You are on page 1of 1

ADOBONG

MANOK
isa sa pinakamasarap na
pagkaing pinoy ang
adobong manok na
karaniwang inihanda kapag
may kaunting salo-salo sa
pamilya.

Mga Sangkap:
1. Manok
2. Tubig
3. Bawang
4. Sibuyas
5. Paminta
6. Dahon ng laurel
7. Mantika
8. Soy Sauce
9. Suka

Mga hakbang sa pagluto ng


Adobong Manok:
1. Ipainit ang mantika sa kawali
2. Igisa ang bawang at sibuyas
3. Isunod ang manok
4. Haluin at takpan
5. Paminsan-minsan ay haluin hanggang mag-iba ang
kulay ng karne
6.Pag nawala na ang pinkish color ng hilaw na karneng
manok at pantay na ang kulay, ay ihalo na ang toyo at
igisa ng isang minuto. Para mag-blend ang kulay ng toyo.
Tandaan na medium heat lang ang apoy
7. Ihalo ang tubig, suka, asukal at paminta. Kung mayroong laurel, isama nadin ito.
8. Takpan at hintaying kumulo. Haluin paminsan-minsan. Hinaan ang apoy
9. Pagkaraan ng 30 minutes, tikman at sa puntong ito ay lasahan ng naaayon sa
inyong gustong panlasa. Ito yung time na pwede ka mag-dagdag ng konting toyo o
suka at konting tubig pa
10.Takpan uli. Pakatandaan na medyo mahina nalang ang apoy nito. Para hindi ito
matuyuan ng sabaw at para manuot ang sarsa sa manok
11. Kung kayo ay nagdagdag ng inyong sarsa, ito ay kailangang mapakuluan uli sa
mahinang apoy
12. Para malaman kung luto na ang manok ay tusukin ng tinidor ang laman ng
karne. Kapag ang tinidor ay tuloy-tuloy na bumaon, ito ay siguradong luto na PERO
pag ito ay lumalaban pa, kailangan na takpan muli ng ilang minuto pa.

You might also like