You are on page 1of 12

KUNTO

KANYAW SUYUK
KASAYSAYAN
NG
ALAMAT
Inihanda ni:
ROGER D. SALVADOR
ALAMAT

LATIN
(LEGENDUS)

UPANG
MABASA
Ang alamat ay itinuturing na isang
kwentong bayan na nagpapaliwanag
kung saan nanggaling ang isang
bagay. Ito ay nagpasalin-salin sa
mga henerasyon kung kaya’t ito ay
buhay na buhay pa rin hanggang
ngayon.
• Noon pa mang 1300 AD (After Death), ang
ating mga ninuno, nakilala sa katawagang
Ita, Aetas, Negrito o Baluga ay may sarili ng
mga karunungang-bayan, kabilang
ang alamat.  (Sila ang mga taong walang
permanenteng tirahan).   Ayon sa mga
heologo (geologists), nakuha o nalikha nila
ang mga ito dahil sa kanilang pandarayuhan
sa iba’t ibang lupain sa Asya.  
Dahil sa wala silang sistema ng pamahalaan (bunga
marahil ng kakauntian), panulat, sining, at siyensya,
ang mga ito ay nagpapasaling-dila o lipat-dila
lamang.  Pagkalipas ng 4,000 taon dumating sa ating
kapuluan ang mga Indones na may dalang sariling
sistema ng pamahalaan, panitikan at
pananampalatayang pagano.  
Ang matatandang alamat ng ating mga ninuno ay
nalangkapan ng kanilang mga katutubong alamat na
ang nilalaman ay tungkol sa mga anito, buhay ng
mga santo at santa, bathala, at pananampalataya sa
Lumikha.  
Sumunod na nandayuhan sa ating kapuluan
ang mga Malay.  Katulad ng mga Indones, sila
rin ay may pananampalatayang pagano.  
May dala rin silang sariling mga alamat,
kwentong-bayan at mga karunungang bayan.
 Sila rin ang nagturo sa ating mga ninuno ng
alpabeto na tinatawag na Alifbata o Alibata. 
Dahil dito, ang ilan sa ating mga alamat na
pasaling-dila o bukambibig lamang ay
naisatitik ng ating mga ninuno sa mga
kawayan, talukap ng niyog, dahon, balat ng
kahoy, at maging sa mga bato sa pamamagitan
ng matutulis na kahoy, bato, o bakal.  Sa
panahong ito, higit na lumaganap ang
mga alamat hinggil sa pananampalatayang
pagano at sumibol ang Maragtas at Malakas at
Maganda.  
Nandayuhan din sa ating kapuluan ang mga
Intsik, Bumbay, Arabe at Persyano.  Ang mga
ito ay may mga dala ring kani-kaniyang kultura
na nakaambag sa patuloy na pag-unlad ng
mga alamat sa ating kapuluan.  
Sa mga panahong ito higit na umunlad ang
wika at panulat ng ating mga ninuno kaya’t
marami sa mga alamat ang naisulat at
naipalaganap.  Gayunpaman, nakahihigit pa rin
ang mga alamat na nagpasalin-salin sa bibig ng
mga taong-bayan.
Sumunod na nandayuhan sa ating kapuluan ang mga
Espanyol na may layuning mapalawak ang kanilang
kolonya, at magpalaganap ng pananampalatayang
Kristyanismo.  Ipinasunog ng mga prayleng Espanyol
ang mga naisulat na panitikan ng ating mga ninuno.  

Ang iba’y ipinaanod sa ilog sapagkat ayon sa kanila


ang mga iyon raw ay gawa ng demonyo.  Ngunit ang
mga alamat at iba pang panitikang nagpasalin-salin
lamang sa bibig ng mga taong-bayan ay hindi nila
masira.  Nanatili ang mga alamat...nakitalad,
nakipagsubukan sa mahaba at masalimuot na panahon
at nanatiling buhay hanggang sa kasalukuyan.
KAANTASAN NG
PANG-URI
LANTAY

PAHAMBING

PASUKDOL
• Pahina 134 ( Talas-Salitaan)
• Pahina 136 (Palalimin ang Pag-
unawa)
• Pahina 139-140 ( Hasaan sa Wika A
at B)

You might also like