anya tila bangkay, walang silbi,
inbalido
Eh, kung maging kabyak niya'y mukhang
tsonggong alimango
Hindi po ba ang kawawa'y magmamanang

anak, apo?
GONIE MEJIA (Ika-3 Tindig)
Kung magandang kalooban ng anak ay
mamanahin
Kapurihan ng magulang, babaunin hanggang
libing
Kung panlabas nga ang ganda ngunit asal ay
maitim
Ang tanong ko'y simple lamang, may langit
bang mararating?
Laman yaong iniibig nilang maang sa
pagsinta
Panlabas na katangian ang halagang
sinasamba
Lalaki man si Tyu Paeng ay di ako magtataka
Kung sa loob ng tahanan ay siya ang
nakapalda.
Parang aso si Tyu Paeng pag tinawag ng
asawa
Buntot ay kakawag-kawag sa dagliang
pagtalima
Ganyan po ang nabibihag sa panlabas na
hitsura
Mga takot maragdagan yaong blackeye po sa
mata.
RAFAEL PULMANO (Ika-3 Tindig)
Saan kaya napulot po ni Gonie ang kaisipan
Na ang misis, pag maganda, ang mister ay
ander naman?
Nabisto po tuloy yaong makahari niyang asal
Serbisyo ang habol pala sa asawang
mukhang aswang!
Sa tanong nyang may langit bang
naghihintay sa maganda?
Hindi po ba ang naroo'y mga anghel, santo't
santa?
Samantala, yaong pangit, impakto at
impaktita
Naron lahat sa impyerno, sama-samang
tinutusta!
Ngunit kami'y nalalayo sa paksa ng paguusap
Sino nga ba sa dalawa ang mas type mong
maging kabyak?
Ang sa akin yung maganda maski ugali ay
palpak
Ako rin ay di perpekto, kapwa kami mag-aadjust.

Ang inaglahi mong pangit, sa utos Nya ay


tumupad
Kaawaawang Rafael, di batid ang nasa Aklat
Namumuhi pati Langit sa gaya nyang utakpalpak!
Sa piling ng isang pangit ang buhay ko'y
maligaya
Malingap sa kabuhayan, sa tahanan at
pamilya
May mababang kalooban, may pakundangan
sa kapwa
Di suwail, lapastangan, tsismosa at
bungangera!
RAFAEL PULMANO
Nangingitim na sa galit kaya hindi nakikita
Bawat suntok ng katalo'y sa kanya rin
tumatama
Inaglahi ang giliw ko't iniangat yaong kanya
Maligaya raw sya, ngunit, halata mong
nagdurusa!
Ang ugali, kahit anong sama'y pwedeng
magbago pa
At pag tunay na nagbago, sagad hanggang
kaluluwa
Ang itsura, ipa-plastic surgery ma't
mapaganda,
Ganda'y huwad, hindi tunay, synthetic, fake,
walang kwenta!
GONIE MEJIA
Pag gumanda na ang pangit at bumait ang
masama
Saka ko na sasabihing malaya na ang
Takusa
Ang magdusa'y di ko batid sa mabait na
asawa
Sa buhay ko'y kabalikat sa hirap man at
ginhawa.
RAFAEL PULMANO
Tamang hindi nababatid ni Gonie ang
pagdurusa
Pano'y asawa nyang pangit ang sa bahay ay
muchacha
Kung sabagay, okey na rin kung type nya ay
mukhang bruha
Ang pangit ay sa kapwa raw pangit sanay
makisama.
GONIE MEJIA

