You are on page 1of 11

Kahalagahan ng

Pagmamahal sa Bayan
Ang ating bansa ang humubog sa ating
pagkatao at nagbigay ng depenisyon kung
sino tayo.
Ito ang kaisipan na nakapaloob sa
“Panatang Makabayan”. Ang Pilipinas ang
tahanan ng ating lahi, ng ating pinagmulan.
Ang pagmamahal sa
bayan ay daan sa
pagpapabuti nito.
Ang isang tao na nagmamahal sa bayan
ay nagnanais na makita ito na maging
mas mabuti kaysa sa kasalukuyan niyang
kalagayan.
dahil may pakialam siya sa nangyayari at
sa kahihinatnan ng bayan, nakilalahok
siya sa pagpapaunlad nito sa anumang
paraang
kaya niya.
Ang pagmamahal sa bayan
ay nagbubuklod sa mga
mamamayan
Ang pakiramdam ng isang taong may
pagmamahal sa bayan na kaugnay siya ng
kanyang bansa ay nadama rin niya ang mga
taong kasama niya sa bansa sapagkat iisa
ang kanilang kultura, wika, kasaysayan,
pinahahalagahan, at higit sa lahat, iisa ang
kanilang bayan.
Ang tagumpay ng isang Pilipino at
tagumpay ng lahat at ang kabiguan
niya ay kabiguan ng bawat Pilipino.
Sa pamamagitan ng pagmamahal
sa bayan, naipagpapatuloy ang
mga
ipinaglaban at ipinamana ng
ating mga ninuno
Ang lahat ng tinatamasa natin ngayon –
kalayaan, mga pinahahalagahan,
karapatan, at ang ating pambansang
kalinangan – ay bunga ng pagbubuwis ng
buhay ng mga taong tumiyak na ang lahat
ng mga ito ay mapasaatin.

You might also like