GONIE MEJIA
Sa Kaharian ng Diyos, ang doon ay
tinatanggap

Ang kamelyo sa butas daw ng karayom ay


lulusot
Kami pa bang inapi mo na may iwing

gandang loob?
RAFAEL PULMANO
Ang ilaw ay hindi dapat na itago, ani Jesus
Gaano pa iyang gandang Dyos mismo ang
may kaloob?
GONIE MEJIA
Kagandahan ang kaloob, hindi asal na
balakyot!
RAFAEL PULMANO
At ang ganda, hindi asal, ang sa puso'y
nagpatibok!
GONIE MEJIA
Tibok ng puso ay bulok!
RAFAEL PULMANO
Dahil pangit ang yong irog!
LAKANDIWA (Pangwakas)
Hinto! Tigil! Para! Stop na! Magsitabi muna
kayo
Ang oras nyo'y naubos na, ang sisingit
nama'y ako
Sa lahat ng nanonood, nakikinig, ang hiling
ko
Palakpakan nating muli si Mejia at Pulmano.
Sa tao bang pangit ngunit may magandang
kalooban,
O itsura'y maganda nga, ang ugali'y pangit
naman,
Sino nga ba'ng iibigin, yayayaing
magpakasal?
Ang magpasya'y kayo, Bayan! Paalam na...
See you next time...

MATALINO VS. MAYAMAN


SINO ang mas sikat at higit na dapat
hangaan:
MATALINO o MAYAMAN?

Mula sa panulat nina:


JULIET ASENITA nagtanggol sa panig ng
MATALINO; kasamang
sumulat ng iskrip si GONIE T. MEJIA
RAFAEL A. PULMANO nagtanggol sa
panig ng MAYAMAN
DOMINGO TOLENTINO namagitan bilang
LAKANDIWA

Ating sasagutin ngayon nang malutas ang


katanungan.
Matapos na maihayag ang katanungang
tutugunin
Ang dalawang maghihidwaan ay atin nang
palitawin
Si Juliet Asenita ang siyang unang tatawagin
Sa matunog na palakpak siya'y ating suubin!
MATALINO (Pagpupugay)

LAKANDIWA (Pagbubukas)
Muli ang Balagtasan ay sumasahimpapawid
Kababayang minamahal, ilakas ang radyo't
makinig
Dalawang magaling na makata, Balagtasa'y
ihahatid
Magandang gabi po muna sa lahat ang bati
naming matamis.
Kami po'y muling maghahandog sa inyo ng
kasiyahan
Upang ang pagod ninyo sa trabaho ay
maibsan
Ginaganap natin ito bawat unang Lunes ng
buwan
Ang tagisan ng katuwiran na kung tawagi'y
balagtasan.
Para kay Ginoong Robert Generao ng FT
Construction
Tugon sa katanungan niya'y igagawad namin
ngayon
Marami pong salamat sa panawagang
kanyang tinugon
Ang paksang iminungkahi niya'y idadako sa
kuwestyon.
Si Ka Domeng po ito, ang inatasang maging
Lakandiwa
Na siyang papagitna at hahatol sa dalawang
maghihidwa
Para naman inspirado, ang kaba ko ay
mawala
Maaari bang makahiling ng palakpakang
masagana!
Sa matunog nyong palakpak, ang sukli ko ay
salamat
Dalawang angkan ni Balagtas ang siya
ngayong maghaharap
Ang tagisan ng talino ngayong gabi'y
magaganap
Pakinggan nating mabuti nang maunawaan
nyong tiyak.
Akin na pong ihahayag ang paksa ng
balagtasan
Na ang tema'y sino nga ba ang mas sikat at
higit na hahangaan?
Ang may angking likas na talino o ang isang
mayaman?

Ang likas na kakayahang taglay ay walang


katumbas
Kaya sa matalino ang mariin kong sagot na
ihahayag
Pero bago muna, hayaan nyo bati ko'y
maigawad
Maligayang pakikinig, magandang gabi po sa
lahat.
LAKANDIWA
Taga-Dupax, Nueva Vizcaya po ang black
byuting paraluman
Likas sa dugo't lahi niya ang walang takot
kung lumaban
Pakinggan naman natin ang makatang
makakapingkian
Iniwan niya ang mag-iina upang tayo'y
matugunan.
Taga-Binan, Laguna po ang haharap na
makata
Nakilalang magaling din sa larangan ng
pagtula
Si Ralph Pulmano po, guwapo na may itsura
pa
Salubungin natin siya ng palakpakang
masagana!
MAYAMAN (Pagpupugay)
Salamat po, Lakandiwa at sa bayang
nakikinig
Ako po ay bumabating buong galak, kinikilig!
Sa kalaban ko po namang madilim din yaong
kutis
Kung sya po'y sa matalino, sa mayaman
ako'y bilib.
LAKANDIWA
Sa pagpapakilala pa lang sa dalawang
magpipingkian
Ay tila ba mainit na ang kanilang labanan
Para naman ang pananabik nyo ay hindi
mabitin
Sila pong dalawa ay atin nang pagitnain.

MATALINO (Unang tindig)

Hayaan nyong sa inyo po ako muna ay


magkwento.

Musmos pa man tayong bata'y pangaral na


ng magulang
Ang talino'y kabahagi sa magandang
pamumuhay
Ito'y isang katangiang tataglayin habang
buhay
Karunungan ay hagdanan sa pag-abot ng
tagumpay.

Ang pulubing matalino at mayamang di


marunong
Isang araw ay nagtagpo sa labas ng
Mandaluyong
Mayaman ay walang kaya sa diskurso at
diskusyon
Pagsapit ng tanghalian, matalino ang syang
gutom.

Ang bansa ay umuunlad kung dito'y


nanunungkulan
Malawak ang nababatid, di kapos ang
kaalaman
Ngunit kung ang namumuno'y masalapi
ngunit mangmang
Magagapi ang pag-asa ng kanyang
sinasakupan.

Sa byahe ng Continental Airlines, minsan,


nagkatabi
Matalinong contract worker at mayamang
negosyante
Ang bitbit ng matalino'y diploma at
pasaporte,
Ang mayaman, pasalubong na pinakyaw sa
Duty Free.

Sa karandamang mapanganib, lalapitan ba


ay sino?
Di ba dalubhasang duktor sa lunas ay
sigurado?
At sa mga paaralan, nagsisilbi'y mga guro
Dunong nila ang sandata nang tayo ay
mapanuto.

Matalino'y nag-aabroad, tinitiis yaong hirap


Mayaman din, nag-aabroad, para naman
magpasarap
Sino nga ba sa dalawa ang mas lamang at
mas sikat?
Kahit sa tulad kong mangmang, ang sagot
po'y maliwanag.

Sariwain naman natin sa gunita ang lumipas


Sa dayuhang mananakop lumaya ang
Pilipinas
Ito'y dahil sa utak ng isang henyo at pantas
Kay Gatpuno Jose Rizal na dunong ang
itinumbas.

May oras pa, katalo ko, upang ikaw'y


makaatras
Balutin na ang dila mo habang di pa
nagkakalat
Balagtasa'y hindi laging labanan ng mauutak
Kung minsan din, nagwawagi'y ang
makatang may pambayad!

Maliwanag ang sagot ko sa tanong na


tinutugon
Ang marapat na hangaan ay yung mga
marurunong
Kahit ikaw ay mayaman, kung ulo mo ay
mapurol
Kasikatan ay mailap, salapi man ay igugol.
LAKANDIWA
Ang panig po ni Juliet ay narinig ninyo
Higit na sisikat at hahangaan ay itong
matalino
Pakinggan naman po natin ang makatang si
Ralph Pulmano
Ihatid po natin siya ng palakpakang
masigabo!
MAYAMAN (Unang tindig)
Kalaban kong paraluman ay masyado pong
seryoso
Baka labis pong magdamdam kapag dito ay
natalo
Yamang paksa nami'y tungkol sa mayama't
matalino

LAKANDIWA
Iyan po ang katuwiran ng makatang tagaBinan
Lalo daw sikat at dapat hangaan ay yung
mga mayayaman
At para naman lalo nating ito'y maunawaan
Magpapatuloy po sila at atin namang
palakpakan!
MATALINO (Ikalawang tindig)
Malabo po ang pananaw sa tunay na
nagaganap
Nitong aking katunggaling panalo ang siyang
hangad
Magagawa bang gutumin ang may utak at ng
lakas?
O baka po nagbibiro dahil siya ang
babagsak!
Marunong ang naglilingkod sa negosyo ng
mayaman
Upang lalo pang lumago sa panahon mang
daratal
Ano kayang mangyayari kung wala yaong

may aral?
Baka itong masalapi'y hahantong sa
basurahan.

Para bang mga teksas, sa kulunga'y


nagwawala
Sa pagnanais na makasipa at makatuka!

Ang dalawa'y naisipang mag-aplay


patungong langit
Ang marunong ay pumasa sa ginawang
pagsusulit
Nang mayaman ay lumagpak, kay San Pedro
iginiit
Limpak-limpak niyang salapi, sa impyerno
siya'y napiit.

Ang nais ko't hiling sa dalawang naghihidwa


Sana ang hinahon sa inyo'y hindi mawala
Muli ay tumindig at sa labanan ay pumagitna
Ihatid naman natin sila ng palakpakang
pampasigla!

Yaman ba ang magdadala sa tugagog ng


pangarap?
Ang kinang ba ng salapi sa paghanga ay
pambihag?
Dahil yata puro pera sa katalo'y nasa utak
Pati yaong baluktot na'y tuwid pa ring
sinusulyap.

Mahirap pong umunawa ang makatang


mukhang pera
Ang sabi ko, ang may aral, sa mayaman ang
nagdadala
Kung sa mental humahantong ang may
dunong na sumobra
Sa walang alam pagkat tanga, may ospital
nga ba kaya?

MAYAMAN (Ikalawang tindig)

Sobrang silaw sa salapi ay malaking


kapintasan
Pagkat walang itatangi kundi yaong
kumikinang
Dahil dito'y nalilimot sa puso ang kabutihan
Nang dahil din po sa pera, nandyan ang
kapalaluan.

Katalo ko'y kay-aga pong kasalana'y


'kinumpisal
Inamin pong ang may aral, lingkod lamang
ng may yaman
Pag nagsara ng negosyo ang mapera't may
puhunan
Ang kawawa'y ang marunong na kawaning
swelduhan lang!
Bilib ka sa matalino, ganyan din si Eba't Adan
Paraiso'y nakamtan na, wala pa ring
kasiyahan
Sa hangad na magmarunong, nilabag ang
kautusan
Pati dunong ng Maylikha ay nais na
mapantayan!

MATALINO (Ikatlong tindig)

Ang buhay natin sa mundo, kung inabot ng


finished contract
Kaluluwa ng may dunong sa langit ay
natitiyak
Dahil sinamba ng mayaman, ginto, salapi at
pilak,
Na-cancel ang entry permit, inabot ay
hanggang ulap.
MAYAMAN (Ikatlong tindig)

Kahit ubod ka ng galing at nuno ng


karunungan
Yagit ka ring ituturing hangga't di ka
yumayaman
Ang taginting ng salapi ay musika sa lipunan
Pag tama mo sa swipistik, daig mo pa ang
superstar!
Kayamanan, pag labis na, marami ang
natutuwa,
Matatag ang ekonomiya, masagana itong
bansa
Ang dunong ng isang tao, pag sumobra ay
masama,
Sa mental po humahantong, nagbibilang na
ng tala!

Wala nga pong pagamutan sa mapurol ang


isipan
Dahil hindi pa po sira, pwede pa ring
pagtyagaan
Ang malungkot ay sila pang ignoranteng
kababayan
Ang madaling naloloko ng rekruter na
maalam!
Hindi lahat ng may pera'y sumasamba sa
salapi,
Tulad ni Job, mas maraming sa D'yos Ama'y
nagpupuri
Kalulwa ng may talinong sa kapwa ay
nanduhangi
Made-deport sa impyerno pagkat passport
pala'y peke!

LAKANDIWA
Sandali muna akong sa labanan ay papagitna
Ang sagutan ng dalawa'y nagiging pabiglabigla

Tigilan na ang pagsabing matalino'y syang


may dala
Sa mayaman, pagkat baka makulitan ang
balana

Pasalamat ka na lamang, kaydami ng may


diploma
Kinakalawang ang utak, walang trabahong
makita!
MATALINO
Katunggali ang nagsabing ang tanga ay
naloloko
Matuwid ang kahulugang dapat
magpakatalino
Si Abraham at Isaac maging si Job ay may
ulo
Kaya sila nagsiyaman, dahil hindi mga bobo.
Hindi ka ba nagtataka? Sikat ka't
hinahangaan,
Kahit ikaw ay mahirap, talino mo'y sa
bigkasan
Talo mo pa si Ayala, Sarmiento at Lardizabal,
Marami sa 'yong nakikinig dahil sa iyong
kaalaman!

ang may alam!


MATALINO
Sa landas mang pagkalinis, ang mangmang
ay naliligaw
Ang paghanga sa marunong, maingat sa
daraanan!
MAYAMAN
Ngayo'y di na mayaman ang binubugbog ng
kalaban
Sa marunong versus mangmang napalihis
ang usapan!
MATALINO
Kamangmangan ng mayaman ang siya kong
tinutukoy
Mahirap makaintindi, kalaban ko'y
nagmamaktol!

MAYAMAN
Bakit ko ba hahangaring ako'y maging
marunong pa
Gayong halos lahat naman, nabibili na ng
pera
Talino ng abugado, duktor, hilot, kumadrona
Ay may presyong kagaya rin ng kakaning
tinitinda!

MAYAMAN

Sa labanang pasikatan, sino'ng unang


papansinin?
Sino nga ba'ng hahangaan kung dalawa'y
pagtabihin?
Matalinong mukhang engot dahil pobre at
gusgusin?
O mayamang mukhang "genius", pagkat
porma'y mamahalin?

MATALINO

Ako pa raw ngayon itong pang-unawa'y


kinukulang
Magkano ka? Sabihin mo, matahimik ka na
lamang!

Katalo ko'y di lang bobo, abusado pa rin


pala!
MAYAMAN
Sagot ko na ang ticket mo, may pam-pocket
money ka pa!

MATALINO
Di katumbas ng halaga ang magandang
kalooban
Iyan namang salapi mo'y palamuti lang ng
katawan
Di sa panlabas na anyo nakikita ang katinuan
Kundi sa gawa ng taong may inaangking
kaalaman.
MAYAMAN
Ako yata ay naligaw sa labanang napasukan
Akala ko, paksa dito'y sino'ng sikat,
hahangaan?
Kayamana'y panlabas nga, sapagkat ang
kalooban
Ay di tayo ang hahatol, yan ay D'yos lang

MATALINO
Marunong ang hahangaan, di mayamang
walang alam!
MAYAMAN
Sa gobyerno ay kaydaming matalinong
magnanakaw!
LAKANDIWA
Akin na pong pipigilin ang talaktakan ng
dalawa
Ako namang Lakandiwa ang papasok sa

eksena
Ang hiling ko sa dalawang makata ay
magkamay na
At sa inyo, mga kababayan, palakpakan muli
sila!
Mahirap man ang humatol ay akin nang
gagawin
Sa katwiran ng dalawa na mahirap arukin
At sapagkat ang dalawang ito'y kapuwa
magagaling
Marahil ay mahihirapan akong matuwid nila'y
limiin.
Sa panig ng matalino na si Juliet Asenita
Dahil daw sa talino, nakilala ang ating bansa
Talino raw ang puhunan sa buhay ay
pakikibaka
Matalino raw ang siyang sikat at hahangaang
talaga.
At si Ralph Pulmano po sa panig ng
mayaman
Dahil daw sa yaman, sisikat ka at hahangaan
At kung mayaman ka, magpakahirap ay di na
kaylangan
Tila may katwiran din ang makata ng Binan.
Kung ang talino'y ginamit sa mabuting
paraan
Walang pagsalang ito'y dapat nating
hangaan
Ngunit kung ginamit ito sa kapwa ay
panlalamang
Bagkus ay dapat pang ito ay pintasan.
Hahangaan mo rin ba ang isang mayaman
Kung wala namang malasakit sa kapwang
nahihirapan?
Datapwa't kung ang yaman ay ginamit sa
katuwiran
Walang pag-aatubili, sisikat siya at
hahangaan.
Kung sa tugatog ng tagumpay ay marunong
ang kailangan
Datapuwat kakailanganin din ang puhunan
ng mayaman
Yaman ang magpapakilos sa matalinong
tauhan
Ngunit matalinong tauhan din,
magpapatakbo ng negosyo ng mayaman.
Ang paksa ay sino nga ba ang higit na
hahangaan
Ang may angking talino ba o ang isang
mayaman?
Narito ang hatol ko sa dalawang
naghidwaan:

Patas po ang naging laban, sila'y ating


palakpakan!

You might also like